Chapter Nine

1 0 0
                                    


Malinis at maaliwalas ang silid nina Bald at Joaquin. Ito ang kauna unahang pasok ko sa kanilang silid. Kahit maliit lang ang bahay nila ay hindi ko magawang puntahan ang pribadong lugar ng kanilang pamilya. Sa silid sa sala sa kusina lamang ako nalalagi at hindi sa kanilang silid, respeto na din sa kanilang pribadong lugar. Hinanap ko ang mga gamit ni Joaquin binuksan ko ang maliit na kabinet, kinuha ko ang mga damit niya shorts, boxers, at brief. Nailang pa akong kunin yon. Tiningnan ko ang brand ng brief niya, hmm Calvin Klein. Branded

Nabigla naman ako ng biglang bumukas ang pintuan sa likod ko, dali dali ko namang pinasok sa bag ang brief niya. At pinatuloy ko ang pag silid ng damit hanggang sa naramdaman ko siya sa likod ko, hindi ako lumimgon pero alam kong si Joaquin ito. Ramdam ko ang init ng hininga sa leeg ko, nakiliti naman akong Inilayo ang katawan ko sa kanya at humarap sa kanya. Napanganga naman ako dahil naka topless ulit siya. Bakit ang hilig mag hubad ng lalaking ito, nag rereflex na naman ang muscles niya feeling ko sini seduce niya ako, sumabay ang tubig na dumadaloy sa buhok niya patungo sa dibdib niya.

Jessica. .

Karne Norte. Sabi ko nang wala sa sarili habang nakatingin sa katawan niya.

What??

Karne Norte. .

Anung Karne Norte?

H-ha??

Anung Karne Norte?

A-hh hahaha yung Karne Norte yung dadalhin na mga de lata. Sabi ko nang matauhan. Tangina Jessica anong nangyari sayo!

Ahh okay. Sabi niya na parang di kumbinsido sa sinabi ko.

Ah sabi ni Nanay Nena aayusin ko daw ang mga gamit na dadalhin mo kaya nandito ako. Pasensya na kung pumasok ako.

Okay lang yun. Salamat pala. Ako nalang magtatapos. Sabi niya at kumuha ng damit at saka dali daling sinuot. Nakatingin pa din ako sa kanya hanggang sa mapansin niya na hindi padin ako umalis.

Jessica ako na dito. Salamat ulit.

Ahh sige. Tumalikod na ako pero nung may maalala ay humarap ulit ako sa kanya.

Ahh Joaquin?

Hmmm?

Yung boxers mo. Ang cute hehehe. Sabi ko sabay takbo papunta sa pintuan hindi ko na pa siya hinintay magsalita dahil kita sa mukha niyang nabigla sa sinabi ko at namumula pa.

Sino ba naman ang hindi mamula at mahiya dahil sa boxers niyang si Dora ang drawing. Okay lang sana kung si Diego ee lalaking lalaki, pero si Dora? Hahaha ang cute

Napangiti naman ako sa aking naalala, tapos ng magligpit si Nanay Nena at Bald sa pag iimpake ng madatnan ko kaya tumulong na din ako sa pag buhat para dalhin sa labas.

Pure LoveWhere stories live. Discover now