Chapter Eight

1 0 0
                                    


Anung naalala mo? sabik na sabi ni Joaquin. Masaya dahil nakaalala na ako pero ako hindi ko magawa maging masaya dahil sa naalala ko.

Panget. Demonyo

Mga salitang paulit ulit sa isip ko. Pinagtatawanan pa na tila isang nakakatawa na bagay.Naawa ako sa sarili ko. Ito yung mga nararansan ko noon. Isa akong bully, pinagkakaisahan pinagtatawanan at sinasaktan ng pisikal. Naluluha kong kinwento kay Joaquin ang aking naaalala.

Panget daw ako. Panget ba ako? Tanong ko kay Joaquin.

Hindi, maganda ka. Makinis, maputi, matangos ang ilong. Parang hinulma ang iyong mukha. Perpekto ka sa pisikal na kaanyuan. Hindi ka panget.

Pero bakit panget daw ako? Tapos demonyo pa?!

Inngit lang ang mga yon. Kase maganda ka. Sabay ngiti ng napakaganda.

Talaga? ?

Oo.

Pero bakit sila?! Napapangitan sa akin?

Bumuntong-hininga naman siya.

Wag mo mang alalahanin pa. Nakaraan na yon nangyari na hindi na maibabalik pa. Ang intindihin mo ang kasalukuyan, paghandaan mo at dapat marami ka nang maalala. Okay ba yun?

Tumango naman ako na parang bata at napangiti siya sa inasta ko. Hindi ko namalayang humuhupa na pala ang ulan at hindi na ito kasing lakas gaya ng kanina. Kaya umalis na kami ni Joaquin. Pero bago yun pinasoot niya muna sa akin ang kanyang damit dahil naaaninag padin ang aking panloob nailang pa niyang binigay ito sa akin. Samantala siya ay naka topless lang at sabay namin sinuong ang mahinang patak ng ulan.




Por dios por santo iha! Saan ka nagpunta? Kanina pa kami aligagang naghahanap sayo.

Pansin ko naman ang ilang barangay tanod sa bahay namin. Napahiya naman akomg tumungo, pinag alala ko pa sila.

Sorry po. Naglalakad lakad lang po ako sa dalampasigan at hindi ko namalayang nakalayo na pala ako sa bahay kaya naabutan ako ng ulan. Mabuti nalang po at may nakita akong cottage sa lugar na yon kaya sumilong muna ako. Mabuti nalang po at nakita ako ni Joaquin. Sorry po talaga sa abala. Hindi na po mauulit. Mahaba kong paliwanag sa kanila lahat na nandoon sa bahay.

Nagsiuwian na ang mga tanod at pumasok naman ako sa aking silid naligo, baka daw magkakasakit ako. Kinuwento naman nila may bagyo at dito sa lugar namin ang sentro ng bagyo.



Pinilit din ng kapitan ang mga tao sa amin na habang maaga pa ay magsilikas na kami at pumunta sa evacuation center na pinahanda ng mayor para sa mga taong malalapit sa coastal area dahil may posibilidad na magkakaroon ng storm surge.

Pagkatapos naming kumain ay nagsimula nang mag Impaki si Nanay Nena at pati si Bald. Samantalang si Tatay Isko at Joaquin naman ay nilalagyan ng gulong ang bubong para kahit papaano'y hindi ito masira ng tuluyan. Pumasok ako sa aking silid at nagsimula na din mag ayos ng gamit na aking dadalhin. Damit, kumot, flashlight at unan. Pagkatapos kong inilagay sa karton ang aking dadalhin ay tumulong naman ako kay Nanay Nena na mag silid ng mga pagkaing delata sa plastic bags, emergency kits at battery. Nakakamangha kahit ganito ang istilo ng kanilang pamumuhay ay handa sila sa ganitong pangyayari.

Sanay na kami na tuwing bagyo pinapalikas kami ng mayor. Kaya ganito na lang ang aming paghahanda. Hindi na ito bago sa amin. Sabi ni Nanay Nena na patuloy padin sa pagbabalot.

Maya maya pay lumapit na din sa amin si Bald ar nagtulong din sa pagbabalot. Hindi pa din tapos si Joaquin at tatay Isko sa kanilang pinagagawa sa labas, sinisigurado nilang maging matibay ang kanilang pag tatali. Tinaliaan din nila ang bawat sulok ng bahay at tinali ito sa puno ng niyog para hindi madaling matumba.

Bald ayusin mo ang mga gamit ng kuya mo yung mga dadalhin niyang damit.

Nay tumutulong pa ako dito ee.

Kami na dito, ayusin mo na don naligpit ko na din ang mga dadalhin mamin ni Isko. Yung kuya mo nalang yung hindi pa nakapag ayos.

Ehh nay si ate nalang. Sabi niya pa na hindi inaalis ang paningin sa Cellphone. Tumutulong daw. Tsk tsk.

Ate ikaw nalang please. Hindi ka naman bago sa amin ee.

Aba'y batang ito nag utos pa.
Sermon ni Nanay Nena kay Bald.

Ikaw yung inuutusan ko- - -

Ah ako nalang po. Putol ko sa sinabi ni Nanay Nena at tumuloy na sa silid nila Joaquin.

Pure LoveWhere stories live. Discover now