Chapter Three

1 0 0
                                    

Malubha yata ang pinag daanan ng batang yan Isko panu natin siya matutulungan. Ni wala tayong makuha na sagot galing sa kanya.

Humingi na din ako ng tulong sa bayan kung may nag hahanap sa batang iyan ay ipapaalam nalang satin ng mga pulis.

Naalimpungatan ako sa aking mga narinig. Ipapahanap. Sino naman ang maghahanap sakin? Wala na akong pamilya. May naalala ako pero noon pang bata ako wala na akong pamilya namatay sa isang aksidente. Naalala kong masaya kame na namamangka para manghuli ng isda, sa tabing-dagat ako nakatira. Naghahabulan sa kapwa ko bata. Hindi ko makita ang kanilang hitsura parang isang panaginip pero hindi, totoo ito may naalala na ako sa nakaraan ko.

Dahan-dahan akong bumangon inilapat ko sa sahig ang aking mga paa malamig na kawayan ang sumalubong sa aking balat sa talampakan. Tumayo ako at ng makabalanse ay humakbang sa pinto. Wala na din ang benda sa ulo at paa ko. Naka awang nang kaunti ang pintuan kaya dinig ko ang kanilang pag uusap sa baba. Pangalawang hakbang ko ay tumunog ang kawayan sa sahig na aking inaapakan kaya na agaw ko ang kanilang atensyon na seryosong nag uusap. Pumanhik sa itaas ang babaeng pangalan ay Nena ayon sa narinig ko kanina sa kanilang pag uusap. Sumalubong siya sa akin at inalalayan ako.

Iha ayos ka na ba? Baka mapanu ka alala ang tinig na maririnig sa boses ng matanda

Nag--- bumara ang aking lalamunan kahit laway ay wala na akong malunok.

Nagugutom ako - - hindi na ako pinatapos ni Aleng Nena at inalalayan niya ako pababa pumunta din ang isang lalaki na wari'y kaedad ko lamang matangkad kamukha niya ang kanyang ama. Hindi ako magkakamaling mag ama dahil parang kinopya lamang ang kanilang mukha. Hinawakan niya ang kanang braso ko nang may pag iingat at sa aling Nena naman ay nasa kaliwa ko.

Inabutan naman ako ni Bald ng maiinom inubos ko lahat ng ito dahil sa kauhawan ko pakiramdam ko ilang taon ako hindi nakatikim ng tubig. Inilapag ni Aling Nena ang isang bandehadong kanin at tinolang manok. Nakakagutom ang kanyang amoy kaya sinimulan ko ng kumain.

Maraming katanungan sa isip ko na alam kong sila ang makakasagot ang kumupkop sa akin. Maaring may konti silang nalalaman kung pano ako napadpad dito

Ayos na ba ang pakiramdan mo iha? Sabi ni aleng Nena pagkatapos kong kumain. Niligpit naman ng kaedaran kong lalaki ang ang pinagkainan.
Tumango nalang ako sa a at tiningnan ko sila isa-isa.

Ako si Nena. Pwede mo akong tawaging Nanay Nena, ito naman si Tatay Isko mo. Ito yung dalawa kong anak si Bald at Joaquin.
Turo niya sa isang bata at sa kaedaran ko. Ngumiti naman ako sa kanila ng pilit.

Ate. . . Jessica sambit ni Bald

Panano mo ako nakilala? Tinuro niya ang pulupulsuhan ko na may soot na bracelet. Kulay blue na bracelet na may palawit na puso at may isang metal na nandon naka sulat ang aking pangalan Jessica na may nakapalibot pa na mga puso na siyang disenyo na naka pag paganda pa sa aking pangalan

Pure LoveWhere stories live. Discover now