Chapter Thirteen

1 0 0
                                    

Oh my God!!!!! Sabi ulit ng babae na malakas na kaya napatingin na halos lahat ng nandito sa tent. Tangina sino ba to isa pa tong attention-seeker eh,  nang makalapit na sa akin na sa mismong tapat ko ay hinawakan niya ang mukha ko tapos napatakip naman sa bibig niya napaismid naman ako sa kinikilos niya.

Oh my----

Hep hep kanina ka pa oh my God nang oh my God eh sino ka ba? Do I know you?
Putol ko sa sasabihin niya. Napaamaang naman siyang tumingin kay Neon pabalik sa akin na tila naguguluhan.
Gusto ko talagang dakmain ang mukha ng babaeng ito parang isang palad ko lang sa sobrang liit pero bagay naman sa kanya ang  korte ng hitsura niya nagmumukha siyang cute pero parang tanga tss.

She's have an amnesia and I guess she didn't know you. Sabi ni Neon

Nabigla naman na tumingin sa akin ang babae na nanlilisik pa ang mata. Kinabahan naman ako. Wala akong may naalalang kakilala na ganito ka tanga.

Oh my God?! Kilala mo siya pero ako hindi mo kilala? Hoy Jessica wag mo kong taratanduhin ah! Sabi niya sa akin at bigla akong sinapak sa ulo ng harrrrdddddd... Bigla namang naalog ang ulo ko at bumaling sa babae.

Sheena??  Sheena ikaw na ba yan? Bakit ang losyang mo yata. Sabi ko sa kanya.

Gaga ka! Sabi mo may amnesia ka!!! At sinong losyang ha? Sino!! Sigaw niya sa akin na nanlalaki talaga ang mata na gustong kumawala ang mga eyeballs niya napaatras naman ako.

Sinapak  mo kase ako eh. Biglang naalog ang utak ko tas ayon naalala na kita. 

Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Sheena at Neon na sa sobrang liwanag pwede na maging ilaw sa Sitio na pinanggalingan ko wala kasing ilaw sa lugar na iyon at yung sinasabi ko sa inyong pinapanood ni baklang Bald na kdrama, sa radyo siya na nonood masyadong hi-tech na kase sa Sitio Itech-Itech kaya kahit kuryente wala sila pero nakabili sila ng radyo na may tv pa ganun kahirap na sosyal ang lugar na pinanggalingan ko.  Sinabihan ko nga si Neon na kung makauwi na kami bibilhan niya daw ako ng radyo na may TV. Sobrang saya ko naman kase masyado niya akong iniispoil,  babalik na daw kami sa lugar kung saan kami lumaki. At dahil nga nakaalala na ako naalala ko na ang lahat salamat sa sapak ni Sheena masyadong effective pero masakit. Si Sheena nga pala ay isa ko ding best friend,  di ba ang friendly ko  hehe, kung gusto mo maging best friend din ako dapat may topak ka din siguradong magkakasundo tayo.

Masaya talaga ang dalawa kong kaibigan dahil nagbalik na ang ala- ala ko, dahil na miss daw nila ako ay mag eexcuse daw sila sa kanilang work. Yeah I forgot to mention isa sila sa mga tumulong at nag donate sa mga nasalantang bagyo at malaki din ang na contribute nila sa foundation in short mayaman ang mga besties ko buti nalang talaga  dito sa lugar namin naisipan nilang pumunta bale kase by teAm sila at yung team nila Neon at Sheena ang na assign dito. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos dahil nakita ko na ang mga tinuring kong pamilya.

Pure LoveWhere stories live. Discover now