Talon
Nakatulala, mga luhang hindi matigil sa pagpatak. Hindi na alam ni Ysabelle ang gagawin. Iniisip kung ano ba ang kasalanan nya sa mundo bakit parang pinaparusahan sya nito. Bakit sa dinami-dami ng mga nagmamahalan dito sa mundong ito ay sa kanila pa ito nangyare.
Pinatay na ni Ysabella yung tv kung saan pinanood nya yung video nilang dalawa. Kung saan kaya nya pang tumawa, ngumiti, humalakhak, bumingisngis at sumaya ng dahil sa isang taong nagbigay sa kanya ng pag-asa. Pero ang masaklap roon ay sa kadahilanang pinagtagpo nga sila ng tadhana ngunit hindi naman sila ang para sa isa't isa.
Ika nga 'People come and people go'
"Ysabelle..." mahinahong tawag sa kanya ni Aling Inday. Ngiti lang ang binalik nya sa taong nandyan parin sa tabi nya. Hindi nya na namalayan na nakapasok na pala si Aling Inday sa unit nila.
"Magiging okay din ang lahat. May dahilan din kung bakit nangyare ang lahat ng ito sayo..." dagdag pa nito sabay lapit sa kanya sa sofa. Napabuntong hininga na lang si Aling Inday dahil kahit sya ay hindi makapaniwala sa lahat ng mga nangyayare lalo na't isa sya sa mga saksi sa pagmamahalan ng dalawa.
Napaiyak nalang ulit si Ysabelle. Masyadong masakit sa kanya ang lahat ng mga pangyayari. Parang kailan lang ay kasama nya ang nag-iisang taong nagpapatibok sa puso nya.
"Ysa, tahan na anak." sabi pa ni Aling Inday habang hagod-hagod ang likod nito na mas lalong nagpahagugol sa dalaga..
"Ba- bakit sakin pa nangyare 'to? Pwede bang bumalik nalang sy-sya ulit?" Nakatingin lang sya sa kurtina na ngayo'y hinahawi na ni Aling Inday upang mas maging maaliwalas ang buong unit ni Ysa.
"Alam mo ba kung bakit kahit na lumulubog ang araw ay sumisikat parin ito tuwing umaga??" tanong pa nito habang nakatingin lang sa malapit ng papalubog ng araw. Mag-aalas sais narin kasi.
Umiling lang si Ysa bilang sagot.
"Kasi alam ng haring araw na may purpose pa sya sa mundo. Na may tungkulin pa rin sya rito. At dahil alam ng araw na sa bawat bukas ay may mga taong naghihintay ng kanyang pagdating. At ang mga taong ito ang mga hindi nawawalan ng pag-asa. Pag-asang kanilang binibitbit buong araw . " saad pa nito at napatingin kay Ysa habang nakangiti.
Ngumiti nalang si Ysa kahit hindi nya pa nakukuha ang mga gustong iparating sa kanya ni Aling Inday.
Napahilamos nalang sya sa kanyang sarili.Napatigil nalang sya sa pag-iisip ng marinig nya ang kantang lagi nyang kinakanta noon kahit na wala sya sa tono. Ang Close To You ng Carpenters.
(Mas maganda kung pakinggan nyo rin to para dama rin HEHEHE)
Napatingin sya kay Aling Inday na ngayo'y inaayos ang kanyang mga gamit na sobrang kalat na. Sinasabayan pa nito ang kanta at napapaindak pa.
"Iha, maligo kana..." sabi nito sa kanya ng may malambing na boses. "Hindi nananaisin ni Ginoong Felipe at Ginoong Juanito ang itsura't amoy mo"
Napatingin at napaamoy nalang sa sarili si Isabelle. Nagtatakang tiningnan nya si Aling Inday na ngayo'y nakangiting nagwawalis dahil wala naman syang amoy. At hindi naman sya dugyot tingnan kaso mugto nga lang ang kanyang mga mata.
"Dali na iha maligo kana.. Kakain na rin tayo pagkatapos mo maligo"
Hindi nya alam pero kusang gumalaw ang kanyang buong katawan at pumunta na sa kanyang kwarto at naligo sa CR nya.
Pagkatapos nyang maligo ay pumunta sya sa kanyang vanity mirror upang tingnan ang sarili. Pero napukaw ng kanyang atensyon ang isang libro at camera na nakalagay sa shelves nya. Dalawang bagay na napakamemorable sa kanya.
Napabuntong hininga nalang sya habang nakaharap sa kanyang camera na ngayon ay nirerecord na sya nito.
Napangiti ng unti at hinarap ang camera.
"Dear future self, here I am. Mukhang miserable." Napangiti sya saglit at unti-unti na namang bumuhos ang mga luhang hindi nya alam kung kailan mauubos.
"Siguro tama nga sila. I need to move on. But it does not mean na kakalimutan ko na sya. Kasi he is always here.
Here in my heart.."
*****
Mga luhang hindi mapigil sa pagpatak,
Mga pangyayaring sa isipa'y tumatak,
Hinihiling na sana'y malimot ng bawat lagak ng alak,Hindi makapaniwalang sa kanya nangyari,
Ang lahat ng sakit na dahilan ng kanyang pagdadalamhati,
Ngayo'y pait ng ala-ala ang naghariMga hinanakit na inilalabas sa camera,
Isang bagay na naging takbuhan ng lahat ng malalakas na alon,
Pag-iibigan ay pinagtagpo ng tadhana,
Ngunit hindi umayon kanila ang taon at panahon.Thank you guys for reading 😊
Next Update: May 4, 2019

BINABASA MO ANG
Falls
Historical FictionIsang babaeng tagahanga ng isang nobela, Nagnanais na magkaroon din ng mga ganoong eksena, Bidang lalaki na kanyang pinapantasya, Bidang babae na hinihiling na maging sya, Pero pano pagnagsimula na ang istorya, Kung saan sya na ang bida, At may bruh...