Kabanata II
Naguguluhang lumabas si Ysa sa simbahan. May halong takot na rin dahil nacre-creepyhan sya sa kanyang mga nakikita.
Mga nagdadasal na nakabaro't saya na may belo pa sa ulo. Madami ding mga Amerikanang may magagarbong kasuotan. May mga madre ding naka-kulay puti at itim na abito. At ang mas kinakatakutan nya ay ang kakaibang tingin nila sa kanya.
Kaya't napatingin naman sya sa kanyang sarili. Wala namang mali sa kanya. Maayos naman ang kanyang kasuotan. Hindi din naman ito nakashort o kaya naka sleeveless dahil nakapantalon ito at T-shirt na sa palagay nya ay naaayon naman para sa simbahan.
Mga matang parang nanghuhusga kasi ang kanyang mga nakikita na nakatingin sa kanya. Ang iba naman ay parang nawe-weirduhan.
Lumapit sya sa isang manong na nagbabantay sa isang kalesa at kinalabit ito. "Ma-manong pwede hong magtanong? May taping po ba?" tanong nya sa kutsero.
Nagitla naman ang kutsero at tiningnan sya mula ulo hanggang paa. Katulad din ng mga taong nasa loob ng simbahan ay binigyan din sya ng kakaiba at naiilang na tingin.
"Ku-kuya? Ehem!" sabi pa ulit ni Ysa dahil hindi man lang sya sinagot. Ibinaling nalang ulit ng Manong na iyon ang kanyang atensyon sa kabayo at hindi pinansin ang dalaga.
Umalis nalang roon si Ysa at inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. Doon nya lang napansin na nagbago nga ang aura ng labas ng simbahan. Walang gaanong sasakyan ang nakapark. Hindi masyadong mainit ang tirik ng araw. Nawala rin ang mga stall ng mga nagtitinda at ang mga bisekletang ginagamit para sa pagto-tour.At ang lahat ay nakasuot ng makalumang kasuotan.
"Sabi na nga ba e! May shooting dito ngayon" sabi nya sa sarili habang nakahawak sa kanyang baba na animo'y nag-iinspect ng maiigi sa buong paligid.
Agad namang sumilay ang kanyang abot tengang ngiti saka nilabas ang kanyang camera. "Mama, may taping ngayooonnn eeeee!!!" sabi nito sabay tili mag-isa sa gilid habang kausap ang camera. At inilibot nya pa ang camera para makuhanan ang lahat ng mga nakikita nya.
"Mama, malakas ang kutob ko na historical movie ang gagawin nila!!!OW EMMM!! Sana I Love You Since 189twoooooo!!!" sabi pa nito sabay talon pa at parang naiihi sa kilig at kasabikan.
Pero bigla syang napaayos sa kanyang sarili dahil pinagtitinginan ulit sya ng mga tao. "Anubayan Ysabelle! You need to calm down! Relax! Inhale" bulong nito sa sarili saka nag-inhale "Exhaaallee"
"Excuse me Miss?" Bigla naman syang napalingon sa nagsalita at tila ay napa-istatwa sya sa kanyang nakita.
Isang makisig na Amerikano na nakasuot ng unipormeng pang-militar ang nasa harap na nya ngayon. "Where did you get that thing?" tanong nito sa kanya ng may malalim na boses sabay turo sa camera nya.
Napalunok naman ng laway si Isabelle. Nag-aalala sya na baka ipadelete sa kanya ang mga nirecord nya kani-kanina lang.
"Si-sir, I didn't get any shots I promise" saad nito sabay tago ng camera nya sa kanyang likod.
Napakunot naman ang noo ng Amerikano na iyon na mukang nagtataka. Tiningnan nya pang mabuti si Isabelle na parang nag-iisip ng malalim. Katulad din ng kutsero kanina ay tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa.
Nagtataka ding nakatingin si Isabelle sa sundalong Amerikano. Sa isip-isip nito ay baka pinagnanasaan na ng sundalo ang kanyang katawan. Hindi naman ito sexy. Wala syang malaking boobs and butt na alam nyang hilig ng turista. Halos wala nga sya nung mga yun.
Maya-maya lang ay biglang nanlaki ang mga mata ng Amerikano na mistulang parang nasagot na ang kanyang katanungan. Hinila sya nito sa isang eskinita kung saan ay halos walang tao roon.

BINABASA MO ANG
Falls
Historical FictionIsang babaeng tagahanga ng isang nobela, Nagnanais na magkaroon din ng mga ganoong eksena, Bidang lalaki na kanyang pinapantasya, Bidang babae na hinihiling na maging sya, Pero pano pagnagsimula na ang istorya, Kung saan sya na ang bida, At may bruh...