FALLS: Panaginip

11 0 0
                                    

Kabanata III

Pagbukas ng kanyang mga mata ay hindi sya makapaniwala sa mga nakikita. Nalilito syang bumangon sa kanyang kama. Tama, ang kanyang kama. Inilibot nyang muli ang kanyang mga mata. Hindi nga sya nagkakamali. Sya nga ay nasa loob ng kwarto ng unit nila.

Lumapit sya sa kanyang vanity at tiningnan nya ang kanyang sarili. Nakasuot sya ng kanyang pantulog na suot-suot nya kagabi.

"Panaginip lang ang lahat?" tanong niya sa sarili. Hindi pa rin sya makapaniwala dahil pakiramdam nya ay totoo ang lahat.

Natauhan si Ysabelle ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Unknown number ang tumatawag rito. 

"Hello" sabi nya pagkasagot nya ng telepono. Pero ilang segundong nanahimik ang kanyang kausap sa kabilang linya. Tiningnan nyang muli ang kausap sa kanyang cellhone para tingnan kung naroon pa ito.  "Hellooo, sino to?" tanong nyang muli.

"Uhm.. ikaw ba ay si Mira Ysabelle?" tanong ng kanyang kausap ng may malalim na boses. 

"Yes, why? Sino 'to?" tanong nyang muli sa kausap. Nawe-weirduhan sya sa kausap. Hindi nya maintindihan ngunit bigla syang nakaramdam ng kaba.

"Hello!" sabi nya ulit ngunit binabaan na agad sya ng kausap.

Unti-unti na syang naguguluhan sa mga nangyayari. Pakiramdam nya kasi'y totoo ang lahat ng mga nangyari sa kanyang panaginip. Tinawagan na nya ulit ang number na tumawag sa kanya ngunit out of coverage area na ito.

Ilang minutong nagpaikot-ikot si Ysa sa loob ng kanyang kwarto. Nag-iisip kung bangungot ba ang nangyare sa kanya o isang simpleng panaginip

Napatingin sya sa kanyang telepono at doon nya napasiguro na panaginip nga ang lahat. Dahil ika-16 nga ng Abril ngayon. Wala na syang nagawa kung hindi ay ang magbuntong hininga.

Pagkalabas nya ng kwarto ay nakita nyang naglilinis ng sala si Aling Inday. "O! Ysa bakit ang aga mo naman atang nagising?" tanong ni Aling Inday sa kanya. Alas-sais palang kasi ng umaga at kadalasang gumgising si Ysa ng alas-siyete para maghanda sa pagsimba.

"Hindi ko po kasi maintindihan ang napanaginipan ko Nay" saad nito habang tulala sa isang bagay at umupo sa sofa.

"Bakit ano bang napanaginipan mo?" tanong naman ni Aling Inday.

"Ewan ko Nay basta ang gulo, parang totoo"  sagot nito kay Aling Inday. Napatango-tango lang sa kanya si Aling Inday at napagtanto nitong malakas ang epekto ng panaginip na iyon sa dalaga.

"Uminom ka nalang muna ng gatas para mahimasmasan ka sa panaginip mo" utos ni Aling Inday na syang ginawa naman agad ni Ysabelle.

Pagkatapos mag-agahan ni Ysabelle ay pumunta ito ulit sa kanyang kwarto. Ilang minuto na ang lumipas mula sa kanyang paggising ngunit hindi pa rin sya mapakali. Dinagdagan pa ng unknown number na tumatawag sa kanya kanina.

Kinuha nya ang kanyang camera sa kanyang shoulder bag at nagsimulang mag-record. Muli ay huminga sya ng malalim at--- "Deeeaaarrrr Mama!! Today is SUNNNDDDAAAYYY! Which means Church Day!" masayang saad nito sa camera.

Pero agad din syang napatigil nang maalala nyang sinabi nya rin iyon sa kanyang panaginip. Binaba ang kanyang camera at pinower off ito.

"May mali! May mali talaga!!" nalilito at naiirita nyang sabi sa kanyang sarili. Napasabunot sya sa kanyang buhok at napahinga na naman ng malalim. "Hingang malalim Ysabelle. Panaginip lang ang lahat. Panaginip lang, okay? Okay!" sabi nito sa sarili na parang nasisiraan ng ulo dahil sa panaginip na iyon.

Pagkalipas ng limang minuto ay napagdesisyunan nyang maligo na dahil kailangan nya pang maghanda para sa simbahan. Pagkasabon nya sa kanyang sarili ay humapdi ang kanyang hinlalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon