Kabanata I
April 16, 2017
"Deeeaaarrrr Mama!! Today is SUNNNDDDAAAYYY! Which means Church Day!" Maligayang saad ni Ysa sa harap ng kanyang camera. "Magdadasal ulit ako mamaya sa simbahan para kay Mama na sana gumaling na sya"
Siya si Mira Ysabelle Lonzayga, ang optimistic na dalaga... Labing-walong taong gulang na. At tanging si Maria na kanyang ina ang natitira nyang pamilya. Single parent lang kasi si Maria. Bago pa man napag-alamang buntis si Maria ay namatay na ang kasintahan nitong sundalo na syang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
"Maliligo lang muna ako. Alas-diyes kasi yung misa e alas-otso na... Kaya bye!" sabi nya sabay pindot sa kanyang camera at takbo sa CR.
Lagi-laging nagvivideo si Ysabelle. Tinuro kasi ito ng kanyang Mama para daw madocument nya kung anong mga nangyayare kay Ysa at para masubaybayan narin nya ang anak. Doctor kasi si Maria at lagi syang wala sa tabi ni Ysabelle. Lagi din syang may mga medical mission kaya't lagi din syang nasa iba't ibang lugar. Doon nya din natutunan at nasimulang magvideo, bukod kasi sa pagsusulat sa kanyang diary ay masaya din syang nirerecord ang mga pasyenteng bata o matatanda na may iba't-ibang istorya.
Minsan ay sinasama rin nya si Ysabelle sa mga Medical Mission. Lalo na't kapag bakasyon sa eskwelahan. Nagustuhan din ni Ysabelle ang pagrerecord ng video sa sarili o sa mga nakikita nya. Kaya nga lagi syang napagkakamalang youtuber vlogger.
"Isabelle!!! Handa na ang pagkainn!!" sigaw ni Aling Inday sa kwarto nya.
Si Aling Inday ay isa sa mga pasyente dati ni Maria. High Blood kasi si Aling Inday, muntikan na syang ma-heat stroke dati buti nalang ay nabigyan ng paunang lunas ni Maria. Kaya utang na loob nya ang kanyang masiglang pangangatawan sa ina ng dalaga.
Animnapu't tatlong taong gulang na at wala ng pamilya si Aling Inday. Iniwan daw kasi sya ng kanyang mga anak at patay na rin ang kanyang asawa.
Katapusan noon ng Oktubre ng mapunta ang team nila Maria sa San Isidro kung saan nakatira noon si Aling Inday. Kasama rin nila ang sampung taong gulang na si Ysabelle. Nang makapagpa-check-up na si Aling Inday ay biglang lumapit sa kanya si Ysabelle at vinideo. Tuwang tuwa sya sa bata.
Sumali na rin sya sa mga volunteer ng magkaroon ng mga panibagong medical mission. Hanggang naging isa sya sa mga team ni Maria. Pero ng muntikan na itong ma-stroke dahil sa init ay pinatigil na sya ni Maria at inalukan na kung pwede ay sya nalang ang maging kasama ni Ysabelle sa unit nila. Hindi naman ito tinanggihan ni Aling Inday kaya't maglilimang taon na syang nakatira kila Maria.
"Nandyan na pooooo!!" malakas pero hindi pasigaw na sabi ni Ysabelle sabay bukas ng kanyang pinto at bungisngis.
Nakaready na si Ysabelle mula ulo hanggang paa. At syempre dala nya ang kanyang videocamera.
"Nay Inday, anong oras po kayo pupunta kay Mama?" tanong ni Ysa sabay upo sa hapag-kainan.
"Hindi ka ba sasabay sa akin?"
Umiling lang si Ysabelle sabay kagat sa tinapay na may palaman. "Maglilibot lang po muna ako Nay sa Intramuros"
"Hay nako, bata ka. Naadik na naman ang sistema mo sa makalumang panahon..." sabi sa kanya ni Aling Inday. Mahabang ngiti lang ang binigay ni Ysabelle sa kanyang Nanay-nanayan.
"Fiction lang sila Ginoong Juanito at Ginoong Fidel o Nathan na yun"
"Kahit na Nanay Inday... Masama po bang mahumaling sa kanila? Atsaka mag-iikot lang naman po ako ulit sa Intramuros e. Pagmamasdan ang napakagandang alaala ng ating kasaysayan" saad pa nito.

BINABASA MO ANG
Falls
Historical FictionIsang babaeng tagahanga ng isang nobela, Nagnanais na magkaroon din ng mga ganoong eksena, Bidang lalaki na kanyang pinapantasya, Bidang babae na hinihiling na maging sya, Pero pano pagnagsimula na ang istorya, Kung saan sya na ang bida, At may bruh...