Kabanata 21

1.4K 40 0
                                    


   Hinde maiwasan ng binata hinde titigan mukha ng na natutulog na dalaga napakaganda nito para itong isang dyosang payapang natutulog.napapangiti na lamang sya sa sarili ng kausapin sya nito matagal bago sya nakasagot sa sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. kong paano ito makiusap na tulungan syang makahiga sa kama.napatingin sya sa oras mag-aalas syete na ng gabi ng maisipan nyang bumili ng pagkain ngunit wala syang mapag-iwanan sa dalaga hinde naman pwedeng ibilin nya ito sa iba baka ano pang mangyari masama hinde sya makakapayag na muli na naman itong masaktan.ng bigla nyang maisip si neck tinawagan nya ito na agad din naman nitong sinagot.

" hello pare,kamusta na?bakit hinde ka pa bumabalik hinahanap ka na ng barkada.kamusta na pala yong magandang chick na nabunggo okay na ba?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan hinde man lang sya nakasingit.

" bumili ka ng pagkain,dalhin mo dito sa clinic.bilisan mo wag kang magtatagal" magsasalita pa sana ito ng patayin nya ang tawag.alam nyang magtatanong lang ito ng magtatanong sa kanya.na ayaw nyang mangyari dahil naroon ang mga barkada nila alam nyang maloko ang mga ito at iyon ang iniiwasan nyang mangyari.lalo pa at naroon si daryo ayaw nya sa isang iyon dahil masyado itong mayabang at walang respito sa mga kababaihan tingin nya sa kanila ay laruan na pagkatapos gamitin ay itatapon na lang basta-basta.

ilang sandali pa ay napatayo sya ng may kumatok sa pinto binuksan nya ang pinto nabungaran nya si neck na may dalang pagkain na nakasilid sa isang plastic bag.kinuha nya ito at nagpasalamat ng may biglang humila rito nakita nya ang nakangising mukha ni daryo.tinulak sya nito at sinipa ng isa pa nitong kasama ang pinto dahilan para mapaatras sya.nabaling ang tingin nya sa dalaga ang akala nya ay nagising ito sa ingay ngunit tulog pa din ito na kinahinga nya ng maluwag.

masama nyang tinitigan si daryo na ngayon ay nakangisi sa kanya. " umalis na kayo dito daryo wag kayong manggulo dito bago ko makalimutang mag kaibigan tayo" madiing sabi nya habang matalim itong tinititigan.natawa lamang ito sa sinabi nya na lalo nyang ikinagalit.

" gusto ko lang naman makita yong chick na kasama mo,narinig ko kasi na sinabi ni neck na maganda raw.bakit ba ang damot mo"nakangising usal nito.

" umalis kana"

" kong ayaw ko may magagawa ka" wika nito sa kanya at ngumisi ng nakakainsulto.binalingan nya ang dalawang kasama at nag salita. " hawakan nyo sya" utos nya na agad din naman nilang sinunod.

" daryo please,umalis na kayo" pakiusap nya ngunit hinde sya nito pinakinggan.pinipilit nyang kumawala sa hawak ng mga ito ngunit hinde nya magawa.nilihis nito ang puting kurtina na napakuyom sya ng makita ang nahihimbing na dalaga na walang kaalam alam sa nangyayari sa kanyang paligid.

" wow" rinig nyang wika nito at hinaplos ang pisngi nito dahilan para magising ang dalaga.nagulat ito sa taong huhaplos sa kanyang pisngi tinabig nya ang mukha nito at masama itong tinitigan.nanlaki ang mata nya ng makita nya si Markus na hawak ng mga lalaki at nag-aalalang nakatingin sa akin. " please daryo wag sya nakikiusap ako sayo parang awap na,umalis na kayo"ngunit tila hinde narinig ni daryo ang pakiusap nya dahil nakasentro lang ang mata nito sa dalaga.

" umalis na kayo rito bago ako tumawag ng pulis" matapang wika ng dalaga na kinangisi nito.

" talaga, pero bago gawin iyon maglalaro muna tayo" napakunot noo sya sinabi nito.hinaplos nito ang kanyang balikat ngunit tinabig nya ito at malakas na sinampal at sinipa ito gamit ang isang paa.at dali-daling bumaba ng kama ngunit natumba sya ng maiapak nya ang kaliwang paa.

" Anna,daryo pakiusap"

napaluha sya sa sobrang sakit napaatras sya ng naglakad ito palapit sa kanya nilibot nya ang paningin naghahanap sya ng maaaring panlaban.kinuha nya ang maliit na kutsilyo kinuha nya ito itinarak nya sa braso nito ang kutsilyo ng akmang dadaganan sya nito.isang malutong na sampal ang natanggap nya mula rito at isang malakas na suntok sa sikmura halos nawalan sya ng hininga sa ginawa nito.binaklas nito ang damit nya bago sya pwersahang halikan halos matanggal na ang buhok nya sa anit sa higpit ng hawak nito.

" daryo,hayop ka papatayin kita" sigaw ni markus nagpumiglas sya sa pagkakahawak ng apat na lalaki kahit bugbog sarado na sya sa mga ito.nakahinga sya ng maluwag ng makita ang malabong mukha ni cris na hinila si palayo sa akin.natanaw nya ang mga kaibigan na nakikipag-laban sa grupo ni daryo kasama si markus at kaibigan nito.nakita nya si jasmen na tumakbo papalapit.

" oh my gosh anna" umiiyak na wika nito.itinakip nito sa kanya ang balabal na dala ng kaibigan. naging panatag ang loob nya ng makita ang mga ito.unti-unting nagdilim ang paningin nya ng tinawag sya ni jas ngunit hinde nya ito marinig tanging pagbuka lang ng malabong bibig ng kaibigan ang nakikita. hanggang sa tuluyan na syang lamunin ng dilim.

" Anna,anna" tawag nya rito ngunit wala syang nakuhang tugon.

" aldren,cris si anna" sigaw nya na ikinalingon ng dalawa. umiiyak si jasmen habang pilit na ginigising ang kaibigan.agad na dinaluhan ni cris anna binuhat upang dalhin sa pinakamalapit na hospital sakay ng ambulansya.

nagising sya sa isang puting silid. " anna" rinig nya tawag sa kanya ni jasmen nakita nya itong nakaupo sa tabi nya kasama si aldren.hinanap ng mata nya si cris na hinde man lang lumingon sa kanya sa labas ng bintana lamang ito nakatingin. " lalabas lang ako"ang sabi nito na hinde man lang sya tinapunan ng tingin.

" don't mind him Anna, nag-aalala lang iyon sayo noong hinde ka namin makita" wika ni aldren.

" sorry, nasira ang baksyon natin dahil sa akin.dapat nagsasaya kayo ngayon pero nasira ang lahat dahil sa akin. I'm so sorry" malungkot na sambit nya.

" ano ka ba Anna,bakit ka ba humihingi ng tawad.wala namang may gusto sa nangyari.wag mo na ngang isipin yon ang importante ligtas ka na" nakangiting wika ni jasmen. " alam mo anna naiinggit ako sayo" nakangusong saad nito kaya napakunot noo sya.

" ano naman ang kinaiiggit mo ?nagtatakang tanong nya.

" kasi palagi ka na lang nalalagay sa panganib" tugon nito kaya lalo lamang syang naguluhan maging si aldren ay labis din ang pagtataka.

" oh tapos?

bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. " e kasi ang gagwapo ng mga nagtatangka sayo tapos darating si prince charming na ubod din ng gwapo na pilit kang nililigtas sa mga masasamang loob" napaawang ang bibig sa mga narinig mula rito nakatingin sya kay aldren na nakakunot ang noo.isang malakas na batok ang natanggap nya mula kay aldren.napangiti na lamang ako sayo dalawang nagbabangayan sa harap nya.ngunit napatigil sa pagbabangayan ang dalawa ng bumukas ang pinto at pumasok si markus.

" ayan na si prince charming bulong, bulong ni jasmen.nag-aalala itong lumapit sa akin.puno ng bugbog at sugat ang katawan nito maging ang mukha nito na may benda sa kaliwang pisngi.

" kamusta kana?

" okay na ako marcus,salamat"

" I'm sorry Anna, napahawak ka ng dahil sa akin" nagsisising wika nito.ngumiti sya at ng akmang magsasalita na nanlilisik magsalita si cris sa likuran ni marcus.galit na galit itong nakatitig kay marcus na tila ano mang oras ay susugod ito.

" mabuti naman at alam mong kasalanan mo ang lahat.dahil sayo muntik mapahamak si Anna" nanlaki ang mata ng dalaga ng sugurin ng kaibigan si marcus malakas na sinuntok sa mukha dahilan para matumba ito.

" oh my god" sigaw ni jasmen ng.at nang akmang susugurin nya ito ulit ng pigilan sya ni aldren.

" pare tama na,please wag dito" tumalikod ito at naglakad palabas ng pinto.binalingan nya si marcus ng kulungan itong makatayo ni aldren.

" marcus pasensya na pero pwede bang umalis ka na lang muna" tumungo ito at tipid na ngumiti bago tuluyang lumabas ng silid.

"The Weak Mate Of An Alpha" ( Book 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon