Arissa's POV
"Are you choosing her than me?" Inis na tanong sa akin ni Billy habang nakatayo sa harap ng desk nya.
"Wala naman akong sinasabing ganun," I said habang nakayuko
"Pero sumama ka sa kanya, ano gusto mo na rin ba sya? I know that you're bisexual pero hinayaan nalang kita dahil mahal kita pero ano, sya na ba ang gusto mo ngayon?"
"Di ako ganun Billy, ano ba? Pinilit nya ako eh pinayagan naman sya ni Ma'am Nicole kaya akala ko pumayag ka din," sagot ko sa kanya, napabuntong hininga naman sya sa akin
"Ewan ko sayo Arissa. I'm sorry but you're fired, di ko kailangan ng makulit na trabahador. I don't care if you're my girlfriend look if it's work then it's work." Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko sa mata after hearing him talking like that.
Iniingatan ko nga ang trabaho ko dahil para sa family ko yun, paano ko nalang tutulungan si mama sa Manila na nahihirapan nang magtrabaho para sa bunso kong kapatid?
Palibhasa kasi ang importante lang kay Billy is yung negosyo at image nya kaya nga nya nagawang itago kung ano ang meron kami dahil masisira lang sya sa ibang tao. Sobrang baba ng tingin nya sa akin pero hindi ko lang sya magawang iwanan dahil mahal ko sya.
Mahal na mahal.
Hindi ko gusto si Danielle, ngayon ko lang naman yun nakilala eh, di ako mabilis mafall and hindi ko sya type. Mabait sya at masaya kasama pero pinipilit kong lumayo dahil may boyfriend na ako. Possessive kasi si Billy eh.
After namin mag-usap ni Billy, lumabas na ako sa office nya, tinatago ko pa sa ibang tao na umiyak ako kaya umakyat ako sa rooftop, doon lang ako nagstay at nagpahangin nung bigla akong may nabasang note sa railings, nakascotch tape yun doon
Go to my room, let's meet before I leave. –Danielle
Mabilis na kumulo ang dugo ko after reading her name, nakakainis talaga sya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng trabaho tapos magkaaway pa kami ng boyfriend ko dahil nagseselos sya dahil sa kakalapit ni Danielle sa akin.
Hinalikan pa talaga akong mokong na yon.
Matapos kong mabasa ang note na galing kay Danielle, pumunta kaagad ako sa kwarto nila. After ng tatlong katok bumakas na ang pinto, nagulat naman ako nung nakita ko ang kaibigan nya
"Andyan ba si Danielle? Sabi nya kasi pumunta ako dito eh" sabi ko sa kanya at tumango lang naman ito. Tinawag nya si Danielle, nakangiti naman ang baliw ng makita akong nakatayo sa pintuan nya pero hindi ko parin talaga maiwasang mainis kaya nung nakalapit sya at nasampal ko sya ng malakas.
Nung una nagulat ako sa ginawa ko pero pinandigan ko nalang din ang galit ko sa kanya at sinabi sa kanya ang buong inis ko pero lahat ng yun nawala at nanlambot ako bigla nang yakapin nya ako.
Sobrang init ng katawan nya at parang ang comforting parang gusto nyang ipahiwatig na safe ako sa tabi nya kapag nasa piling nya ako pero mali yun.
Maling mali.
I already have Billy and sapat na sya sa akin ayokong saktan si Billy kahit nasasaktan ko na sya unintentionally.
Tinutulak ko sya para makalayo sya sa akin pero masyado syang malakas para makalayo sa akin. Nanatili kaming ganun ng medyo matagal hanggang sa bigla nya akong hinila, nagulat nalang ako nung nasa loob na kami ng office ni Billy, kitang kita ko ang inis sa mga mata ng boyfriend lalo na nung nakita nyang magkahawak kami ng kamay ni Danielle.
Kanina ko pa tinatanggal yun eh pero yun nga sabi ko masyado syang malakas.
Bago sya umalis, may binulong sya sa akin, sinubukan kong baliwalain yun lalo na nung nakita kong nakatingin sa kanya si Billy, sobrang seryoso nito at halatang kunti nalang makakapatay na sya.
BINABASA MO ANG
Book 2: Still Into You (Under Major Revision)
RomanceKatulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo at buhay nya for this girl have the same face as her greatest love. Paano nangyari yon? ----- DISC...