Danielle's POV
"I heard the news, hindi ka daw palaging pumapasok sa office?" Kuya Stephen told me nung nagkasalubong kami sa AU. I took a glance on him before walking straightly, not minding what he just ask pero pinigilan nya ako sa paglalakad
"What do you want?" Masungit na pagtatanong ko sa kanya, he let out a deep breath before talking
"Alam kong nawala na naman si Arissa sa tabi mo kaya ka nagkakaganyan pero please, Arissa is not your world ayusin mo na buhay mo"
"I'm working on it so mind your own business" I answered and removed his hands on me pero ganun ulit, pinigilan na naman nya ako. "Ano ba kuya?!"
"Kung ano man yung mga problema mo, just remember na andito lang ako. When everything seems going down around you, andito lang ako. I'm your brother, Danielle. I'm willing to help you" He smiled, nakita ko ang concern sa mga mata nya.
Para tuloy akong nanlambot at naawa sa itsura ni Kuya.
Napangisi ako, "I know that. Umayos ka na kuya di bagay sayo magdrama" I laughed, natawa din naman sya at napayuko
"Um... excuse me, sir. Someone is looking for you, he's on the phone" Sabi ng isang magandang babae, ngumiti lang naman ng matamis si kuya at saka nagpaalam sa akin na aalis na pero bago pa sya makaalis, I asked him first who's that girl pero alam mo yung sagot?
"Akin na yun, humanap ka ng iba mo" Natatawang sabi nya. Napangiwi naman ako sa sinabi nya
Tinanong ko lang naman kasi she looks familiar, parang nakita ko na sya sa bahay di ko lang maalala. Hilig kasi magbitbit ng babae ni kuya nung highschool pa sya pero di naman nya inaano yun, wala lang gagawa lang ng projects o kaya naman magkekwentuhan lang.
Ewan ko ba anong trip nun basta di ako nagmana sa kanya.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at tinawagan si Enzo kung kamusta na sya at kung tapos na ba ang duty nya, may lakad kasi kami ngayon.
Oh god, don't get me wrong please, I'm not into boys.
"Ate, tumawag sa akin si Sir Enrico, sinabi nya sa akin na sabihin ko daw sayo na pumunta ka sa bahay nya" He said through the phone
"Bakit daw?"
"Di ko din po alam basta yun ang pinapasabi nya eh"
"Okay thank you" I said and ended the call. After talking with him, nagdrive na ako padiretso sa bahay ni papa, hindi na ako dumaan sa bahay ko wala naman akong dapat gawin doon.
Habang nagdadrive ako, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba, feeling ko may mangyayaring masama, eh it's been a week since wala nang gagambala sa akin though nung isang araw nakita namin yung pagkamatay ng papa ni Arissa.
Enzo and his group are still working on it. Kahit confidential yun, sinasabi parin sa akin ni Enzo, wala namang makakaalam except sa akin.
Pagkarating ko sa bahay ni papa, napatingin kaagad ako kay nanay Deb na nagdidilig ng halaman kasama si Glenn, halatang ang saya nila pero halata sa mga katawan ni nanay ang pagkatanda at parang may mali
"Nay? Anong nangyari dito?" I asked her nung nakalapit ako, nagulat pa silang dalawa sa akin. May nakita kasi akong pasa sa katawan nya
"Ah ito? Wala nalaglag lang ako sa hagdan?" She answered, napatango lang ako but something's fishy parang hindi eh. Ibang iba kasi ang pasa nya, parang binugbog.
I entered the house, nakita ko kaagad si papa na bantay bantay ng caretaker nya. Nakaupo sya sa sofa at may kausap ito, linapitan ko sya. "Oh Danielle, you're here" He said
BINABASA MO ANG
Book 2: Still Into You (Under Major Revision)
RomanceKatulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo at buhay nya for this girl have the same face as her greatest love. Paano nangyari yon? ----- DISC...