Chapter 2

2.3K 52 3
                                    

"Kaya mo pa ba? Kung hindi mo na kaya bukas nalang tayo pupunta halata namang pagod ka na eh" sabi ko sa kanya pero umiling sya

"Kaya ko pa po ma'am, puntahan nalang po natin baka pagalitan ka pa ni sir Enrico" tumango nalang sa kanya at sumakay na sa sasakyan, sumunod naman si Enzo at pumunta na kami sa bahay ni papa

Pagpasok namin doon sumalubong kaagad si nanay Deb na nakatayo sa gilid ng pintuan parang may inaantay. Lumabas naman ang ngiti sa labi nito ng makitang nagpark ang sasakyan ko sa harap ng hagdan sa harap ng bahay ni papa. Bumaba agad ito at sumalubong sa akin

"Hi nay, musta na?" Tanong ko sa kanya habang paakyat kami sa taas

"Okay naman namimiss na kita akala ko nga hindi na kayo pupunta dahil gabi na" sabi nya sa akin

"Kaya nga eh, hindi na nga sana ako pupunta dahil pagod na ako at ganun din si Enzo pero parang urgent talaga ang pagpapapunta ni papa so pumunta nalang ako" I answered with a smile. Nung nakapasok na kami sa bahay ni papa nagulat ako ng ang daming bukas na ilaw

"Bakit halos bukas ang mga ilaw?" Tanong ko kay nanay Deb

"May bisita kasi eh, basta hinahanap ka din kaya ka pinapunta ng papa mo" sagot nito sa akin. Tumango lang naman ako at tuluyan nang pumasok sa bahay. Nginitian pa ako ni Glenn ng makita nya ako tapos nagyaya na syang magpahinga sila ni nanay Deb kaya naiwan akong mag-isa sa sala

Naglibot libot ang paningin ko sa bahay, ang dami nang nagbago dito sa bahay na to, dati maingay pa toh kapag andito kami nila kuya Stephen dahil sa mga pinapatugtog namin, tawanan, biruan at iba pang dahilan para magkaingay yung bahay pero ngayon sobrang tahimik na nya

Halos ilaw nalang ang bumubuhay sa bahay.

"Papa?" Pagtawag ko sa kanya dahil kanina pa ako dito wala parin sya. Nakarinig naman ako ng tunog ng gulong na gumugulo sa tiles kaya napalingon ako sa likod ko, nakita ko si papa na tinutulak ni Hazel ang wheelchair nito

"Danielle, how are you?" Nakangiting tanong sa akin nito

"Okay lang naman ako medyo busy lang sa company, galing akong party eh bakit pinapunta mo ako?" Tanong ko sa kanya tinuro lang naman nya yung nasa likod ko kaya lumingon na naman ako pero wala akong nakita kaya napatingin ako sa taas nung may nagsalita doon

"Hi Danielle" Napanganga ako sa nakita ko, ang tagal ko nang hindi nakikita si kuya Liam, nakangiti sya ng matamis sa akin, nagbago na din ang itsura nya, haba ng bangs nya, yung para sa mga Koreans tapos mas lalo syang pumunta, nakasuot sya ng sweatshirt at nakabrown na pantalon. "Musta na?" He asked at naglakad pababa, nagulat ako ng makita kong gumagamit sya ng cane "You must be surprised about my sudden appearance at gumagamit na ako ng cane, tama ba?" This time nasa harap ko na talaga sya pero ni isa sa mga sinabi nya wala akong sinagot. "Your kuya brought me here after kung mastock sa Korea"

"Why?" I asked

"Dinala kasi ako sa isang mental institute para makalimutan ang nangyari kay Althea, sa pagkamatay ng kapatid ko ikaw nga halos mabaliw na diba? Ako pa kaya na kuya nya?" He answered.

So yun pala yun dahilan kung bakit bigla syang nawala nalang sa isang iglap nung naaksidente kami ni Althea. "Hindi lang kayo ang naghirap Danielle, pati ako. Kapatid ko yun eh" sinabi nya sa akin

"Eh sa paa mo, what happened to that?" I asked

"Ahh ito ba? Naaksidente ako nun nasa Korea ako, nagbabike ako nun nung biglang nabangga ako ng sasakyan na mabilis magpatakbo, naapektuhan yun paa ko. I repeat hindi lang kayo ang naghirap pati ako" He answered. Umiwas naman ako ng tingin para iwasang maiyak. It hurts me seeing him personally, naalala ko lang si Althea. Though hindi sila gaano magkahawig, nagbibigay parin sya ng memories sa akin dahil nga magkakasama kami palagi noon.

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon