Arissa's POV
"Are you ready?" Tanong sa akin ni Danielle pagkabalik nya ulit sa hospital room ko, galing kasi sya sa billing section nagbayad. Tanging tango lang naman ang naisagot ko sa kanya na may kasamang ngiti.
Tinulungan na nya akong dalhin ang gamit ko at linagay sa backseat ng sasakyan nya, napansin kong wala si Enzo. "Wala ata yung driver mo?" Tanong nya sa akin
"Ah si Enzo? Andoon sya kanila papa, doon ko muna sya pinatrabaho" She answered sabay bukas ng pinto sa passenger's seat para papasukin ako, pumasok naman ako kaagad. Nagawa pa nya akong suotan ng seatbelt.
Naninibago ako kay Danielle, hindi ko sya nakikitang nagdadrive eh. Kanina sinabi nya sa akin na isang linggo akong tulog, kaya ganun nalang siguro ang pagod nya ng makita ko sya, as in halatang halata sa itsura nya na wala syang tulog. Sinabihan din nya ako na wala na sila mama at Brent dahil pinadala na nya sa US
One time daw kasi inatake na naman si Brent at ngayon urgent na yung surgery, sinabi naman nya na pupunta nalang kami sa US kapag medyo okay na ako.
Palagi namang nagyayari sa akin yung ganun, nahihimatay kapag nagparamdam sa akin yung babaeng nasa panaginip ko lang. Ang weird nga eh, nung hinalikan ako ni Danielle sa noo, nagawa kong isara ang mga mata ko para pigilan ang kilig pero bigla syang nanggulo as in parang kinakausap nya ako na sa kanya lang ako.
Kanina sinabi ko na yung about dito kay Danielle sinabi naman nya na magpapacheck up nalang kami sa doctor pero tumanggi na ako, gusto ako mismo ang makacope-up nito. Sounds weird pero ganun talaga ang nangyayari sa akin
Nagpapass out ako pero hindi naman ako natutulog ng ganito katagal, hindi rin ako nagwawala katulad ng kwento sa akin ni Danielle. Maybe naninibago lang talaga ang katawan ko since nakasama ko si Danielle.
Since kasi nagtrabaho ako sa kanya, yung panaginip ko medyo luminaw, dati sobrang labo as in tapos di ko masyadong naiintindihan yung sinasabi nung babae sa panaginip ko pero nung nakilala ko si Danielle, parang naayos yun, naiintindihan ko na din yung sinasabi sa panaginip ko.
Yung sinabi sa akin ni Danielle bago nya ako hinalikan sa noo, sinabi sa akin nung babae yun sa panaginip ko kaya siguro ganun nalang ang naging reaction ko kasi kasunod nun ang pagsabi nya ng sa kanya lang ako.
Bipolar ba ako?
Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na andito na pala kami sa bahay ni Danielle, nakita ko si Hillary na naglalaro ng malilit na sasakyan sa labas ng bahay nila, nakaupo sya doon sa dalawang hakbang na hagdan papasok ng bahay nila.
Nakita ko namang lumiwanag ang mukha ni Hillary ng makita ang sasakyan ng mommy nya. Mabilis itong napatayo at masayang sinalubong si Danielle pagkapark
"Hi baby, how are you?"
"Okay lang naman mommy, I'm so concern what happened to ate Arissa, gising na ba sya?" Tanong nito sa mommy nya, natutuwa naman ako sa mga nababasa ko sa mata ni Hillary totoong concern sya sa nangyari sa akin
"Hi Hillary" bati ko sa kanya, napatili naman sya at tumakbo papunta sa akin
"Be careful baby, medyo mahina pa si ate Arissa" Danielle said pero sinenyasan ko lang naman sya na okay lang, nagpakarga sana si Hillary pero nung sinabihan sya ng mommy nya hindi nalang sya nangulit. Nauna na kaming pumasok sa bahay ni Danielle, wala parin pinagbago, malinis parin katulad ng dati
Nakita ko namang bitbit ni Danielle ang mga gamit ko, "baby please help mommy here. Iakyat natin ang gamit ni ate Arissa sa room nya" sabi ni Danielle mabilis namang tumango si Hillary at kinuha ang ilang gamit ko na magaan lang then Danielle told me to follow her.
BINABASA MO ANG
Book 2: Still Into You (Under Major Revision)
RomanceKatulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo at buhay nya for this girl have the same face as her greatest love. Paano nangyari yon? ----- DISC...