Arissa's POV
"Baby please hold on..." Umiiyak na pagsusumamo ni Danielle kay Hillary habang dinadala sya ng mga nurses sa operating room. Urgent na ang kailangang gawin kay Hillary kaya pagkadating na pagkadating namin dito sa hospital sya kaagad ang inuna.
We all know na marami nang nawalang dugo sa kanya.
Yinakap ko si Danielle habang umiiyak nung sinabihan na sya ng mga nurses na hindi na sya pwedeng sumunod. She kept crying so I cupped her face, "Danielle, everything will be fine, magiging okay din yung anak natin" I said to her, I smiled bitterly syempre anak namin yun.
Bakit si Hillary pa? Though hindi ko naalagaan si Hillary ng matagal unlike Danielle, I still care for her dahil ako ang may kagustuhang mabuntis kahit walang kaalam alam si Danielle .
"Althea, are you sure about this?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kristine
"Oo, ayoko nang mawala pa sa akin si Danielle, alam mo namang siguro na sya ang first kiss ko diba? Bata palang kami nun at kahit kailan hindi ko na sya nakalimutan sa ginawa nya."
"Eh bakit ngayon pa? Pwede namang pagkasal na kayo ah? Remember students palang tayo"
Napangiwi ako, oo tama college palang kami pero gusto ko na talaga. I want to bring Danielle's child, hindi biro ito dahil sperm cell ng kuya ni Danielle ang gagamitin ko kaya tiyak na kadugo nya ito.
"Marami akong kaagaw, ayokong magmukhang mahina sa kanila. Oo naaapi nila pero please sana ibahin nila ako" I answered.
Kristine sighed and just accepted my plan. Sinamahan kami ni kuya Stephen sa pagpunta sa hospital kung saan pwedeng magpa-IVF. The doctor is kuya's friend.
Sinigurado kong fertilized ang eggs ko kaya mabilis na nagawa ang procedure and we decided to keep it from Danielle, gusto ko kasi makakasigurado muna akong mabubuo ang baby sa tiyan ko bago ko sabihin sa kanya.
I want this to be my gift for her for our monthsary. Sounds over acting but I don't care. I had Danielle first so she's only mine.
Makalipas ang ilang araw, nararadaman ko na ang pagbabago sa sarili ko, tuwing umaga nagsusuka ako at walang nakakapansin nun dahil sinisigurado ko na wala, depende nalang kung andyan sila Kristine at kuya Stephen until one time, kuya accompanied me to the doctor.
Napagalaman naming successful ang procedure.
Sobrang excited kong sabihin kay Danielle yun lalo na nung nagpunta kami sa Baguio and nung time na may nangyari sa amin, as in di ko sya pinayagang maging rough sa akin dahil natatakot akong maapektuhan yung baby.
Di pa naman sya malaki, 1 week palang sya pero mas gusto ko nang mag-ingat. Malaking pera rin ang nagastos ko para rito.
Mismong araw ng monthsary namin, I was planning to tell her na pero biglang may nanggulo sa party na hinanda nya. Naaasar ako and at the same time natatakot para sa baby namin tapos dumagdag pa ang pag-amin ni Andrew sa akin na may gusto sya kay Danielle.
Naisip ko nalang na sabihin sa kanya pagbalik namin sa Manila but then... something miserable happened.
The accident.
Akala ko wala na si Hillary sa akin dahil yun ang sinabi ni kuya Liam pero nung nalaman ko na may inaasikaso si Danielle sa hospital, nalaman ko na buhay ang anak namin. Ilang beses akong nagtry na puntahan sya pero bigo akong magawa yun, hanggang sa nalaman na ni kuya na ikinagalit nya ng sobra at nagawa ang bagay na ayokong mangyari.
BINABASA MO ANG
Book 2: Still Into You (Under Major Revision)
RomanceKatulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo at buhay nya for this girl have the same face as her greatest love. Paano nangyari yon? ----- DISC...