25th TRICKED

89K 2.1K 714
                                    

T R I C K E D

Seloso

Dalawang linggo ngang hindi nagpaparamdam si Toshi sa akin. Palagi kong chinicheck ang aking cellphone sa kanyang text o tawag pero ni isa ay wala akong natatanggap. Maybe he's really busy that he forgot to leave a message for me.

The frustation I'm feeling is just too much to handle. Two weeks palang ay para na akong namatayan sa aking loob at hindi makayanan ang pangungulila. Palagi kong binibilang ang araw at palaging nalulungkot pag naiisip kong may ilang araw pa akong hihintayin. Hindi rin naman kasi talaga kami nagkakaroon ng sapat at mahabang oras para sa isa't isa.

Hindi ko naisip ang mga ganitong sitwasyon sa pakikipagrelasyon dahil hindi rin naman tumatagal ang mga karanasan ko sa pekeng pag-ibig. Mabilis na nagiging kami kaya mabilis ring natatapos. Ito ang kauna-unahang magdahan dahan muna ako bago kami pumasok sa ganoon. Na dapat ay unahin muna ang mga priorities at isantabi ang pag-ibig.

"Your face looks like a trashcan." Puna ni Zera nang mamataan akong bumusangot bigla.

"Are you saying that I need to throw you inside me, garbage?"

Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang buhok. Sinuklay ko rin paatras ang akin at inikot ikot sa dulo ng aking buhok ang daliri.

"Namimiss mo ang isang taong hindi ka naman miss." Ngumisi siya sa akin at halata na naman sa tono ng pananalita ang pang-iinis.

"He's busy."

"Busy? O di ka lang talaga priority?" Tumawa siya ng kaonti at hindi na mabura bura ang malademonyong ngisi.

Eksakto ring pumasok ang Prof kaya iyon ang nagtulak sa ilang estudyanteng tumuwid ng upo. Ganoon narin ang ginawa ko at tinuon sa harap ang buong atensyon kahit na nililipad na naman ang aking utak sa kung saan.

Alam ko namang hindi ako ang mas priority ni Toshi. Busy siya sa kanyang trabaho at doon nakasentro ang buo niyang atensyon. Gusto kong magdemand ng oras sa kanya katulad noong ginawa ko noong highschool pa ako pero ayoko rin namang maulit ang pangyayaring iyon. Gusto kong intindihin siya ngayon sa abot ng aking makakaya. Gusto kong malaman niyang handa ako at seryoso sa nangyayari sa amin.

Noong naging kaklase ko na si Elle sa kabilang subject ay tahimik lamang ito at nasa labas rin ang tingin. Magkaiba ata ang kurso ng dalawa kaya hindi rin magawang maging magkaklase sa bawat subject.

Pagkatapos kong maglunch sa aking breaktime ay nagtungo rin ako sa library para doon magpalipas ng oras katulad ng aking ginagawa araw araw. Binasa ko iyong isang nobela na gawa ng isang tanyag na manunulat sa larangan ng nobela. Nakahiligan ko ang libro simula noong bata pa ako at simula noong naging parte na ng buhay ko si Daddy. He always buy me books and novels! Ang sabi niya ay basahin ko raw dahil magaganda iyong paglaanan ng oras kung wala akong magawa. Nalaman ko rin kay Mommy na mahilig daw si Daddy na magbasa ng libro kaya iyon rin ang pumukaw ng aking atensyon sa pagbabasa hanggang sa nakasanayan ko narin.

One key to being a good writer is to keep reading. Iyon ang katagang nakasulat sa unang pahina at sa ibaba noon ay ang pangalan noong manunulat. Sa aking kyuryusidad sa pamagat ay nagpatuloy na ako sa pagbabasa at hindi rin naman namalayan ang oras. Gusto ko narin hiramin ang libro para maipagpatuloy ko ang pagbabasa sa bahay.

Doon lamang ako natigil noong may bumakante ulit ng aking harapan. Binalingan ko ang babaeng pinasadahan muna ang kanyang buhok ng kanyang kamay saka itinuon ang buong atensyon sa hawak na salamin at nagsimulang magmake-up sa aking harapan.

"This is a library." Sabi ko sa kanya.

"I know nerd. Malaki ang nakasulat na library sa labas at nabasa ko pagpasok ko kanina. Thank you for reminding me." Ngumisi siya at nalipat saglit ang mga mata sa akin pero ibinalik rin sa hawak na salamin.

T R I C K E D (NGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon