34th TRICKED

89.8K 1.8K 182
                                    

T R I C K E D

Flight

Kapwa kami nakakulob sa loob ng tent at nasa harap ang tingin. Bukas ang pinto noon habang pinapanood namin ang pagaspas ng tubig pababa at gumagawa ng kakaibang ingay.

Ang aking mga binti ay nakataas at gumagalaw, nakikipaglaro sa binti niyang ganoon rin na bumabangga sa akin at parang naglalaro ang mga iyon.

"Ang ganda dito 'no?" Nilingon ko ito sa aking tabi at nakita ang nakakamangha niyang side profile, his thick brow, pointed nose, strong jaw... lahat ata iyon ay gusto kong halikhalikan at angkining akin.

Tumango siya at lumingon narin sa akin. Our eyes met like it was really destined to look at each other. Na kung titingnan niya ako ay titingnan niya rin ako pabalik at palaging sasalubungin ang aking mga mata.

"Sana ganito nalang palagi..." I whispered to myself as I smiled sweetly at him.

"We can do this often after you graduate." Suhestyon niya at sinubuan ako noong kalahati ng chocolates na kanina pa namin kinakaing dalawa.

Ngumuso ako habang nginunguya iyon. Sinuklay niya ang aking buhok para malipat iyon sa kaliwang bahagi at makita niya lalo ang aking mukha.

"Ang tagal pa eh..."

"That's okay. Magtatagal rin naman tayo." sigurado niyang sabi at sinubuan narin ang sarili noong isang square ng chocolate. Inipit niya muna iyon sa gitna ng kanyang mga ngipin at inilapit sa akin ang kanyang mukha.

Napunto ko agad ang gusto niya kaya nilapit ko lalo ang aking labi sa kanya para kagatin iyon at kunin. Kaso bigla niya nalang iyong ipinasok sa kanyang bibig at tanging pagbabanggaan lamang ng aming mga labi ang nangyari. Humalakhak siya habang magkadikit ang aming mga labi na ikinabusangot ko.

"Bilis nating mauto ah?" he even arched his brow at me.

Lumayo ako ng kaonti sa kanya at umirap.

"Nauuto mo ako dahil nagpapauto naman ako."

Humalakhak ulit ito at dinudurog na iyong chocolate sa kanyang bibig.

Kapwa na kami nakabihis. Ang tanging suot ko lang ay iyong panibago niyang malaking tshirt at umaangat pa iyon sa aking pwetan dahil sa aking posisyon.

"One more." sabi niya at inulit iyong pakulo niya kanina. Inipit niya iyon muli sa gitna at lumapit ulit sa akin.

I stared at it for awhile. Kahit alam kong uutuin na naman ako nito ay nagpatangay parin ako sa aking karupukan at lumapit muli. And for the second time, Toshi tricked me.

"Ang daya mo!" Sabi ko habang hindi inaalis ang aking labing nakadikit sa kanya.

Nabalot ulit ng tuwa ang kanyang mukha at pumakawala ng halakhak. Ibinangga ko ang aking binti sa isa niyang binti na hinuli lamang iyon at inipit ito sa gitna ng kanyang mga paa. I wiggled my foot as I pushed his chest lightly. Mas lalo siyang humalakhak at sobrang natatangay na sa pang-aasar sa akin.

Sa aking inis, itinulak ko siya ng malakas para matumba ito hanggang sa mahiga siya roon. I smirked evilly as I parted my legs and sat on his stomach. Unti-unting napalis ang kanyang ngiti nang makita ang aking posisyon. Bago pa man ako nito maalis roon ay yumuko na ako at hinawakan ang kanyang pisngi.

Ang iilang hibla ng aking buhok ay nalaglag na sa bawat gilid habang hinahalikan ko ito. I gripped his hair as I delved my tongue inside his mouth. Hinanap ko ang ipinagkakait niyang kapiraso noong tsokolate at kinuha iyon sa pamamagitan ng aking dila. His brows furrowed as his eyes shrinked at me. Nang mapagtagumpayan kong ilipat iyong tsokolate sa akin ay natatawa na akong lumayo sa kanya.

T R I C K E D (NGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon