Special Chapter

137K 2.6K 749
                                    

T R I C K E D

Untold part of Toshi Delafuente

Huling halakhak

I always aim for the ring but I forgot to hold the ball tighter. I always aim to shoot it but I forgot to check if the ball is going to make it... I always aim for the goal but I forgot if my efforts were enough to reach it.

"Palya na naman!" Humalakhak si Ken nang makita ang pagshoot ko at tumama lamang sa ring.

Nailing ako at ngumisi saka tumakbo sa kabilang dulo lalo na't naagaw na sa akin ang bola. Why can't I hardly shoot it? Palagi nalang...

"Ipasa mo sa akin, Grey!" sigaw ko sa pinsan kong isa ring palpak.

"Ipasa mo sa akin! H'wag na kay Toshi! He's just going to make the same mistake!" pang-iinis ni Hiro sa akin.

Tumawa ako at tumakbo ulit sa kabilang banda para depensahan nalang ang bolang naipasa na sa kanya.

Nagtutunugan ang spike ng aming mga sapatos habang pabalik balik ang takbo rito sa gym sa Sabado ng hapon. Tirik ang araw at naliligo na kami ng mga pawis. Mas matanda pa naman sana ako kay White pero iyong lalakeng iyon mas magaling pang maglaro kaysa sa akin. Maybe this sport is really not for me. Yeah maybe...

"Gago talaga! Pag si Toshi at Grey ang nasa iisang team nananalangin talaga akong sana ay sa kabila ako..." Hingal na hingal na sabi ni Ken habang nakayuko at nakatukod ang mga kamay sa tuhod.

"Kaso nagbabago rin ang isip ko pag naroon rin sa kabilang sasalihan ko ang kambal..." dagdag niya rin naman.

"Isa ka rin namang tarantadong maglaro. Puro ka depensa pero natatakasan ka. Weak..." si White na nakaupo sa sahig at nakatukod sa likod ang mga kamay.

"Itong si Grey kasi..." si Blue na nailing.

"Kung makasisi kayo eh dito lang naman kayo magaling. Sa sobrang galing sa basketball pati sa testpaper nakikita ko ang hugis bola niyong score. Inspired na inspired sa basketball ang mga bugok," si Grey na ikinatawa namin dahil galit agad.

"Diyan ka magaling ang ipagmalaki ang talino mo! Eh dito sa gym bayag mo lang naman ang gumagana at tumatalbog. Utak mo di gumagana!" si Ken.

Nagsiilingan kami habang ngumingisi lalo na't hindi na mahitsura ang mukha ni Grey. Binato niya pa ng gatorade si Ken na mabilis rin iyong nasalo.

"Kinacalculate palang kasi ni Grey sa utak niya kung paano ishoshoot ang bola, naagaw na agad sa kanya ang bola," hagalpak naman ni Red na nakapameywang at tumataas baba ang balikat dahil sa marahas na paghinga.

Nagsitawanan kami roon. Si Grey lang itong asar na asar na naman na kahit maliit na ngiti ay hindi maibigay sa kanya. Bilis mawalan ng pasensya pero pagdating kay Chey akala mo kung sinong may mahabang pasensya.

Pag-uwi ko ng bahay ay sumalubong rin agad ang aking ina.

"Toshi, pawis na pawis ka!" Nagmamadali siyang lumapit sa akin, may dala ng tuwalya at nakasimangot.

"Ma..." Tumawa ako at hinuli ang kanyang kamay. "I'll do it." Kinuha ko sa kanya iyon saka ko pinunasan ang sarili kong pawis.

"Dapat hindi mo hinahayaang matuyuan ng pawis ang likod mo! Alam mo bang pwede kang magka TB diyan?! At pwede ka ring magka impeksyon sa baga! Ang bata bata mo pa tapos..."

"Enough... You're overeacting..." Ngumisi ako at itinakip sa kanya iyong tuwalya.

Nagtungo ako sa countertop para kumain roon. Sumunod naman siya saka ulit humarap sa akin. Kinuha ko ang apple at kinagatan iyon.

T R I C K E D (NGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon