50th TRICKED

132K 2.5K 1K
                                    

T R I C K E D

Ikaw pa kaya?

Sa huling araw namin roon sa hospital, bigla nalang sumulpot roon si Faith. Ang pisngi ay may bandage at may dalang papeles.

"Oh my gosh, Toshi! Anong ginawa ni Irah sa'yo?!" Mabilis siyang nagtungo sa gilid ni Toshi at itinulak pa ako paalis roon.

Dad's brow furrowed while si Mommy naman ay takang taka. Narito ang lahat sa loob ng kwarto at hinihintay nalang na madischarge si Toshi mamaya para makaalis rin kaming lahat. Ang kanyang presensya ang kumuha ng atensyon ng bawat isa na naririto sa loob.

"Nalaman ko ang nangyari! Sabi ko naman sa'yo mapanakit iyang si Irah! Anong ginawa niya?! Siya ba ang may gawa nito?—"

"Enough, Faith..." Tinanggal ni Toshi ang mga kamay ni Faith sa kanyang pisngi.

Mabilis niya akong nilingon, matalim agad ang tingin. Akma niya akong lalapitan pero hinila ni Toshi ang kanyang braso.

"Masasampal ko iyan ulit! Anong ginawa niya sa'yo?!"

Literal na umarko ang kilay ni Daddy nang marinig iyon. Si Mommy naman ay sumimangot pa.

"She slapped you?" Dad asked me.

Hindi ako sumagot at nag-iwas lang ng tingin. I don't want to talk about it as much as I want to say sorry to her.

"Sinampal mo ang anak ko?" tanong naman ni Mommy.

"Yes! At nandito ako para magsampa ng kaso sa kanya dahil sa ginawa niya sa pisngi ko!—"

"Enough, Faith," galit na sabi ni Toshi pero mukhang ayaw ata nitong magpaawat.

"Baliw ba iyan?" Narinig kong bulong ni Tita Chanelle sa kanyang asawa.

Dad stood and went to her. Nakita ko kung paano napakurap si Faith at napaatras, ang mga mata ay biglang binalot ng takot. Ganoon ang karaniwang reaksyon ng mga taong nakikita si Daddy sa unang pagkakataon.

"Let me see the papers you filed to my daughter," malamig na sabi ni Dad at inilahad ang kamay niya.

Nilingon niya ako sandali, sinamaan ng tingin saka niya ibinigay kay Daddy ang mga papel na iyon.

"May kasama akong mga pulis sa labas at dadamputin siya!" matapang niyang sabi.

Seryosong pinasadahan ni Daddy iyong papel at inilipat agad ang pahina. Pagkatapos niya iyong basahin ay bigla niya iyong pinunit sa harapan ni Faith na ikinalaglag ng kanyang panga. Iyong matatanda naman ay tahimik lang na nanonood.

"Where are the police officer? I am a lawyer and what you did to my daughter is an assault. Baka nga ginawa niya iyan sa'yo dahil sinampal mo siya. Tell your parents to find a better lawyer and let's see each other on the court." My Daddy fired like he's so sure he's going to win the case.

Namutla si Faith na kahit ang paglunok ay nagawa niya sa harapan ng aking ama. Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig. It's my fault... Kung tumahimik lang rin siguro ako... Kung hindi ko siya punatulan...

"P-Pero ako ang may mas malaking damage!" Itinuro niya ang kanyang pisngi.

"Damage? Your cheek? Your whole face looks damage. Is that your normal face or what?" Dad asked harshly.

Humagalpak ng tawa si Tita Chanelle na kahit ang Lola ni Toshi at iyong nagngangalang Blaire ay tumawa rin. They were all laughing like Daddy's insult is a big joke.

"Call a fire men Jhope to put a water to the burned area," iyong Rico.

"Iurong mo mo nalang ang kaso, hija... h'wag na natin itong palakihin. Hindi rin siguro iyon sinasadya ng anak ko. She's not okay right now... Ako na ang humihingi ng tawad." Lumapit narin si Mommy roon at hinawakan ang braso ni Daddy.

T R I C K E D (NGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon