26th TRICKED

87.7K 2.1K 401
                                    

T R I C K E D

This chapter is dedicated to Mara Torrefranca! Happy happy birthday dagangg! Tampo ka pa naman kahapon kasi di ako nakaupdate ng lima huhu. But still, I want to greet you! Iloveyouu!
-----------

Eighteen

Tahimik kong itinuon ang buong atensyon ko sa labas ng bintana ng kanyang kotse. Hindi ko alam kung ihahatid niya ba talaga ako sa bahay o dederitso kami sa kanyang condo. Hindi ko naman siya nababasa kaya ang hirap ring hulaan.

"How's your day?" Kalmado niyang tanong sa kabila ng mga kilay kong nagkakasalubong.

"Fine." I answered flatly.

Tumahimik siyang muli at mukhang doon na matatapos ang aming pag-uusap kaya mabilis akong nag-isip ng pwedeng idagdag para mas humaba pa ang aming pag-uusap.

"Eh ikaw? Ang trabaho mo?" Tanong ko pabalik.

"Ganoon parin. Marami akong ginagawa."

"At pinuntahan mo pa ako. Dapat di ka nalang nag-abala." Matabang kong sagot sa kanya at taliwas sa sinasabi ang gusto.

"That's why I want to treat you. Masyado akong busy. I know that."

Naging kalmado ang aking mukha at nilingon ito na wala naring galit ang bumabalot na eskpresyon sa kanyang mukha.

"We have our priorities, Irah." Pagpapaalala niya na akala nito ay nakalimutan ko ang bagay na iyon at nag-iinarte na naman ako.

"Alam ko." Sagot ko.

His shoulder loosened. Bumuntong siya ng hininga at namumungay na ang mga mata sa daan. Nakita ko muli ang ekspresyong nagpapataka sa akin. He looks so frustrated and worried at the same time. Gustuhin ko mang malaman kung bakit ganoon siya, wala rin akong maisip na dahilan.

Ipinark niya sa isang five star Restaurant ang kanyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka kami bumabang dalawa. His eyes darted on my uniform kaya nalaglag narin ang aking mga mata roon. Oh crap... Nagmumukha talaga akong bata kumpara sa kanya na nakacorporate attire pa.

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likuran at marahan iyong itinulak para igiya ako sa paglalakad. Ngumuso ako, nasisiyahan sa galaw niya. We look like couples...

This is our first time eating on a Restaurant. Nasanay kasi akong nasa condo lamang kaming dalawa at inihahatid niya rin naman ako. Maybe he's bribing me dahil alam niyang magiging busy na naman siya sa susunod pa na mga araw.

Naglahad na menu ang waiter. Seryoso niyang pinasadahan ang mga pagkain roon habang ang aking mga mata naman ay palipat lipat sa kanya.

"What do you want to eat?" Tanong niya saka nag-angat ng tingin sa akin at nahuli ang aking mga mata.

Mabilis kong ibinaba ang tingin sa menu.

"Uhm..." Pinasadahan ko isa isa ang tingin noong mga pagkain at walang makitang low calorie. "Tubig 'tsaka..." Napisil ko ang aking mga labi. What should I eat?

"Tubig ka nang tubig. Ako na." Nailing siya at tinawag na iyong waiter.

"Eh kasi tuwing summer ako may photoshoot. Ayoko namang sirain ang katawan ko dahil makakaapekto iyon sa pagmomodelo ko." Paliwanag ko sa kanya.

Bumaling siya sandali sa akin pero agad ring inilipat sa waiter na nasa kanyang harapan na. May pinagsasabi siyang pagkain roon na sinusulat naman noong waiter sa kanyang hawak.

Pag-alis noong waiter ay natuon rin naman saakin ang buo niyang atensyon.

"So you're going to continue your modelling career?" Tanong niya.

T R I C K E D (NGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon