27th TRICKED

86.8K 2K 293
                                    

T R I C K E D

This chapter is dedicated to Chloe Mae Boncalon. Happy birthday! Wishing you all the best in life and iloveyouu! Happy reading, everyone.
-------------

Mindset

"May good news ako, Irah!" Balita sa akin ni Megs sa umaga nang magtungo ako sa gaganapin kong photoshoot ng linggong iyon.

"Hmm?" I smiled while looking at him on the mirror. Ang iilang hairstylist ay nasa aking likod na at inaayusan ako pero nakukuha narin ni Megs ang kanilang atensyon.

"Nakatanggap ako ng email kahapon sa isang sikat na magazine sa ibang bansa! Kukunin ka daw na modelo! Kung pwede, pag nakapagtapos ka ng pag-aaral ay sila raw ang maghandle sa career mo!"

My face lightened.

"Really?!" Sa sobrang pagkakagulantang ko ay napatayo narin ako sa upuan.

"Talaga, Megs?!" Iyong hairstylist ko naman.

Ang iilang mga staff na nandito ay nagiging interesado narin.

Tumango tango si Megs! "Magiging international model na itong alaga natin!"

I got so carried away that I forgot if my Daddy and Mommy will let me pursue my dreams outside the country. Na kahit si Toshi ay hindi ko rin naisip kung papayag ba.

Sa nagdaang taon ay namayagpag rin ang aking pangalan sa ibang bansa at nagiging sikat ako sa larangan ng modelo rito sa Pilipinas. Marami rin akong naachieve at maraming pinto at nagbubukas sa akin dahil sa bango ng aking pangalan pagdating sa pagmomodelo. Palagi akong indemand dito sa Pilipinas dahil narin nadadawit ang aking pangalan kay Lolo at Daddy na kapwa rin gumagawa ng ingay kaya napopromote narin ako at mas nagkakaroon ng maraming sponsor.

Nawala ang ngiti sa aking labi at ang pagdidiwang sa aking sistema nang mapagtanto ang mga bagay na iyon.

"Oh? Hindi ka ba masaya? Diba ito ang pangarap mo Irah?" Si Megs.

Bumalik ako sa pagkakaupo. Ang iilang hairstylist ay nasa akin narin ang tingin, naninimbang ang mga mata sa magiging reaksyon ko.

"I'm not yet sure if Daddy will approve it." Sabi ko na ikinangiwi ni Megs.

"Spoiled ka naman sa parents mo, Irah! At isa pa, pagkatapos pa naman ng pag-aaral mo kaya hindi rin iyon magiging balakid sa ngayon." Paliwanag niya.

Wala paring label sa amin ni Toshi pero kung umasta kami sa isa't isa ay parang kami na. I told him that after I graduate, maglalaan kami ng oras sa isa't isa. I told him I'll rest on my modelling career at magfofocus kaming dalawa sa aming relasyon dahil ang sinabi niya ay pagtutuonan niya rin ako ng pansin.

"Sa ibang bansa iyon Megs, you know my parents. They're overprotective." Sagot ko.

"They love you, Irah! Susuporta ang mga iyon lalo na't mahal na mahal mo ang pagmomodelo mo. Pangarap mo ito, h'wag mong sayangin ang oportunidad." Si Ate Claud naman na hairstylist ko.

I just give them a smile. Yes it's my dream but being part of Toshi's world is really my dream now. I don't want to be so busy like him. He promise to me he'll give me more time pag nakagraduate na ako at gusto ko, iyon rin ang maibigay ko dahil iyon talaga ang kulang sa aming dalawa. I wanted to grow and to be mature enough for our relationship. Hindi ko kaya iyong long distance dahil ilang taon narin kaming nagtitiis sa kakarampot na oras na pinagsasaluhan namin.

But on the other hand, if he approves with it then I'll grab that opportunity. Nandito rin kasi ang trabaho ni Mommy at Daddy. Ayaw nila akong lumalabas ng bansa mag-isa dahil hindi nila ako matututukan. But if Toshi is with me, maybe they'll change their mind dahil may kasama naman ako.

T R I C K E D (NGS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon