Chapter 4

25 8 0
                                    

Anne's POV:

Dalawang hikab ang nagawa ko at pabagsak na humiga sa kama.

Ginabi na kami ng uwi ngayon, gumala pa kasi kami. Si Klye, gusto daw niyang manood ng sine. Yung Aquaman.

Pagkatapos manood, nag yaya na naman siya sa arcade. Ito namang si nanay, nakilaro na rin. At dahil isip bata din ako, nakisali na ako.

Mag tatanggal na sana ako ng damit nang may tumunog sa pintuan ng terrace ko. Lumabas ako ng terrace at sinilip kung anong meron sa baba.

Wala akong nakita ngunit pag-harap ko ay nakita si restaurant, ramen house, cute face, deep voice, "keep the change" guy.

For the first time ay nakatanggal ang face mask niya, nakangiti din siya.

"Hi," panimula niya. Kahit mahina ay rinig na rinig ko.

Dahil wala akong masabi ay nginitian ko lang siya.

"Mukhang malakas pandinig mo ah? Narinig mo yung pagbato ko ng bato," sabi niya tsaka tumawa.

"Ikaw yun?" natatawa ding tanong ko.

"Oo, 'di pa ba halata?" sagot niya.

"Well.."

"Jake," sabi niya tsaka inilahad ang kamay sa ere.

"Anne..." sabi ko naman at inilahad din patungo sakanya ang aking kamay.

Sabay namin itong shinake, at natawa sa sariling kalokohan.

"Matulog ka na. Magbibihis pa ako," ani ko.

"Dito muna ako. Magbihis ka na, usap pa tayo..."

Tinanguan ko na lamang siya tsaka pumasok sa kwarto. Iniwan kong bukas ang pinto sa terrace ngunit pumasok naman ako sa banyo.

Alangan namang magbihis ako sa harapan niya? Ew.

Nag palit ako ng pajamas ko, blue overalls. Tapos ipinuyod ko yung buhok ko.

Ilang minuto lang ay lumabas ulit ako. Nakita ko siyang nakatingala at pinag-mamasdan ang mga bituin.

"Psst," tawag atensyon ko sakanya.

Nabigla naman siya at napa ayos ng tayo.

"Ikaw yung sa ramen house namin diba?" pagsisimula ko ng usapan.

"Oo, ako nga. Again, 'di pa ba halata?" sagot at tanong niya ng patawa.

"Favorite line mo yan 'no?" natatawa ding tanong ko.

"'Di pa—"

"Ba halata?" pagtatapos ko ng sasabihin niya. At muli, sabay kaming natawa.

«—»

"Jake, may I ask...kung bakit ka naka mouth mask kapag lumalabas ka?" pag-papalalim ko ng usapan. "Pwede namang 'di mo sagutin if uncomfortable ka pa.."

"I'm sick, Anne. May sakit ako.." sagot niya.

I already expected it. Pero I was still shocked, not knowing why.

"Is it...bad?" tanong ko ulit.

Anne, that little thing called curiosity of yours...is getting out of control.

"Maybe. Maybe yes, maybe no. Or, it can be an I don't know," simple niyang sagot at may halong kibit balikat pa.

"Is it hard to be sick?"

"Yes."

"J-Jake. 'Wag mong kimkimin if things get hard for you. I'll be here, whenever you need me. Okay?"

He shrugged. "Thanks Anne."

"Matulog ka na. We need to rest..." sabi ko.

Tumango siya. "Okay. Goodnight," sabi niya sabay wave.

"Goodnight!"

Nang makapasok na siya sa kwarto niya ay ako naman ang pumasok sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto at saka dumeretso sa kama.

Dapat kanina pa ako tulog, but I didn't mind talking to him, at all.

Pinatay ko na ang ilaw ngunit pagka-pikit na pagka-pikit ko ay may kumatok sa pinto.

"A-Ate, I can't sleep. Feeling ko po naninibago pa po ako.." si Klye.

I saw his silhouette from the bright room outside, and the dark room here.

"Come," sabi ko sakanya. Binuksan niya ang ilaw at medyo nasilaw pa ako dito.

"Thank you po," matamlay na sagot niya.

"What's with you? Ang tamlay mo ngayon. Is something wrong?" tanong ko sa kapatid ko. Siya naman ay humiga sa tabi ko at nag talukbong ng kumot.

"Wala po, I'm just sleepy."

"Okay, sleep. Goodnight, Klye.."

"Goodnight ate,"

Bumangon ulit ako at pinatay ko na ang ilaw at saka humiga at natulog ulit. Niyakap ko si Klye at pagkapikit ko ay may nakita akong imahe.

Jake,

«—»

Window BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon