Anne's POV
Pagod akong umupo sa sofa. Papikit na ang mata ko pero may yumakap sa akin sa leeg.
"Ate!" masayang sambit ni Klye mula sa aking likod. "Ginabi ka?
"Nanood kami ng sine ni kuya Jake mo," sabi ko.
Bumitaw siya at naglakad paikot sa sofa. Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako. "Bakit 'di ako kasama?"
Natawa ako at tumingin din sakanya. "It's a couple bonding," tsaka kinurot ang pisngi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na inilayo sa pisngi niya, scrunching his face. "Okay okay."
"Klye," tawag pansin ko sakanya. Ngumiti naman siya sa akin at nag taas ng kilay. "What woul you feel if tatay comes back to us?"
Nawala ang ngiti at naging simangot. "Anong klaseng tanong iyan ate? Siyempre magagalit! Iniwan niya tayo, pinaiyak ka niya nung mismong birthday mo. At iniwan niya ako nung birthday ko rin!"
Napabuntong hininga ako. Dapat pala 'di nalang namin siya kinuwentuhan ni nanay, ang daming nasasabi.
"But would you give him a chance?"
Natahimik si Klye. Malungkot siyang ngumiti at unti unting namuo ang luha sa mata niya. "I always wished to feel the love of our father, ate. Ofcourse I would. Pero kasi ate, nawawalan na ko ng pag-asa na babalik siya. Apat na taon mula nang huli siyang nag pakita, kung gusto niya tayong makasama bakit hindi siya sumubok ulit?"
Matalinong bata si Klye, buti nalang at hindi siya natulad sa akin. Pero sa pagkakataong ito au parehas ang nasa isip namin.
Naaawa ako sa kapatid ko, sobra. Pero buong araw din akong nag isip isip sa sinabi ni Jake sa akin. Tama nga siguro niya na pagkatiwalaan namin siya.
"We'll just trust him Klye. I've been thinking na, maybe we do need him."
"But you said na we don't," nagtataka niyang tanong.
"You're way too young to understand, but you will someday."
"I'm matalino ate. I can understand na," pagpupumilit niya kaya huminga nalang ako ng malalim.
"Nagpakita siya sa akin last year sa school. He kept begging me to forgive him, but my mind was not in the right state. You're getting older, nanay can't handle us both. Sabihin man natin na tapos na ko sa pag aaral ko, hindi pa rin sapat yun lalo na at nasa mamahalin kang eskwelahan. And isa pa, you also want to be with him. I...also do somehow."
Tumango nalang siya at ngumiti. "I understand ate. I'll trust him."
«—»
I awkwardly looked at the three freaking couples in front of me. My brows almost meeting.
Bumuntong hininga ako. Bakit pa kasi iniwan ako ni Jake dito sa anim na ito. Pwede naman akong sumama sakanya sa interview niya.
I feel like a seventh wheeler. Ang mas malala ay halos mangamatis na sa pagpipigil ng tawa ang anim.
"Okay! Just laugh!" pag suko ko kaya agad silag nag-hagalpakan ng tawa.
"You are so funny Anne!" tawa ni Jhae habang naka akbay kay Wendy. Lahat sila ay natawa.
Are they even my friends? Like, wtf?
"Pag kayo 'di tumigil aalis ako," pag-babanta ko kaya nanahimik silang lahat.
Lumapit sa akin si Sally, niyakap ako at hinalik halikan sa pisngi. "I missed you!!"
Palibhasa kasi sa ibang bansa sila nag-college. Umuuwi lang sila kapag bakasyon at sa dalawang buwang uwi nila kada taon ay nahulog ang dalawang kambal sakanila.
"I missed you too!"
Yumakap din sa akin si Wendy na kanina lang ay nakadikit kay Jhae. "I miss you!"
"Bakit kasi nagtagal pa kayo ng isang taon doon?" tanong ko at humiwalay sa kanila.
"Family time," sagot nilang dalawa.
Napatahimik naman ako. Halos ilang araw na rin kasi ang lumipas mula nang huli naming pag-uusap ni Klye tungkol kay tatay.
"Tara, kain tayo! Gutom na ko eh!" bali sa katahimikan ni Nica. Dave by her side, tahimik as always.
Pumasok kami sa mall na katapat lang ng pinag-meetingan namin at naghanap ng makakainan.
At habang naghihintay ng order ay nakatuon na ang atensyon nilang lahat sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay kaya napatungo sila.
"Kamusta kayo ni Jake?" tanong ni Lay na nakatabi kay Sally ngunit may kaunting distansya.
Nanliligaw pa lang si Lay at under siya lagi kay Sally. Ang kaisa-isang rule lang naman kasi ni Sally ay wag masyadong PDA. Kaya ayan, todo tiis ang manliligaw.
"Okay lang. We are happy," simple kong sagot. Totoo naman eh, masaya kaming dalawa.
"Bakit wala siya?"
"Pinilit niya kong sumama sa inyo, nag aaply siya sa trabahong di ko naman alam kung ano."
"Nako!" biglang sigaw ni Jhae kaya napatingin kaming lahat sakanya. "Mamaya masamang trabaho pala iya—" tinakpan ni Wendy ang bibig ng kasintahan.
"Sabi niya naman mapagkakatiwalaan iyon. Tsaka magugustuhan ko daw," sabi ko.
Nagtanguan sila kaya saktong dumating na rin ang pagkain namin. Masaya kaming nagkwentuhan.
Matagal ko na ring hinintay ang mabuo ulit kami. Sa loob ng apat na taon kasi ay kami ni Nica lang ang nagkakasama.
Kapag nag babakasyon ang kambal, minsan wala ang mga lalaki. At kahit ngayon naman ay hindi pa rin kami buo. Arte kasi ni Jake eh, ngayon pa nagpa-interview kung kailan may gathering kami.
I missed them so much. As we get older, talagang nababawasan ang pagsasama-sama. Kaya habang kaya pa ay sagad-sagarin na.
Sa kalagitnaan ng pag-gagala namin ay tumawag si Jake kaya sinagot ko ito.
"Jake?"
"Wifey! Natanggap ako! Grabe, ang saya ko. Promise matutuwa ka rin," masaya niyang bungad kaya napangiti din ako.
"Congratulations Jake, ingat sa pag mamaneho. Hahabol ka pa? Maaga pa naman?"
"Oo naman! Sige—"
Naputol ang tawag kaya kinabahan ako. Tatawagan ko na sana ulit siya, pero tinawag na ulit ako ng mga kaibigan ko.
Binalewala ko na lang at inisip na siguro nagmamaneho na talaga siya.
«—»
BINABASA MO ANG
Window Buddy
Teen FictionIn a village, there's you and me. Every night, we have small chitchats, laughing boisterously without any care that the neighbours might shout at us. We do this...in two windows facing each other. You are not allowed to go out, you can't. Every m...