Chapter 17

11 3 0
                                    

Anne's POV

"Ayan kasi, tawa ka ng tawa" nag aalala kong ani habang hinihipo hipo ang noo ni Jake.

Naka upo siya ngayon sa kanyang kama at nakatayo naman ako. Aakyat, bababa ang kanyang balikat.

Tawa siya ng tawa kanina kasi nabilaukan ako sa cake na kinakain namin at pagkatapos nun ay may lumabas na piraso ng cake sa bibig ko kaya mas lalo siyang natawa.

Ngayon, siya ngayon ang nahihirapan kasi hinahapo na siya. Hirap na siyang huminga kaya nag aalala ako.

"Nag..nag-aalala ka...naman.." patigil tigil niyang sambit kaya mahina ko siyang pinalo sa braso

"Jake naman eh. Umayos ka naman.." paiyak kong ani. Kinuha ko ang gamot niya sa cabinet at nilapitan ang water dispenser sa kwarto niya at naglagay ng tubig sa isang plastic cup.

Inabot ko ang gamot at tubig sakanya. Agad niya itong tinanggap at ininom. Pagkatapos niyang kumilos ay ngumiti siya sa akin.

"Okay na. Wag ka nang mag alala," inabot niya ang pisngi ko at pinunasan ang aking mata. "Wag kang iiyak sa harapan ko, masasaktan lalo ako."

Wala sa sariling tumulo ng tuloy tuloy ang aking mga luha, tsaka napayakap sakanya. "Wag na wag mo nang papabayaan ang sarili mo. I feel useless kapag nakikita kitang nasasaktan," humihikbi kong sambit.

Hinagod hagod niya ang aking likod. "Yes po Anne. Sorry na po.." at dahil doon lalo akong napaiyak.

Nang gumaan na ang pakiramdam ni Jake, pumunta kami sa terrace niya. Nagpahangin kami at tahimik na tinitignan ang mga taong dumadaan sa baba.

Napangiti ako nang makita ang isang babaeng bata na nakahawak ang kamay sa kanyang tatay. Hindi man lang naranasan ni Klye ang makasama si tatay.

Pero masaya naman na si Klye kasama kami ni nanay. Para sa akin, kaya na naming wala si tatay.

"Reminds you of your father huh?" nag aalanganing tanong ni Jake.

"Yeah. Hindi niya man lang ipinaranas kay Klye ang saya ng magkaroon ng ama," dismayado kong tugon sakanya.

"How was it? Like the overall experience with having a father?"

"It was great. The best thing a child could ever dream of. Paano, wala pa kong kamalay malay sa mga pinag gagawa niya dati. I was 11, when we knew the horror my father did to me and my mom. The worst thing was my mom was carrying Klye. One month old inside her tummy.." namumuo ang luha ko habang nag kukwento.

"When I turned 12, Klye was born. Suportado pa ang tatay ko samin noon. He was happy to see his son. It was sincere, like he wasn't doing something ridiculous. Pero nang mag 1 si Klye..on his exact birthday, he gave the most hurtful gift. He left us.." kusang tumulo ang luha ko.

Mabilis ko itong pinunasan, nang tumingin ako kay Jake ngumiti ako sakanya nang makita kong nakatitig lang din siya sa akin kanina pa.

"Don't smile. It annoys me to think it's fake."

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya at sabay sabay na ulit tumulo ang mga luha ko.

"Ang sakit sakit kasi Jake. Ako yung inaasahan ni nanay ngayon. Wala akong magawa kundi ang magpanggap na okay lang ako. Kahit ang totoo...hindi naman talaga.."

Nanatiling nakatitig sa akin si Jake kaya nagpatuloy ako sa pagkukwento at paglalabas ng aking emosyon. Bumalik ako ng tingin sa daanan sa baba.

"Nang mag simulang tumanda si Klye, wala kaming nagawa ni nanay kundi aminin ang mapait na katotohanan. Nung una hindi niya naintindihan iyon, hindi pa nag rerehistro sa kanyang utak ang mga sinabi namin sakanya."

"Laking gulat ko nang pagkatapos ng isang linggo naming inamin sakanya ang lahat, sinugod ako ni Klye sa kwarto ko. Umiiyak siya nun..sobrang lala ng iyak niya. Tapos sa pagitan ng hagulgol niya...binulong niya sakin 'Bakit ginawa ni papa iyon, ateh?'"

"Nadurog ang puso ko. Sabay kaming umiyak at sinagot ang tanong niya. 'Hindi ko rin alam..'di ko alam Klye..' He was 4 years old that time, that was last year..and I am still wounded by that experience.."

Narinig ko ang buntong hininga ni Jake. Nilingon ko siya at nakatitig pa rin siya sa akin.

"I'll heal that wound. I may not be a doctor but I can heal you.."

«—»

"Anne hija...nandito ka na naman. Ika-career mo nga ang pag alaga kay Jake," natatawang ani tita Lara.

Nag memeryenda na kami ngayon at kakarating lang ni tita Lara. Late snack na ito dahil six na rin ng gabi.

"Opo naman! Without payment!" biro ko pero napataas lang ang kilay ni tito Lorenzo at tita Lara habang napangisi naman si Jake with matching kunot ng noo.

"Oh siya bahala na. Kumain na tayo..." sabi ni tito Lorenzo kaya nagsimula na kaming kumain nung cake.

Itong cake na 'to, grr.

Habang nakain ay natawa ng malakas si Jake. Agad napatingin ang magulang niya sakanya at nagtaka na may halong galit.

"Jake!" banta ni tita Lara.

Kinagat ni Jake ang labi niya na nagpipilit ng tawa.

"Why the hell are you laughing Jake?" irita ring tanong ni tito Lorenzo.

"Anne—" pinutol ko ang sasabihin niya dapat.

"Jake, please don't bring it up. Baka magkaproblema ka na naman.." mahinahon kong sambit kaya nawala ang tawa niya.

Humarap siya sa magulang niya. "See mom? See dad? She's worried. I like it..." nakangisi niyang ani.

Nanlaki ang mata ko at napaharap sa magulang ni Jake. Kapwa nanlalaki ang aming mga mata.

"Anne..do you...like my son?" tanong ni tito Lorenzo.

"Ah tito, it's not—" it's Jake's time to cut my words.

"Ofcourse she does. Our feeling is mutual..." lalong nanlaki ang mata kong nakaharap na ngayon sakanya.

Namumula na ako sa inis at hiya. "What..?" tanong ko sakanya.

"Right?" tanong niya rin sakin.

"You're very—"

"Handsome?" naubo na ngayon ang magulang ni Jake.

"Imposible," tuloy ko sa sinasabi ko.

Napatahimik si Jake. Umubo rin siya tsaka humarap ulit sa parents niya.

"Mom, dad, please meet my girlfriend...Anne Reyes."

Umakbay siya sa akin habang nakangiti ng sobra sobra. Dahan dahan akong umiling habang nakatingin ng diretso sa magulang niya.

"Well then, she passed our standards.." sabay na sambit ng mag asawa na lalong ikinalaki ng aking mga mata.

"It's official! We are now...a couple!" pagdidiwang niya.

Diretso na akong nakatingin sakanya. "My mom pa, Jake. My mom."

"Oh we'll do it tomorrow. After your class, I'll be waiting for you outside our house.." nakangiti niyang ani sabay kindat.

Gosh.

«—»

Window BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon