Anne's POV:
Kahapon, pumasok ako sa ramen house at agad na pumasok naman sa school pagkatapos. Hindi ko nakausap ng gabi si Jake dahil hindi siya lumabas. Baka nag bobonding sila ng pamilya niya kaya I understand.
Kakauwi ko lang galing school nang dumiretso agad ako sa kusina at kumuha ng tinapay. Agad ko itong inubos at uminom ng tubig.
Without wasting any time, naabutan ko si nanay na kakalabas lang ng cr at halatang naligo.
"Nay, punta lang ako kila Jake saglit. I'll be right back!" pagpapaalam ko sakanya at nginisihan niya ako bago tumango.
I just shrugged at her actions and went straight out of our house. Hindi na rin ako nag palit and I'm still on my uniform.
Saglit lang naman ako, may gagawin pa kong thesis research. At kailangan ko pa 'tong ibigay kay Ecka kasi night shift ako sa school bukas.
Wala na akong thesis pa sa night shift, iba man ang classmates namin ni Nica sa pang gabi, excluded naman kami sa mga groupings kasi ang main time at section namin ay morning talaga.
Nakikisama lang kami, ganon!
Kumatok ako ng tatlong beses at agad na bumungad sa akin ang nanay ni Jake. Si Lara.
"Magandang tanghali, hija. Napadaan ka?" ang ganda talaga ng ngiti niya. Parehas silang ngiti ni Jake. "Tsaka may pasok ka pa ngayon ah?"
"Ahh, kung okay lang po, bantayan ko lang saglit si Jake," nahihiyang pagpapaalam ko.
"Ay! Oo naman! Okay lang ba sayo hija?" nag aalangan din niyang tanong.
"Oo naman po! Araw arawin ko pa eh," pagmamayabang ko.
She chuckled. "Oh siya, pasok ka."
Agad na bumungad sa akin ang white and gray interiors. As in halos lahat ay white at gray lang. Modern type ang bahay nila, parang amin lang.
"Maupo ka muna hija, kukuha lang kita ng maiinom at mag usap muna tayo.." nakangiti pa ring sambit sa akin ni ate Lara at nakatalikod na sa akin at papunta na ng kusina nila.
Umupo naman ako sa sofa nila na gray at napakalambot nito. Ang sarap humiga kaso ayoko namang kapalan mukha ko.
Sa totoo lang, kinakabahan akong makita ang tatay ni Jake. Napaka strikto siguro nun, nakakatakot ang awra. Nagtataka rin ako kung bakit ako kailangang kausapin ng nanay niya.
Jusko day, ano ba 'tong pinasok kong pamilya. Nakakatakoott! Except nalang siguro kay Jake.
"Hija? Okay ka lang ba?" natigil ako sa pag iisip nang marinig ko ang boses ni Ate Lara. Nasa harapan ko na pala siya at nakatungo pa sa mukha ko.
"A-Ah opo."
Tumawa ulit siya ng mahina at umupo sa tabi ko. "Magkaibigan lang ba talaga kayo ng anak ko?"
"Opo.." mahina kong sagot. Ano bang tingin nila? Kami? Parang last week nga lang ata kami nagkakilala eh! "Bagong lipat lang po kami dito."
Napatango naman siya ng ilang beses, "Oh, I see..." tsaka ngumisi. "Pagpasensyahan mo na ung asawa ko. Masyado lang siyang protective sa anak namin.."
Wala namang kinalaman yung sinabi niya sa usapan namin nung isang araw sa proteksyon. Tanging si Ate Lara lang ang nagsabi at nag aalala para kay Jake.
Not that I hate Jake's father, it's just not the right reason especially kapag ako ang sinasabihan nito. Siya ang bastos na pumasok sa bahay namin, grr.
"Hinuhusgahan mo na siya noh?" natatawang tanong niya na ikinagitla ko.
"Hindi naman po sa ganon, hindi ko lang po makita ang pag alala niya sa pinakita niya sa akin nung isang araw," nahihiya at natatawa ko ring sagot.
Tumawa siya ng mas malakas. "Ganon lang talaga siya lalo na sa mga taong 'di niya pa kilala. At medyo mainit ang ulo niya nun dahil nga nag aaway kami. Pero sa kabila nun, lalo na sa sinabi mo ay nag bago ang isip niya. Hindi na siya makikipag hiwalay sa akin at iiwan kami ng anak ko...malaki ang bayarin namin sayo hija, kaya sana sabihin mo lang sa amin kung may kailangan ka. Walang pag aalinlangan ka naming tutulungan," nakangiti at sinsero niyang sambit kaya napatango ako.
"Before you go to Jake's room," putol niya nang tumayo na ako. "You can call me tita.." then she winked at me. Natawa nalang ako at nag thumbs up sakanya.
Umakyat ako sa second floor, nakita ko ang name plate na nakasabit sa labas ng pinto. "Jake the Dog," basa ko dito. Wala sa sariling natawa ako, ginawa niya pang aso ang sarili niya.
Kumatok ako at ilang saglit lang ay bumukas ito at natawa ulit ako nang makita ko ang gulat niyang mukha.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na mas ikinatawa ko.
"I'm here to take care of you, dog" sagot ko at dumiretso sa kwarto niya. Sakto lang ito para sakanya, magkasing laki lang kami ng kwarto. Pero gray at white pa rin ang interior nito.
"What the hell?" natatawa ngunit pakiramdam ko ay nakakunot ang noo niyang pagtataka. Nilingon ko siya na nakatalikod pa rin sa akin, nakaharap sa labas ng kwarto niya.
"Why?" natatawa kong tanong. This time, lumingon na siya sa akin, at sinara ang pinto niya. "Now seat down sa upuan. Let's start checking you, hmm?" nakangiti ko nang ani.
Napasinghal nalang siya sa kalituhan, kaya lalo akong napangiti. Sumunod naman siya sa akin at umupo sa stool sa tapat ng study table niya.
Sa tabi ng study area niya ay nandun lahat ng medical needs niya. Lahat ng kailangan niya ay napuno ang isang buong cabinet. Ganito pala karami ang kailangan niyang inumin na gamot, gamitin na pang check sa vitals niya, at para masigurong okay siya. Kaya agad na naglaho ang ngiti ko habang naglalakad palapit sa cabinet na ito.
"Are these all your medical stuff?" tanong ko habang nakahawak sa glass na sliding at pinagmamasdan ang iba't ibang pangalan ng gamot na ngayon ko lang nababasa.
"That's not all yet. Yan palang ang mga pang every week ko," sagot niya ngunit nanatili ang tingin ko sa box ng mask na nasa loob din ng cabinet.
"Seems like, you created a brand new way on communicating with people.." wala sa sariling sambit ko.
Mula naman sa peripheral ko ay nakita kong napatingin siya sa akin, nalilito. "Ha?"
"You'll use mask, then wear it kapag mag uusap tayo sa terrace. Or ibato mo sa terrace ko, if you're really not feeling well. Wag mo nang iwan sa cr, that's just unhygienic" natatawa kong sambit tsaka muling humarap sakanya.
Natawa rin siya at tsaka tumango tango. "Let's start shall we?" tanong ko sakanya at agad naman niyang inurong ang upuan niya palapit sa cabinet niya.
Nilabas niya ang blood pressure monitor at nilagay sa study table niya. "Let's start by checking my blood pressure, human.." sambit niya na ikinatawa ko.
"Will do, dog."
«—»
BINABASA MO ANG
Window Buddy
Teen FictionIn a village, there's you and me. Every night, we have small chitchats, laughing boisterously without any care that the neighbours might shout at us. We do this...in two windows facing each other. You are not allowed to go out, you can't. Every m...