2 weeks later
Anne's POV
Minsan nalang magsalita si Jake. Namumutla na siya at hinang hina na. I hate seeing him in this situation.
Minsan nagtataka na rin ako kung bakit hindi siya pina-chemotherapy ng magulang niya noon habang maaga pa. Kung pina-chemo sana siya dati, hindi na lalaki at dadami ang cancer cells sa katawan niya.
Ako lang ang nakabantay sa kanya ngayon. Bukas birthday ko na. Mag iisang buwan nang nandito si Jake sa ospital. Hindi pa siya inilalabas ng magulang niya kasi balak na siyang ipa-undergo ng surgery.
Sa 15 ang surgery removal niya. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung mag eenjoy ako sa birthday ko. I don't think I deserve to be happy if I know that my lover is hurting and in pain.
"Do you want to eat anything?" tanong ko sakanya. Nakatitig lang siya sa akin at dahan-dahang umiling. "Drink?"
Tumango siya at tinuro ang water dispenser sa tabi ng pinto. Napabuntong hininga ako. Nilapitan ko ang dispenser at tsaka kumuha ng plastic cup sa ibabaw nito at nilagyan ng tubig, binigay ko ito sakanya kalaunan.
Pagkatapos niyang uminom ay tinitigan niya ulit ako. Binuka niya ang kanyang bibig kaya nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya at sinabing wag magsalita.
"I love you."
Naluha na ako. Sobrang bigat ng damdamin ko! Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.
"Lumaban ka ha? Lumaban ka..." humagaulgol kong pakiusap habang nakatingin sakanya.
Ngumiti siya at tsaka mahinang tumango. My lips turned into a straight line, trying not to cry more. Hanggang sa naging pout ito at umiyak ulit lalo.
Napatungo ako sa gilid ng kama niya. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. "I'm sorry.." sabi niya.
Tumingin ako sakanya. "Don't talk. Gather your strength. You have an operation in a few days.." sabi ko.
Umiling siya. "I'm sorry if you...have to celebrate your birthday like this. I'm sorry wifey, I'm very sorry for giving you pain.."
Hindi ako nagpatalo at umiling din sakanya. "Nothing to be sorry about. Hinding hindi kita bibitawan Jake. Hanggang sa huling hininga ng kakapanganak palang na mga pusa sa mundo.."
He chuckled lightly, na naging ubo rin. "I love you too. Hang in there okay?" naluluha ko pa ring ani.
Tumango siya. "Happy Birthday wifey. I promise to be with you in your next birthday, and be healthier than today."
«—»
"Happy Birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday...happy birthday to you!!" kanta ni nanay, Klye, tita Lara, tito Lorenzo, Nica at Dave, Wendy at Sally.
May mga hawak silang balloon at hawak ni nanay ang number balloons na 1 at 8. Debut ko na ngayon at nasa bahay pa lang kami. Sinamahan ako ni Nica mag ayos sa bahay nila at pagdating ko dito sa bahay namin ay sinurprise pa nila ako.
I was wearing a maroon velvet gown, satin material, kind-of puffy starting from my waist. Off shoulder ang neckline nito at may kung ano anong lace na design.
Naka elegant curly updo ang buhok ko. Nilagyan pa ito ng extension highlights na silver kasi black ang buhok ko.
"Ang ganda ganda ng anak ko!!" sabay na sigaw ni nanay at ni tita Lara habang palapit sakin. Nanlaki ang mata ko at naglaho ang ngiti sa mukha ko.
Nagkatinginan silang dalawa. Nanahimik ang lahat ng tao sa bahay namin. Nasira lang ito nang tumawa ng mahina si Jake na nasa wheelchair.
"Uy, kinilig," asar ni tito Lorenzo sa anak niya. Tumingin sa akin si tito Lorenzo tsaka ngumiti. "Tara na. Ang kambal kanina pa natawag sa nanay mo. Padami na daw ng padami ang tao sa event place."
Napailing nalang ako nang maalala kung sino ang pinili kong taga salubong ng bisita. Sila Lay at Jhae.
Nagbalik ang tingin ko kila nanay at tita, magkaakbay na ang dalawa kahit hirap dahil naka off shoulder formal dress sila.
Baby pink ang pinili kong color para sa mga babae na bisita ko. Habang black naman para sa mga lalaki. Ayoko ng masyadong bright dahil hindi naman ako isip bata. Except nalang siguro sa yellow kasi maganda yun.
"Anak ka naming dalawa," sabi ni nanay. Natawa naman si tita tsaka tumango tango.
"Tama Carmela, anak ko na rin yang anak mo. Kulang nalang kasi ikasal ang anak nating dalawa!" ani tita Lara.
Parang lasing na sila kahit tirik palang ang tanghali. Grabe ang saya nila.
«—»
"Bayaran mo kami ah," bulong sakin ni Lay. Grabe talaga ang kambal na 'to. Hanapan ko nga ng mga jowa para lubayan ako?
"Bakit naman?" tanong ko ng pabalang sakanya.
"Aba! Kami ang nagiging guard slash bouncer ng debut mo!" sabi niya ng pasigaw.
Nasa dulo ako ngayon, napasok na pair by pair ang mga tao na kasama ko kanina sa bahay. Nauna sila nanay at Klye, sumunod na nakapila sila tita Lara at tito Lorenzo. Sunod sila Nica at Dave tapos sila Wendy at Sally, habang second to the last naman si Jake at aalalayan ni Jhae.
"Atleast kasama kayo sa 18 Roses at masasayaw niyo pa ang prinsesang tulad ko," asar ko sakanya tsaka naglakad patungong entrance at naglakad sa gitna.
Nagpalakpakan ang lahat ng nakasilay sa ganda ko, este ng suot ko.
Tumingin ako sa kanan, ngiti, tingin sa kaliwa, ngiti. Tumingin ako sa buong paligid at talagang pinag effortan ito nila Nica at ng babaeng kambal.
Kaya ako lang ang nag bantay kay Jake kahapon dahil nag sisimula na silang mag ayos dito sa event place.
I smiled looking straight, with tears brimming on my eyes. Grabe yung upuan na uupuan ko, plastic na bangko.
Lumapit si Jhae doon bago pa ako makalapit ng husto. Tinanggal niya ito at kasabay nito ang pagkakita ko kay tito Lorenzo at Lay na buhat ang isang engrandeng upuan.
Natawa ako dahil nandun ang mukha ko sa sasandalan ko. Bond paper lang ito at idinikit gamit ang scotch tape.
Nakaka-tawa kasi maroon na pang reyna talaga ang upuan, tapos nasa gitna nito yung mukha kong panget.
They are doing their best to make me smile.
Tumingin ako kila Nica, Wendy at Sally. Nakatingin din sila sa akin at ngumisi, feeling all proud of their plan.
Sa wakas ay naka upo na rin ako. Nasa harap ako ng maraming tao, and my heart is beating fast.
But let's enjoy this shall we?
«—»
BINABASA MO ANG
Window Buddy
Roman pour AdolescentsIn a village, there's you and me. Every night, we have small chitchats, laughing boisterously without any care that the neighbours might shout at us. We do this...in two windows facing each other. You are not allowed to go out, you can't. Every m...