Chapter 12

15 5 0
                                    

Anne's POV:

"Wag ka na ngang makulit! Kumain ka na ng meryenda mo!!" sigaw ko kay Jake habang siya ay nag tatago sa ilalim ng kama niya. "Jake, madumi diyan! Tumayo ka diyan please!" mas makulit pa siya sa bata.

Nakaluhod na ako at nakasilip kay Jake na naka dapa sa ilalim ng kama niya. Napangiwi ako at nakita kung gaano siya kasaya, patawa tawa pa ang loko.

"Jake.." mahina kong sambit ng pangalan niya, pagod. Agad namang naglaho ang mga tawa at ngiti niya at lumabas sa ilalim ng kama niya, at lumuhod gaya ko.

"Sumusuko ka na ba sakin?" nakanguso niyang tanong kaya agad ko siyang pinalo sa braso. "A-Aray! Unang araw mo pa lang nananakit ka na!"

Imbes na mag react sa sinabi niya ay pinagpagan ko ang harapan ng tshirt niya na puro alikabok. Agad namang nanlaki ang mata niya dahil sa harsh ng pag-pagpag ko.

"H-Hoy! Nangmamanyak ka na ah!" sigaw niya kaya agad akong napabitaw at binatukan siya sa ulo.

"Anong nangmamanyak?! Ako na nga 'tong nagmamagandang loob! Kumain ka na," pag pipilit ko sakanya.

Ngumuso naman ulit siya tsaka tumayo, kaya tumayo na rin ako sa pagkakaluhod ko at inakbayan siya. "Eat now dog," pang aasar ko sakanya kaya agad niyang tinanggal ang braso ko sa balikat niya at dumiretso sa labas ng kwarto niya.

«—»

Bumalik muna ako saglit sa bahay namin at kinuha ang mga kailangan ko sa thesis namin. Which are...pens and papers.

Pagbalik ko sa bahay nila Jake ay naka upo na siya sa dining area nila at kumakain. Napa angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. Niyaya niya pa kong kumain ngunit umi-iling akong lumapit sakanya.

Umupo ako sa tabi niya at sinimulang magsulat ng kung ano ano. Ang napag desisyunan naming topic ay yung love life chuchuness. Sila na ang nag desisyon kasi nga tinawagan ako ni nanay nung time na ako na dapat ang magsasalita.

"Ano yan?" tanong sakin ni Jake habang nakadungaw ang ulo niya sa papel ko. Inusog ko naman ang ulo niya at binalik sa plato niya.

"Thesis namin," tipid kong sagot habang nag iisip pa ng masusulat. Tapos na ako sa introduction namin ng 'di ko man lang namamalayan. Ang ginagawa ko naman ngayon ay ang purpose of the study.

Dapat si Nica ang gumagawa ng purpose of the study nito, pero dahil nasa ramen house pa siya ngayon ay tinutulungan ko na siya.

"Dapat 'di ka na pumunta dito at nag focus ka nalang dyan sa thesis niyo.." mahina niyang sambit at nang tignan ko siya ay nakatitig lang siya sa pagkain niya at seryoso.

"Okay lang naman sakin. Aalagaan kita at hindi ko hahayaang maramdaman mong nag iisa ka. Lalaban ka naman diba?"

Napatingin siya sa akin at ngumiti ng mahina. "Thank you Anne, I really owe you a lot."

Ngintian ko siya pabalik at tinuro ulit ang pagkain niya. Natatawa naman niyang tinuro ang papel ko kaya parehas kaming nag iwas ng tingin at sabay na ginawa ulit ang ginagawa namin.

Maya maya ay kinalikot ni Jake ang phone niya. May tinetext siya ngunit as privacy, di ko tinignan kung sino iyon kahit umiiral na naman ang pagka-tsismosa ko.

Lumabas naman sa kusina si Tita Lara na may dalang cookies at orange juice. Nilagay niya ito sa harapan ng mga papel ko. Napatingin naman ako sakanya na may nag tatanong na tingin.

"P-Po?" mahina kong tanong.

"Iyo 'yan hija. Wag masyadong lunurin ang sarili sa pag aaral. Yan ngang anak ko ay kahit homeschooled lagi ko pa ring inaalagaan kapag may ginagawa," nakangiti niyang sambit kaya napangiti nalang ako.

Tumingin ako kay Jake na nakangiti rin habang nakatungo at patuloy na kumakain.

Jake's POV:

"Thank you Anne, I really owe you a lot," pasasalamat ko.

Tinuro niya naman ang pagkain ko kaya tinuro ko rin ang mga papel niya. Sabay kaming nag iwas ng tingin at sinimulan ulit ang ginagawa namin.

Maya maya lang ay naisipan kong bigyan ng pagkain si Anne ng palihim. Kaya nilabas ko ang phone ko at minessage si mama.

Jake
Ma, bigyan mo naman ng kahit
cookies at juice lang si Anne.

Ginugutom niya ang sarili
niya eh.
Seen.

Napangiti ako nang makita agad iyon ni mama. Tinago ko ang phone ko at kumain ulit. Maya maya lang ay lumabas na si mama galing kusina at may hawak na tray ng cookies at juice.

Natawa ako ng mahina nang magtanong si Anne kung ano iyon. Napa kwento tuloy ng kaunti pa si mama. Nakita ko na ngumiti sa akin si Anne ngunit hindi ko ito tinignan ay nanatiling nakatingin sa plato ko.

Nang magsimulang kumain ng cookies si Anne habang nagsusulat, naabutan kong nakasilip sa akin si mama kaya nginitian ko siya sabay kinindatan. Natawa naman siya sa ginawa ko at saka bumalik sa paglilinis ng kusina.

«—»

Window BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon