(REMINDER: pag po pa slide yung sulat means binabasa lang po yun ni Anna pag ka straight naman po means reality po yun. Gomawo)
"hello po pa. musta po?"tanong ko sabay yakap kay papa ko.
"Ayos lang naman anak. ikaw, musta sa probinsya?
Ayos lang ba ang Lola mo?"yakap rin ni papa."Ok lang naman po si lola . Malungkot ngalang kasi daw po, e' babalik na daw po ako dito sa maynila. Ahh! Pa. Ma. Ito po pasalubong namin nila Lola" bitaw ko sa pagkakayakap at sabay bigay ng pasalubong galing probinsya na ginawa namin ni Lola
"Wooww, ano ba yan anak?"tanong naman ni mama.
Alam kong kagagaling lang ni mama sa pag iyak. Dahil kitang kita na namumula pa ang ilong at medyo namamaga parin ang mata nito. pero di ko nalang pinansin. Alam ko naman kasi kung bakit umiyak si mama."Salabat po ma. Gawang probinsya yan kaya sigurado akong masarap.
Ma, Pa. tara na po sa kusina. nagugutom na po kasi ako" yaya ko kaila mama't papa na busy sa pagtingin sa pasalubong na dala ko.Nasa hapagkainan na kami ngayon. masayang nagkukwentohan sa mga nangyari nung nakaraang 2 linggo.
Pagkatapos naming kumain dumeritso kami sa sala at nanuod ng tv."Ma. Ano nga po pala yung paguusapan natin.?"tanong ko.
na dahilan nang paghinto nila sa pag tawa. Masyado nga talagang mahalaga ang paguusapan namin ngayon."Ahh!! Ano kasi anak.
Tungkol sa--"putol ni mama sabay tingin kay papa. Halata kay mama na kinakabahan sya pero ako naman itong desididong malaman kong ano ba tagala yung paguusapan namin. Wish ko lang na hindi tungkol sa narinig ko.Umayos ng upo Sila mama't papa at humarap sakin.
"Ahh!! Anak .
Wag ka sanang magagalit samin ng mama mo pag sinabi na namin yung plano namin para sayo"Sabi ni papa"Opo. Ano po ba yun, pa?"tanong ko naman kahit alam ko na ang isasagot nila, malay natin mag iba ang ihip ng hangin.
"Anak. tungkol yun sa--.
Tungkol yun sa --""Sa kasal po ba?"
Pagputol ko sasabihin ni papa..
At agad naman silang nagtaka o nabigla sa sinabi ko. sinong hindi mabibigla. Kung alam mo na pala yung paguusapan." Tas nagtatanong kapa. "
"A--anak. pa--paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ni mama na tinangoan naman ni papa.
"Narinig ko po kanina.
Hindi naman po sound proof tung bahay. "Ngumiti ako . Nagbabaka sakaling mawala ang pagkagulat nila."Ang totoo nyan .
Kababa ko lang po ulit nun nung nakitan nyo ako sa hagdan. Pasinsya na po kung narinig ko.."
Nakayuko kong paghingi ng paumanhin. baka kasi isipin nila na nakikinig ako sa usapan ng mga matatanda e. HihiNabigla nalang ako ng biglang nag iba naman ang expression ng mukha nila mama at papa dahil sa sinabi ko.
Parang naging masaya na nalulungkot. Yun kasi ang nakikita ko sa kanila. Ang gulo."Ano ka ba anak. Ayos lang yun.
Kami nga dapat ng mama mo ang humingi ng tawad sayo dahil nag desisyon kami ng hindi mo nalalaman. Pasinsya kana anak pero matagal na naming napag usapan ng mama mo pati ng tita Jane at Tito Carlo mo ang tungkol sa kasal nato" mahinahong Saad ni papa..
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush Who Break My Heart
RomanceAno sa palagay mo ang mangyayari sayo if ipakasal ka ng mga magulang mo sa taong crush na crush mo. Yung tipung natupad lahat ng mga minumuni-muni mo kada may daraang shooting star sa bintana ng kwarto mo. Pero. Sasaya ka ba kung ang taong crush na...