chapter 6: where is he?

11 1 0
                                    


(REMINDER: pag po pa slide yung sulat means binabasa lang po yun ni Anna pag ka straight naman po means reality po yun. Gomawo)

Continuations

Pag kalabas ko ay bigla nalang napataas ang kilay ko.

'Nasan na kaya sya? '

Tanong ko nalang.

Gusto ko syang hanapin pero hindi ko magawa.

Baka kasi magkasalisi kami. Kaya hindi ako umalis sa harap ng sinehan. Nandito lang ako sa gilid ng pinto. May mga napapatingin narin sakin,pero. hindi ko nalang pinapansin. Ano naman kong nandito ako sa harap. 'e sa, may hinihintay ako e.

May tiwala naman akong babalikan nya ako, kaya.  Maghihintay ako.

Siguradong lagot sya kay tita kapag iniwan nya ako kaya, sana. balikan nya ako. 

Kung hindi nya ako babalikan patay ako nito.
Hindi ko alam  ang daan pauwi. wala rin akong sapat na pera pamasahe. Binili ko kasi ng ticket kanina.

"Wee? Hindi sya nilibre ni Prof?  Duh? Kung ganyan lang din ang ipapakasal sakin. Wag nalang. Ticket nga hindi sya mabilhan. puso pa kaya maibigay. Yan talaga mahirap sa arrange married. Ewan ko nga kung ano ba talaga ang naging dahilan ni best kung bakit sya pumayag e,Tskk. Ano bayan. Nakalimutan ko crush na crush nga pala ni best si Prof. Haha!"

Wag kang magisip ng masama.
Dahil nga sa plano namin kaya bumili ako ng sarili kong ticket.

Hindi naman magandang tignan kong sya pa ang bibili ng ticket  ko if nagplano nga kami na hindi namin kilala ang isa't isa.

"Tskk. Hindi naman talaga. "

Isang oras na simula nung matapos ang palabas. Isang oras narin akong naghihintay. Sa isang oras na yun is wala akong nakitang sirhila. Kunti nalang rin yung mga tao. Gabi na kaya nagsisiuwian na yung iba.

"Miss, nagiisa kaba? "Tanong sakin ng lalaking may nakakatakot na mukha.

Ayokong maging judgmental pero nakakatakot talaga sya.

"Ahh. Hindi po. "Sabi ko naman.

"Magalang"mapang insultong sabi nito.

"May something yata to ahh! "

Napangiti nalang ako ng pilit. My something yata tong si kuya manong eh.

"May hinihintay lang po ako" sabi ko nalang para sana umalis nasya.

"Ha? Sino? Boyfriend mo? Miss hindi nayun dadating. Isang oras kana ngang naghihintay dito. Halika samahan mo nalang ako. Sigurado akong maaabut mo ang langit." Sabi nito namay nakakalokong ngiti sabay akbay sakin.

"Ahh, sir. Pakitanggal po yung kamay nyo." Sabi ko sabay pilit tinatanggal yung kamay nyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"Ano kaba? Wag kanangang pumalag. Pabebe kapa e" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Bakit hindi to nakwento ni best? "

"Manong. Hindi ako gaya ng inaakala nyo, Atsaka. Wala  akong balak na sumama sa inyo."ginagalit ako nito.

"Kaya puede ba. Alisin mo yung kamay mo." buong lakas kong tinanggal yung kamay nito.

Sya na ngatong nakakastorbo.
Sya pa tong may ganang mang manlait.

"Aba! Pumapalag pa." Natatawa nitong saad.

Elementary yata to e. May sayad na sa utak.

My Ultimate Crush Who Break My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon