♥ PROLOGUE ♥
Ang tao magaling mag-advise, pero hirap na hirap iapply sa sarili.
Ayon naman daw talaga eh, kasi mas madaling magsalita kaysa ang sundin ang sinasabi ng isip. Mas mahirap sundin ang isip kaysa dinidikta ng puso.
Si Teyang ay isang simpleng babae na walang ibang hilig kung hindi ang makialam sa buhay ng ibang tao.
Mahilig pumuna ng mga bagay na hindi naman dapat pinapansin.
“Alam mo kung ginawa mong sky blue ang kulay mas magiging relaxing siguro ang kwarto mo”.
Siya ang tipo ng tao na kapag may naisip, maganda man o pangit ay sinasabi. Walang pakialam sa nararamdaman ng kausap.
“Alam mo iwan muna iyang asawa mong manyak. Eh kung ituring ka naman noon ay parang parausan. Ano bang tingin niya sayo? Baboy? Helow madami jang iba”.
Minsan nagiging judgmental na.
“Gwapo sana kaso feeling ko bading”.
Minsan nagiging bastos na.
“Eh Putang-ina naman eh, alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan? Lumayas kana. Pwede?”
Paano kong dumating ang panahon na sakanya naman mangyari ang mga bagay na dati sa iba lang niya nakikitang nangyayari?
Makapag-isip din kaya siya ng tama?
PS:
Hindi ito pwede sa mga batang readers.
Enjoy reading po…
BINABASA MO ANG
Teyang: Ang Dakilang Balahura
Short StorySi Teyang ay isang simpleng babae na walang ibang hilig kung hindi ang makialam sa buhay ng ibang tao. Paano kong dumating ang panahon na sakanya naman mangyari ang mga bagay na dati sa iba lang niya nakikitang nangyayari? Makapag-isip din kaya siya...