♥ EPILOGUE ♥
…
After a couple of years,
Naikasal na kami ni Sean. Sobrang saya ko ng araw na iyon dahil ikinasal na ako sa pinakamamahal ko.
First boyfriend ko na naging asawa ko. Sino bang makakapagsabi na ang isang tulad ko ay ikakasal din?
Masarap sa pakiramdam na may taong magmamahal sayo.
*FLASHBACK*
Araw ng kasal namin ngayon ni Sean. Nasa kotse pa lang ako kasama ko si Bibe.
Siya ang kasama ko sa lahat ng oras hanggang ngayon sa kasal ko siya din. Wala akong ibang pamilya para sumama sa akin sa altar. Kaya naman si Madam Pegsina siyang tumulong sakin. Siya ang maghahatid sa akin sa altar. Kasama ang asawa niya.
Malaki ang utang na loob ko sa kanila.
Dahil may iaayos pa daw doon. Nanatili muna kami ni Bibe sa loob ng sasakyan.
Kung tatanungin niyo ang nangyari sakanila ng asawa niya?
Naghiwalay na sila pero ngayon iyong asawa niya ginagawa ang lahat makabawi lang sa kanila.
Nakakatuwa na may pag-asa pa palang magbago iyong ugok na iyon. Pero salamat naman at hindi na bulag ang kaibigan ko.
Masaya akong kahit papaano pinapahalagahan na niya ang sarili niya.
Mahal koi tong kaibigan ko kaya ayaw ko siyang makitang nahihirapan.
“Friend tignan mo ang gwapo oh”
“Asan?”
“Ayon oh”
Tinignan ko naman ang tiniuro niya.
“Sus, gwapo, mukhang bakla. Mas gwapo pa din ang ever dear Sean ko”
“Ayon ikakasal lang feeling na napakagwapo sa lahat ng asawa niya”
“Manahimik ka nga diyan”
“Mam okay na po” biglang singit ng organizer.
Napakasimple lang ng kasal namin pero sapat na iyon para maging super happy ng araw na ito.
Paglabas ko sa kotse. Nag-umpisa na ang mga tambol sa puso ko. Ganoon pala talaga noh pag ikaw na ang kinakasal.
Dati sa t.v ko lang ito napapanuod. Iyong iba umiiyak pa akala ko arte lang nila iyon.
Bumukas ang pinto ang ganda ng simbahan.
Nakita ko din ang lalaking pinakamamahal ko.
Nag-umpisa ng tumulo ng mga luha ko.
Hindi ko ito mapigil. Kusa lang itong bumabagsak.
“Ano ba yan kasal natin ito pero iyak ka ng iyak jan”
“nakakainis ka”
“mahal na mahal kita Teyang ko, ang aking Balahura”
“Mahal na mahal din kita”
Hanggang sa ayon natapos ang seremonya.
Umiiyak ako.
Buti na lang maganda ang make-up na ginamit ko at hindi ito agad naaalis.
*END OF FLASHBACK*
“Ahhhhhhhhhhh”
“Honey bakit?” social ang tawagan namin. Honey.
“Ahhhh… manganganak na ata ako”
“Wait lang muna. Tatawag ako ng tricycle”
“Punyeta bilisan mo”
Baby wait lang talaga.
….
At the Hospital
“Congratulations it’s a Girl”
“Honey…. Thank you…
“Hindi honey ako ang dapat magthank you. For accepting me, I love you….”
“I love you too”
“Honey, pahinga ka muna jan”
Narinig ko pang sabi niya.
At saka ako nawalan ng malay. Naubos dahil sa panganganak.
-The end-
A/N:
Thanks for reading my story. Maraming salamat po.
Sana po support niyo din ang mga iba ko pang story.
Mahal ko kayo…
BINABASA MO ANG
Teyang: Ang Dakilang Balahura
Short StorySi Teyang ay isang simpleng babae na walang ibang hilig kung hindi ang makialam sa buhay ng ibang tao. Paano kong dumating ang panahon na sakanya naman mangyari ang mga bagay na dati sa iba lang niya nakikitang nangyayari? Makapag-isip din kaya siya...