Chapter 3: Good Job Teyang, More bwisit pa!

248 8 1
                                    

CHAPTER 3

Teyang’s POV

Pagkadaan ko kay Bibe dumiretso na agad kami sa trabaho.

“Wow Teyang ganadong-ganado ah”. Pang-aasar sakin ni Bibe.

“Ganoon talaga.”

“Bili na mga suki!!”

“Dito oh pasubok”

“Okey suki, harap ka lang sa monitor namin”

“Taray naman, monitor talaga ang ginamit mong salita”

“Oo naman…”

Paulit-ulit lang mga lintyada namin.

Araw-araw kaming ganito. Iniisip ko noon na maghanap ng ibang trabaho pero wala akong mahanap dahil higschool lang ang natapos ko eh. Anong trabaho ang ibibigay sakin?

Nabubuhay kami sa 1, 500 na sahod kada lingo. Minsan pa babawasan ka pa dahil wala kaming tinda. Kaya naman kailangan namin gumawa nga paraan para makapagbenta.

Mahirap at nakakapagod tapos minsan wala pang bibili sayo.

Madalas din kaming pagalitan ng amo namin. Pero wala naman kaming magawa. Eh sa walang gustong bumili. Naaawa na din ako sa kaibigan ko. Buntis siya pero siya pa din ang kumakayod sa pamilya niya. Inisip ko lang kung hindi niya ko kasama malamang laging wala itong benta. Kailangang-kailangan pa naman niya ng pera dahil sa mga anak niya.

Iyong asawa niya kasi na ubod ng sipag na masarap ingudngod sa kumukulong mantika. Ay walang planong magtrabaho.

Puro paasa lang ang ginawa niya sa asawa niya.

Matapos naming magbenta ay naisipan ko siyang tanungin.

“Bibe, ano nang pala ang plano mo sa buhay?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Plano? Hindi mo alam? Pag sinabi nating plano ibig sabihin plan meaning iyong pwede mong Makita sa future…”

“Alam ko, feeling naman nito tanga ako?”

“Ay hindi ba?”

“Hoy sobra ka naman”

“Bibe kasi lumalaki din ang mga anak mo, hindi iyan istatwa na kapag iniluwa mong ganyan hanggang sunod na araw ay ganyan pa din”.

“Naiintindihan ko naman ang gusto mong sabihin”

“Ano bang plano niyang magaling mong asawa?”

“Hindi ko alam”. Nag-uumpisa na siyang umiyak. Ganito kami lagi kapag pinag-uusapan ang pamilya niya. Sobrang naaawa ako sa lagay niya pero wala naman akong magawa. Kailangan niyang harapin itong buhay na pinasok niya. Masakit, mahirap pero eto talaga iyon eh.

Consequence ng buhay na pinili niya.

“Alam mo iwan muna iyang asawa mong manyak. Eh kung ituring ka naman noon ay parang parausan. Ano bang tingin niya sayo? Baboy? Helow madami jang iba”.

“Anong gagawin ko may mga anak ako”

“Exactly kaya mo ito gagawin dahil sakanila”.

“Hindi ko kaya”

“Ay gurl, walang award sa pagiging martir, pero libingan meron”

Hindi na siya sumagot pa nanatili lang siyang tahimik.

“Hindi ko naman sinasabi ito dahil wala lang gusto ko matuto ka gurl, matuto kang lumaban para sa mga anak mo. Magkano lang kinikita mo dito, hihingiin pa ng asawa mong lasenggo? Buti sana kong binibili niya ng pagkain para sa mga anak niyo, hindi eh alak, bibe alak ang binibili niya sa pera mo”. Halos hingal kong sabi.

Teyang: Ang Dakilang BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon