Chapter 1: Steven Seagal

394 10 6
                                    

CHAPTER 1

Teyang’s POV

 

“Good morning Philippines and helow world”. Masiglang bati ko sa lahat ng kaborders ko.

“Punyeta naman teyang ang aga-aga”. Maka punyeta buong angkan.

“Wow kakababa ko lang galing ng higaan punyeta mo agad ang narinig ko Yan-yan”

“Anak ng tosha naman, sa ingay mong iyan kahit kapitbahay nagising ang diwa”.

“Haynakuh iintindihin na lang kita dahil wala kang lovelife”.

“Wow bigword. Nagsalita ang may lovelife”

“And so???”

“Basta inspired ako”.

“Kanino sa crush mong abot hanggang langit ang pagitan niyo sa isa’t-isa?”

“wow as in wow”

“Ewan sayo Yan-yan, palibhasa bitter ocampo ka”

“Lumayas kana nga ng manahimik naman ang bahay. Bitter? At bakit naman ako magiging bitter?”.

“Whatever”.

Bumalik na ko sa kwarto upang magbihis. At saka tuluyan ng umalis.

Naglakad na ko papunta sa bestfriend ko. Lagi ko iyong dinadaanan bago pumasok sa trabaho. May pasundo effect kala mo prinsesa.

Teka hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sainyo.

Ako nga pala si Tiffany. Ang magandang si Tiffany. Pero tawag nila sakin ay Teyang. 20 years old. Nag-iisa sa buhay wala na kong magulang. Noong ipinanganak kasi ako nag-away mga kamag-anak namin ng dahil sa lupa. Ayon nagsaksakan. Nakisali. Ayon patay silang dalawa.

Namatay na sila at nag-iisang anak lang naman ako. Wala ng gustong tumanggap na kamag-anak sakin kaya naman ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. Palamunin daw kasi ako. Kaya sa murang edad nagtrabaho na ko.

Naglalakad ako ng bigla akong may nakitang 500 pesos sa daan.

“Uy Steven Seagal”. Kinuha ko iyon at itinaas, sinusuri kung baga baka peke.

Tapos bigla…

“Anak ng kutong lupa!!!” naisigaw ko. Dahil nawala ang pera sa kamay ko.

“Tignan mo nga naman kapag sinuswerte”.

“Hoy, Damulag akin na iyan”. Iyon ang pangalan niya dahil malaking tao siya.

“At bakit ko naman ibibigay sayo?”

“Dahil… dahil kapag ako nagalit…”

“Anong gagawin mo naman?”

“Sasabihin ko lang naman sa nililigawan mo na ubod ng chaka na nakita kitang iniipon sa isang papel iyang mga nosecake mo na galing sa ilong mo at saka kinakain”.

“A-as if naman maniniwala siya”

“Oh yeah, I have your video here”

“Ano?”

“Oo gusto mo bang makita?”

Kinuha ko ang cp ko at saka ko pinindot para magplay.

(0__0)

Halos lumuwa ang mata niya.

“Hep-hep… kung binabalak mong burahin iyan. Huwag na lang. Nakasave na iyan sa account ko sa fb. Naka-hide lang at kapag ginalit mo pa ko malalaman ng lahat sekreto mo”

“Oh hindi ko naman talaga kailangan niyan eh” sabay abot ng pera sa akin.

Kala ko matalino bobo din pala at medaling magoyo.

“Sa susunod kikilalanin mo kalaban mo ha”

Tumalikod na siya at saka nagmamadaling umalis.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagkaroon ng video niya.

Actually sa kaibigan ko iyon galing na nakuha din niya sa isa pa niyang kaibigan na nanggaling pa sa isa pang kaibigan niya. In short kalat na talaga iyon. Noseking nga ang tawag sakanya. Pero dahil bully siya. Napagdisisyunan naming itago iyon para may panlaban kami.

Nagpatuloy na ko sa paglalakad, ang saya lang dahil may 500 pesos ako.

Sobrang nandiri talaga ako noong nakita ko siya noon. Hindi ko akalaing may nilikha ang diyos na ganyan kapangit ang taste sa pagkain.

Seriously???

Nosecake???

Taghirap na ba siya?

Wala ng katok-katok pumasok na agad ako.

“Bibe nasan kana?”. Tama kayo Bibe ang name ng bestfriend ko. Short for Sabeth. Oh di ba ang lapit ng name.

“Parang palengke lang makasigaw”

“Dalian mo na huwag ka ng magreklamo”

“Eto na nga di ba?”

Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto.

Maayos naman sana pero…

“Alam mo kung ginawa mong sky blue ang kulay mas magiging relaxing siguro ang kwarto mo”.

“Nangialam ka nanaman eh white ang gusto ko bakit ba??”

“Eh bakit din ba gusto kong magsuggest eh. Tsaka maniwala ka sa expert”.

“Sabagay wala ka nga palang bahay na pwede mong laitin”

“Kung magkakabahay man ako. Sisiguraduhing kulay asul ang pintura”.

“Bakit ba blue?”

“Wapakels, dalian muna”

Lumabas na ko ng bahay. Dahil alam kong patapos na din naman siya eh.

“Uso maghintay”

“Ah talaga bakit hindi ko nabalitaan?’

“Basa-basa din”

“Basa-basa??? Pwede namang sabihin na lang”

“Tamad mo”

“Tamad agad?”

“Ay leche!!!”

Ayon mas nauna pa siyang maglakad sakin.

Pagkarating namin sa trabaho ay nag-umpisa na agad kami sa pagtatrabaho.

ITUTULOY…

PS: Paunang tikim…

Enjoy reading po…

Please Vote and comment po…

Thank you…

Teyang: Ang Dakilang BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon