A/N: Don’t forget to vote, to comments and to share.
Maraming salamat po.
♥ CHAPTER 6 ♥
Teyang’s POV
Gumising ako kinabukasan na parang walang nangyari. That’s me Teyang, kahit nasasaktan hindi ito nalalaman ng ibang tao.
Ayaw ko na kasi ng kinakaawaan ako.
Naligo ako at bumaba na para kumain.
“Oh, look who’s here??? Ang babaeng niloko na ng lahat”
“Wow, kasama ka ba doon sa mga nanloko sakin?”
“Sira, ayon kasi iyong sinisigaw mo kahapon, panalo si bakla sa drama”
“Pwede ba yan-yan waaaaaaalaaaaaa akong panahon sa pang-aasar mo”
“Teyang, hindi kita inaasar gusto ko lang mamulat ka sa katotohanan”
“Matagal na akong mulat….”
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglang magsalita si Yan-yan.
“Oo, alam kong mulat kana sa katotohanan pero may isang bagay kang hindi pa din natututunan sa kabila ng lahat ng mga nangyayari sayo”
Hindi ako nakasagot pero nakinig lang ako. Tumayo siya at humarap sa bintana.
(0____________________0)
Ang taray moment?
“Hoy anong drama ito?”
Tapos bigla siyang humarap…
Aba matindi dahil may mga luhang kunwaring tumutulo.
Ganoon kabilis???
Hindi ko naman siya pinaiyak ah.
Paano naman niya nagawa iyon…
“Yan-yan…..”
“Shhhhhhhhhhhhh…..”
Tapos dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Tinitigan ko ang mga mata niya.
Bwisit talaga itong babaeng ito. Kaartehan.
“Ano nanamang kaartehan yan?”
“Shhhhhhhhhhhh…..”
Tuloy pa din siya sa paglapit sa akin. Ano bang plano niya?
“Alam mo Teyang ang mahirap sayo magaling kang magsalta at mag advise sa ibag tao pero hirap na hirap kang iapply sa sarili mo”. Pag-uumpisa niya hindi ko pa din maintindahan ang pinupunto niya.
Ano ba talagang gusto niyang mangyari?
“Magaling ang mamuna ng mga mali ng iba pero sarili mong pagkakamali hindi mo naiisip. Teyang ilang bese humingi ng chance si pogi para magpaliwanag pero ni isang beses hindi mo man lang nakuhang pakinggan”
So ayon pala ang pinupoint niya.
“Matuto kang makinig sa paliwanag ng ibang tao Teyang… nong nakausap namin ni Bibe si pogi. Ramdam ko. Ramdam namin. Believe me Teyang pag narinig moa ng kwento niya it will help”
Tumayo na ko para umalis.
“Teyang pag isipan mo”
Tumango lang ako sakanya bilang tugon.
![](https://img.wattpad.com/cover/21921563-288-k574017.jpg)
BINABASA MO ANG
Teyang: Ang Dakilang Balahura
Short StorySi Teyang ay isang simpleng babae na walang ibang hilig kung hindi ang makialam sa buhay ng ibang tao. Paano kong dumating ang panahon na sakanya naman mangyari ang mga bagay na dati sa iba lang niya nakikitang nangyayari? Makapag-isip din kaya siya...