♥ CHAPTER 4 ♥
Charing’s POV
“Ano bang plano mo Charing?”
Kasama ko ngayon sa kwarto ang dalawa kong bestfriend si Naya at Neriah. Sila ang lagi kong kasama sa mga oras na down ako. Identical twins sila. Buti na lang may balat na maliit si Naya sa mukha kung hindi mahihirapan ka talagang makilala kung sino s Naya at Neriah
Napakabait nitong dalawang ito.
“Simple lang ang plano ko Naya, ang makaganti kay Teyang. Masyado na siyang nagiging pakialamero. Nawala tuloy ang alas kong si Damulag. Kahit pangit iyon napapakinabangan ko din naman”.
“So nakakairita na talaga iyan siya. kami nga din noon ng kakambal ko ay muntik ng mag-away dahil sakanya”. Naging kaibigan din kasi ni Teyang itong si Neriah noon.
Ang hindi niya alam ay may kakambal ito. Dahil na din sa maldita si Neriah pinagtripan nilang dalawa ito.
Pero sadyang matalino itong si Teyang dahil nagawa niyang baliktarin lahat. Iyong trip na dapat sakanya, bumalik doon sa dalawa. Nagawa niyang pag-awayin ang mga ito. Lahat ng secret nasabi niya.
Kaya ngayon “it’s time to revenge” kailngan kong makaganti, mali kailangan naming makaganti sakanya sa lahat ng ginwa niya. Lalo na sakin. Iyong T. hindi ko lubos maisip na mangyayari sakin iyon.
“So What’s the plan?” maarteng sabi ni Neriah.
Ngumiti ako sakanila at saka ko dinitalye ang mga gagawin nila.
Teyang’s POV
I’m so exoited.
You know why?
Kasi magkikita kami ng textmate/Chatmate ko. After a year, magkikita din kami. Ang totoo niyan nagkikita din naman kami kaso sa skype lang. medyo malayo kasi iyong lugar niya at my work siya.
Lahat ng tungkol sa buhay ko nasabi ko na sakanya. Wala akong nilihim kasi ang gusto ko. Kapg nagkita kami kung magkagustuhan man talaga di ba?
Boom kasal!
Ang name pala niya ay Sean Andrei.
Hahahaha advance ba masyado? Okey lang iyon doon din naman mapupunta iyon eh di ba?
Papunta na ako ngayon sa mall. Umabsent muna ako. Syempre minsan lang ito diba? Mabuti na nga lang at mabait si madam at pinayagan niya ako kung hindi nga-nga.
Kinakabahan ako. Ganito ba talaga iyong pakiramdam ng makikipagmeet?
Parang gustong tumalon ng puso ko. Ang totoo niyan, sa one year na naging textmate ko siya feeling ko botfriend ko na siya. the way he cares for me, feeling napakahaba ng hair ko. Knowing na gwapo talaga siya.
Iyong sinasabi kong inspired? Siya iyong dahilan noon. Siya iyong dahilan bakit gusto kong gumising sa umaga. Bakit ganadao akong kumilos, na kahit ganito ang nangyari sa buhay ko, may maganda pa din pa lang mangyayari sa akin.
Masasabi kong hindi naman pala ako ganoon kamalas.
Ang sabi niya magkikita daw kami sa may Jollibee kaya umupo muna ako doon. May kasama daw siyang gusto niyang ipakilala sakin.
Teka hindi ko man lang tinignan muna iyong mukha ko baka may dumi. Nakuh bawas ganda points.
Pumila muna ko saglit sa may c.r. grabe noh tila PBB c rang pila.
BINABASA MO ANG
Teyang: Ang Dakilang Balahura
Storie breviSi Teyang ay isang simpleng babae na walang ibang hilig kung hindi ang makialam sa buhay ng ibang tao. Paano kong dumating ang panahon na sakanya naman mangyari ang mga bagay na dati sa iba lang niya nakikitang nangyayari? Makapag-isip din kaya siya...