Chapter 5: Flashback

161 5 0
                                    

CHAPTER 5

Charing’s POV

“hahahahaha”

“Grabe ito pa oh, tignan niyo”- Naya

“Believe na ba kayo sakin?”

“Grabe ang tindi. Nakita niyo ba iyong mukha ni Teyang?”

Naalala ko tuloy ang mga nangyari bago iyon.

*Flashback*

 

Nakita ko noon si Teyang na busy sa kakatext.nakaupo kami sa may tambayan.

“Hoy Teyang!”

“Charing wala akong time para sayo pwede?”

“Ano bang nginingiti mo jan, mukha kang tanga jan”

“Pwede ba? Mind your own monkey business”.

Tumalikod na siya.

Parang may tumatawag.

“Hello”

Syempre dahil interesado akong malaman kong ano ang pinagkakaabalahan niya. Lumapit ako ng kaunti sakanya. At kunwari nilagay ang headset sa tenga.

“Ano may nilagay ka sa wall ko?”

Ah so sa FB pala.

“Hmmm… kikiligin ba ko jan?”

Ang landi kala mo bagay.

“Sige mamaya magfb ako, wala pa ako sa bahay eh”

“Oo na sige pauwi na ko. Bye”

Tumingin pa  siya sa akin. Kaya naman kunwari kumanta ako.

“Itanong mo sa akin, tatanungin ko din kung ika’y aamin…”

“Hoy Charing”

“Yessss????”

“Tigilan mop ag kanta uulan na oh” sabi niya sabay turo sa langit.”

“Aba at ang kapal mo oh”.

Umalis na siya bago pa ako makapareact ulit.

“Peste ka talaga Teyang”

Ang sabi niya kanina may nagpost daw sa wall niya.

Matignan nga. Tamang-tama friend kami kahit hindi naman talaga.

May load nga pala ako. Pwede akong magnet.

Automatoc pala ito.

Tinignan komuna ang wall ko. Ah madaming notif, grabe sa sobrang dami walang magawa sa wall ko.

Wala man lang pumapansin sa wall ko. Grbe ha.

Sinearch ko ang wall ni Teyang.

Wow siya na ang madaming friend. Daming nagpopost sa wall niya.

Puro lalaki ha.

Pero ni isa wala siyang pinapansin.

 

Scroll down…

 

Scroll down….

Teyang: Ang Dakilang BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon