Natasha's POV
Speechless. Yun lang naging reaction ko sa gustong mangyari ng Great Terrence. He wanted me to his girlfriend? aish, nakakailang strike ka na sakin Fuentes, pero bakit ganun, di naman tumataas ang temper, and its ODD you know.
Nakikita ko nalang ang sarili ko na naglalakad pabalik ng school. Napansin ko ring nagtaka ang guard dahil nga galing ako sa parking lot, pero nag excuse naman ako na may kinuha ako sa kotse kaya ayun,pinapasok ako ulit.
Bakit ganito? aish, I hate this feeling na may gumugulo sa akin, first day of classes at eto, gulo na naman, but not the big trouble I've always handled in the Mafia world. Pambihira nga naman.
Umakyat na ako at nadaanan ko ang room ni Josh. at ayun, marami na siyang circle of friends. ewan ko ba dito at bakit pa pumayag sa gusto ni daddy na samahan ako na I can handle things naman. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko kaya ayun, nakarating na ako sa classroom.
Parang terror ang teacher na to ah.
"Miss Suarez, tama ba ako?"
"ah, yes Maam"
"Your 45 minutes late"
"Sorry Maam"
"I don't want this to happen again"
Tumungo na ako sa upuan ko at umupo, at ayun, nakaramdam naman ako ng pagkarelax kaya nakinig ako sa clase.
seriously? ganito pala ang lessons sa high school, eh nadaanan ko na to sa home schooling ko eh. Paulit ulit nga naman.
Nagbigay si maam ng seatwork, and luckily, individual naman. ay teka muna, may gagawin pa pala akong seatwork, yung kanina sa Math, aish. I will kill you Terrence pag nahirapan ako rito.
"Mr. Fuentes, your too early for the next period"
NIlingon ko siya at ayun, mukhang malungkot, ano naman kaya nangyari dun?
di niya pinansin si maam at umupo na sa kanyang upuan, sa tabi ko.
Tiningnan ko siya at parang may sakit siya, pero di ko na pinansin yun. Kinuha ko nalang ang seatwork, at shocks, mahirap to, wala akong maintindihan. Di ko na napigilan sarili ko at tinanong ko na siya.
"Uhm, Terrence, may notes ka ba nito?"
"Wala" ang tipid lang sumagot.
"Eh, paano ko ba sasagutan to?"
Napalingon na siya and stared me blankly. Ano ba problema nito? May mali ba sa tanong ko? Lumingon naman ito agad sa harap at nakinig nalang kay maam. Seryoso ba siya? dededmahin niya ako?
"Uy, Terrence, paano ba to? Manghiram ka nalang ng notes sa kaklase mo, mahirap to eh"
"Ayoko"
"sige na, baka ma zero tayo eh"
Nagulat naman ako sa susunod na hakbang niya. Tumayo siya at medyo tumaas ang boses niya, medyo lang naman.
"Pwde ba, tumahimik ka muna!"
Nakatoon ang atensyon sa amin , kase nga tumaas ang boses niya , kaya ayun, parang galit si maam.
"Kayong dalawa, sa detention room, NOW!"
aish, kakaopen pa lang ng clase pero ganito na agad ang mga nangyayari. Naunang naglakad si Terrence at nakikita ko na rin ang sarili ko na sumusunod sa kanya. Wala akong magawa dahil na rin bago pa lang ako rito at hindi ko pa kabisado ang skwelahang ito.
Naglakad lang kaming dalawa sa hallway , at natatanaw ko na rin sa di kalayuan ang detention room. Pumasok na siya at eto na naman ako, nakasunod sa kanya.
Umupo siya sa isang sulok, at ako naman sa kabilang sulok. Pero di pa rin ako mapakali eh, inaalala ko pa rin ang seatwork kaya di na ako nag dalawang isip tanungin ulit siya.
"uy, Terrence, yung seatwork natin"
"Hanggang dito ba naman Suarez? aish, pambihira ka rin no?"
"Eh bakit ka nagagalit? inaalala ko lang naman ang grades natin sa math, paano kung mabagsak tayo"
"Pwde ba, tumahimik ka muna"
Itong taong to, sobrang sungit. Eh nagtatanong lang naman ako eh. Bahala na nga siya.
Ilang saglit lang at nawala na ang power supply. Uso pala yun dito? This is not good, eh kaming dalawa lang ni Terrence dito eh, paano ko ba imamanage yun?
May naramdaman akong may lumapit sakin, siyempre naman, hindi ko siya makikita dahil ang dilim, pero ang bango niya, amoy na amoy ko ang pabangong imported mula sa katawan niya.
"N-Natasha? I-ikaw ba yan?
Anak ng. Terrence? E bakit siya lumapit sa akin? Anong trip nito.
"Teka nga Terrence , ano ba ginagawa mo? Db kanina lang andun ka sa dulo? Bakit andito ka na ngayon?"
"Eh sa g-gusto ko tumabi eh, bawal ba?"
"Aish, kalokohan. Teka nga, bakit ka nanginginig?"
"Eh ang lamig lamig kaya!"
"Anong malamig? Mainit nga eh, tingnan mo oh, wala ngang power supply, tsaka umusog ka nga, ang lapit lapit mo na sa akin eh"
"eh- G-gusto ko dito eh!"
"Teka nga Terrence, takot ka ba sa dilim? hahahahaha"
Sobra tawa ko nun, kalalaking tao pero takot sa dilim? hahaha ..Terrence naman oh, lakas mangtrip.
"A-anong takot? A-ano ba sinasabi mo?"
"hahahaha, aminin mo na kase, takot ka, hahahah" sumasakit na tiyan ko sa kakatawa, at ayun na nga, halos maiyak na ako rito kakatawa eh.
"Uy, terrence, bakit di ka makasagot?" Natatawa pa rin ako kahit ang seryoso na ng tanong ko. Pero teka nga, nanatiling tahimik lang sa Terrence sa tabi ko eh, ano na kaya nangyari dito?"
"Terrence?"
"Wag ka nga mang-istorbo, natutulog ako eh."
Natutulog? sa ganitong postura? ang hirap kaya nun.
"Seryoso ka ? Hindi ba sasakit likod mo?"
"Hindi"
"Ahh"
Hindi na siya sumagot at malamang tulog na. Pero nakakatawa pa rin eh, ang Terrence na hinahabol ng lahat, eh takot sa dilim? Paano ba yun nangyari?
Napapansin kong tahimik naman ang paligid at madilim, dahil nga walang kuryente. Di ko na rin namalayan na nakatulog na ako dahil dinalaw na rin ako ng antok.
Terrence' POV
Nagising ako dahil na rin nilalamig na ako sa atmosphere sa loob ng detention room. Tanda ko pa rin kase ang nangyari kanina, namatay bigla ang ilaw, kaya ayun, tumabi ako kay Natasha, dahil wala na akong choice. Oo, inaamin ko na , takot ako sa dilim, nakakahiya mang sabihin pero nagsimula lahat ng yun nung bata pa ako, kaya hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang takot ko sa dilim.
Nag inat-inat na ako nang mapansin kong nakahiga si Natasha sa lap ko. Ang himbing nga ng tulog, sarap picturan, pero di ko na ginawa. Pinagmasdan ko lang siya. Ang kinis lang. Hoho. Joke, baka sabihin niyong pervert ako.
Aaminin kong maganda nga tong si Natasha Suarez. Naks naman, kelan pa ako ng describe ng ganun sa babae?
Parang anghel ngang natutulog to eh, ang bait bait tingnan, wag mo na nga lang gisingin, ang lakas makasigaw ng babaeng to.
Mahimbing pa rin ang pagkakatulog niya nang mapansin kong gumalaw ang door knob, may papasok kaya?
BINABASA MO ANG
RED Butterfly ( Slow Update )
Подростковая литератураHot, Smart, Beautiful, Every woman could wish for…She got it all Kung nagsabog ang diyos ng kagandahan, katalinuhan at karangyaan sa mundo, Walang duda, nasalo na niya lahat. Ano pa ba ang mahihiling ng isang NATASHA ARLYN SUAREZ? Pero sa isang part...