A/N : nakakalungkot naman, wala pa ako masyadong reads pero okay na rin yun, atleast merong nagbabasa ng book na ito :) Chapter 7 na po, I'll post another photo ng mga characters ko in a bit. Stay tuned :D
-Matsuda18
********************************
Craig's POV
Carlton University is not that bad. Marahil nga ay napapabilang sa pinakamayaman sa buong pilipinas ang may ari ng school na ito eh. And this school is twice as beautiful kesa sa Johnson Academy.
I'm Craig Nelson Jones. Ang gamit kong name ngayon sa school na ito ay Craig Nelson Dominggo. Inayos ni daddy lahat para hindi mapaghahalataan ang apelyidong jones dahil nga kaaway namin ang Cheng Su na kinabibilangan ni Josh at Natasha.
Dad decided na dito na ako mag-aral para mas lalo kong mabantayan ang kinikilos ng Deadliest assassin, Natasha Arlyn Suarez a.k.a Red Butterfly.
7:30 pa lang ay andito na ako school with my Red Jaguar. Napapansin kong nakatingin nga rin ang ilan sa mga estudyabte dahil na rin siguro sa wheels ko, and who cares about it.
Pumunta na ako ng Registrar para kunin ang sched ko. Section 40. Umakyat na ako sa fourth floor at ayun na nga ang room ko.
SECTION 40. ROOSEVELT
Surnames ng mga naging presidente ng america. Not that bad. Tumungo na ako sa aking upuan at naghintay sa aming teacher.
"Good Morning Class"
Siya na nga siguro ang adviser.
"Balita ko may transferee tayo, Mr. Craig Nelson Dominggo?"
I raised my hand so she can recognize me. I had my brief introduction and returned to my seat. For the fact na first day of class ay naglecture na si maam, its quite weird. Medyo nabored ako at nagugutom kaya lumabas nalang ako.
Naglakad lakad ako nang may nabangga akong babae.
"Aray, ano ba, tumingin ka naman sa dinaanan mo"
Swerte naman at si Natasha Suarez ang nakabangga ko.
"Sorry Miss, tulungan na kita"
"Salamat nalang"
"Hmmm, naliligaw ka ba?"
Siguro, di ko na alam kung saan ako pupunta eh. Gusto ko sana magcanteen para kumain."
"Mag cacanteen rin ako eh, gusto mo sabay na tayo?"
"O-okay"
And that explains all, nagkasabay kami ni Natasha papuntang canteen kase pareho kami ng goal. Nagpakilala ako at siya na rin. Nalag alaman ko ring Section 47 siya at kalinya lang ang classrooms ng lahat ng fourth year. Mapapadali rin yata ang lahat sa akin.
Maya't maya ay tumatawag na rin si Cindy, ang girlfriend ko. Hindi ko naman maaaring patayin kaya kailangan ko muna maiwan saglit si Natasha. Nameet ko rin si Terrence Carlton Fuentes, balita ko rin na anak siya sa isa sa mga may ari ng school, at napag alaman ko rin na seatmate niya si Natasha. May kakaiba sa Terrence na to, pero di ko na masyadong inisip yun. Pangalawang beses tumatawag si Cindy kaya ayun, dalawang beses ko na rin naiiwan si Natasha sa Canteen. Napatagal ang pag uusap namin kaya hindi ko na naabutan si Natasha sa canteen. Umakyat nalang ako sa room dahil next subject na at baka malate pa ako.
Terrence' POV
Kakaopen pa lang ng clase, pero eto na, may seatwork na agad, By Pair pa. Lintek. Saan na ba ang Suarez na yun? Paano ko to masasagutan eh hindi ako nakikinig sa pinagsasabi ng teacher dito eh.

BINABASA MO ANG
RED Butterfly ( Slow Update )
Novela JuvenilHot, Smart, Beautiful, Every woman could wish for…She got it all Kung nagsabog ang diyos ng kagandahan, katalinuhan at karangyaan sa mundo, Walang duda, nasalo na niya lahat. Ano pa ba ang mahihiling ng isang NATASHA ARLYN SUAREZ? Pero sa isang part...