A/N : Hey people, chapter 8 is here. Enjoy :D
-Matsuda18
****************************************************************************************
Terrence' POV
Mahinahong bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang tagabantay ng Detention room. Nabigla naman to sa ayos namin ni Natasha at napatikhim lang ito.
"Tapos na ang detention time niyo, maaari na kayong umalis"
"Okay , sige."
Igagalaw ko na sana ang paa ko na may bumungad na naman na isang lalaki. Di ko naman siya kilala kaya imposibleng ako ang pinuntahan niya kaya napatingin ako sa babaeng natutulog sa aking paanan. Mahimbing lang talaga siyang natutulog kaya nagdadalawang isip akong gisingin siya.
Lumapit ang misteryosong lalaki at sinundot ang mukha ni Natasha habang natutulog. Anak ng, alam niya ba ang ugali ng babaeng to? eh ang sungit sungit nito eh. Di ko na rin namamalayan na tumingin siya sa akin. Blank stare. Pakialam ko naman sa kanya.
"Ako na ang bahala sa kanya, maaari ka nang umalis" - Guy
We had an eye to eye contact and I think he knows Natasha so Iet him carry Natasha, tulog mantika rin ang babaeng to dahil hindi pa rin nagigising kahit binuhat na siya. Di ko naman napigilan ang sarili ko at nagtanong na ako ng mga bagay na hindi ko inaasahan.
"Sandali "
Huminto naman nito at tila handang makinig sa sasabihin ko.
"Kilala mo ba siya?"
Namuo ang katahimikan sa lugar dahil na rin umalis naman ang tagabantay ng detention room kaya kaming tatlo nalang ang naiwan sa room.
"Bubuhatin ko ba siya kung hindi?" Malamig ang boses niya nang sinabi niya ito. Di ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba, eh ano ba yun? Aish.
"Ah, Okay" Yun nalang ang nasabi ko at naiwan nalang ako mag-isa sa room. Di ko alam pero kinuyom ko nalang bigla ang mga kamao ko. Bakit kaya? Anong nangyayari sa akin? Bakit ako nakaramdam ng galit nang buhatin niya si Natasha? Weird and a creepy feeling.
Josh' POV
Uwian na at sabik na talaga ako makauwi. Inayos ko na ang mga gamit ko at lalabas na nang biglang hinarangan ako ng mga babaeng classmates ko.
"Hi, ako si Claire"
"Ako naman si Mia"
"Anna here"
"Pwde ba namin mahingi number mo?"
The high school thing. This girls. Young girls nga naman. Alam ko namang gwapo ako pero bakit ganito? Nakakataas ng confidence. hihihi. Dahil nga nagmamadali ako, sinabi ko nalang na I had an emergency kaya ayun, bagsak ang balikat ng mga batang to. hays, cute little girls.
Anyway, nakalabas na ako ng room at susunduin na si Natasha. Tama , Section 47 nga pala siya at nakalinya lang ang mga section namin.
Hinintay ko siya sa labas ng room niya pero lumipas na ang 20 minutes ay hindi pa rin ito lumalabas. Nagtanong na lang ako sa kaklase nito kung nasaan siya.
"Si Natasha? Yung New student? Nasa detention room sila, kasama si Terrence"
Terrence? who's this guy naman? Naku naman Nat, kakabukas pa lang ng clas eh nagbubulakbol ka na.
Tinungo ko ang daan patungong Detention room at sakto namang nakita ko ang tagabantay. Nagtanong muna ako para masigurong si Nat nga ang nasa loob at yung Terrence nga ang kasama nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/21515231-288-k16406.jpg)
BINABASA MO ANG
RED Butterfly ( Slow Update )
JugendliteraturHot, Smart, Beautiful, Every woman could wish for…She got it all Kung nagsabog ang diyos ng kagandahan, katalinuhan at karangyaan sa mundo, Walang duda, nasalo na niya lahat. Ano pa ba ang mahihiling ng isang NATASHA ARLYN SUAREZ? Pero sa isang part...