Chapter 4

20 0 0
                                    

A/N : Hello po, :) natutuwa lang po ako kase merong nagbabasa ng story ko, and its overwhelming naman. :D

P.S. May idadagdag po ako na character, abangan nalang po kung sino siya :D 

Eto na po ang chapter 4 , enjoy :)

-Matsuda18

******************************

Natasha's POV

Kakarating ko lang ng bahay galing sa bar na pinuntahan ko. Hindi ko naman kase aakalaing may night life pala ang Jones na yun, eh sa tanda niyang yun, may gana pa kaya magliliwaliw ang mokong na yun.

Medyo naparami rin ang inom ko kaya medyo natamaan ako ng konti. Nakaramdam ako ng pagod kaya pinagpasyahan ko na magtimpla ng kape dahil may kailangan pa ako pag-aralan. Ano pa nga ba? Eh ang Carlton University na papasukan ko.

Di pa rin maalis sa isip ko ang nasabi ni Kat kanina kung bakit hindi tinuloy ng mga tauhan ni Jones amg pag atake sa kanya. Siguro coincidence lang, baka may soft part rin si Jones para di masaksihan ng batang yun ang kaguluhan sa bar. Di bale na nga. Parang kaedad ko lang naman yun, siguro di na bata isip nun.

Nagpatuloy na ako sa pag-aaral ng mga papeles na binigay ni Josh. Hindi naman masama ang background ng school at parang mageenjoy naman ako. Di ko lang talaga maimagine ang school unifrom nila. Uggghhh. Like wtf? White long sleeve at may vest na color blue at mini skirt na checkered blue. Seryoso ba to? Para akong nasa japan nito eh, Pinapayagan ba ang ganun dito sa Pinas?

Sa June 10 na pala ang pasukan.Monday. 8:00 AM. Anong petsa na ba ngayon? June 5 na. 5 days to go ang magiging official High School student na ako ng Carlton University. Since I'm on my 4th year high school na, magtitiis nalang ako ng isang taon para matapos ang High school.

Maniniwala ba kayo kung nag home schooling ako from 1st yr high school hanggang 3rd year? Naalala ko pa kase nung Grade 6 pa ako, muntik na akong makidnap at mapatay. Sino pa nga ang pagbibintangan? Ang mga kalaban na grupo ni daddy, pero hanggang ngayon, di pa rin sila nakikilala.

*flashback*

Pauwi na ako galing school nun na may sumalubong sa akin na napakagandang babae.

"Hi Natasha, how are you? " - babae

"Hello po, kilala po ba kita?"

"Ah , eh , ako nga pala si Miss Ana, malapit akong kaibigan ng mommy mo, madalas ka nga niyang kinukwento sa akin eh, tsaka ang ganda ganda mo pa"

"Thank you po"

"Pwde ba kita maimbitahan mag meryenda?"

"Sige po, gutom na po ako eh"

Pumunta kami sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Natatandaan ko pa ang lugar na yun, may lumang bodega na napapaligiran ng mga armadong lalaki.

Napansin kong biglang nagkaputukan. Wala akong alam sa mga ganun kaya tinakpan ko ang aking mga tenga dahil naiingayan na ako. Umiiyak na ako nun at hinahanap ko na nag mommy at daddy ko nun, pati na si Kat.

Bumukas ang pintuan ng kotse at nakita ko si Jay. Isa siya sa mga tauhan na daddy.

"Miss Natasha, halika na po, delikado ka po rito"

"S-saan si daddy *sobs* si ate *Sobs* si mommy *sobs* "

Kinarga na pala ako ni Jay nun at umalis na kami sa lugar na yun. Sobrang nagalit si daddy dahil dun. Nang dahil din sa pangyayaring yun, di na ako pinag-aaral ni daddy sa school , instead nag Home schooling na lang ako.

Dahil na rin sa kagustuhan kong protektahan ang sarili ko, nagtraining ako at naging isa sa mga deadliest assassin. Hindi ko hinahayaang masaktan ako ng hindi man lang lumalaban.

*end of flashback*

*Riiiinnnngggg*

Hello?

[ Red ]

Yes master, ano pa ba ang kailangan niyo?

[ Handa ka na ba sa bago mong misyon? ]

wala ka naman pong nababanggit sa akin na bago kong misyon Master

[ Maghanda ka para sa pagpasok mo sa Carlton University ]

Opo Master

*toot toot tooot*

Ano kaya mangyayari sakin dun? Mukhang mapapasabak na naman ako nito.

Third Person's POV

Tanaw na tanaw ng misteryosong lalaki mula sa kotse nito si Natasha. Matagal niya nang minamanmanan si Natasha dahil ito ang anak sa mortal na kaaway ng kanyang ama.

Lumalalim na ang gabi at pinagpasyahan niyang umuwi na dahil inaantok na siya.

Nakauwi na siya sa kanyang balay at sinalubong siya ng kanyang ina.

"Craig, anak, saan ka ba nanggaling?"

"Nagpapahangin lang po"

"Pinapatawag ka ng iyong ama sa itaas, puntahan mo na siya."

Umakyat si Craig at pinuntahan ang kanyang ama. Pagbukas niya ng pinto, nakita niyang nakaupo lang ang kanyang ama at mukhang may inaasikaso itong papeles.

"Pa"

"Umupo ka"

"ano po bang pag-uusapan natin?"

"Papasok ka ng Carlton University."

"P-po? Nag enrol na ako sa Johnson academy, pwde pa po ba ako mag enrol dun?"

"This is urgent Craig, naayos ka na ang mga papeles mo, June 10 ang pasukan, I want you to be prepared"

"T-teka lang, bakit biglaan?"

"Alam mo naman kung sino ang mortal kong kaaway db? Dun nag-aaral ang bunso niyang anak, si Natasha Arlyn Suarez"

"Ano po ba gusto niyong mangyari?"

"Gusto kong manmanan mo siya doon."

"Pero Pa---"

"Makakaalis ka na"

Umalis na ng kwarto si Craig. Alam niya naman ang tungkol kay Natasha, pero ang pinagtataka niya lang ay kung bakit gusto ng ama nito na dun rin siya mag-aral sa Carlton.

Napagpasyahan niya nang magpahinga, pero di pa rin niya maiaalis ang tungkol kay Natasha.

"ano kayang meron sa babaeng yun, palagi ko naman siyang minamanman pero wala akong makita na kakaiba sa kanya" tanong nito sa sarili.

Tumunog ang cellphone nito dahil tumatawag ang kasintahan nito.

[ hello babe, are you ready na ba? Pasukan na natin bukas ]

Ah. babe, di na ako sa Johnson Academy papasok eh.

[ what? bakit babe? dba sabay nga tayo nagpa enrol db? ]

Pinalipat ako ni daddy sa carlton eh.

[ ... ]

Dont worry babe, aayusin ko to 

Call ended.

alam naman ni Craig na nagtampo ang nobya kaya naiintindihan niya ito. 

Paikot ikot lang si Craig sa kanyang kwarto dahil hindi siya makatulog. Di pa rin niya naiintindihan ang gustong mangyari ng kanyang ama. Alam naman nito ang tungkol sa Mafia na pinamumunuan ng kanyang daddy kaya hindi na bago sa kanya ito. Pero ang ipinagtataka niya lang, bakit niya iimbestigahan ang Natasha Suarez na yun?

Uminom muna siya ng konti at nakaramdam naman ito agad ng antok.

RED Butterfly ( Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon