Chapter 3

18 0 0
                                    

Katarina's POV

Ohh damn this bitch, hindi naman masyadong konti ang pasensya niya para batuhin ang lalaking kakikilala ko lang sa restaurant sa mall. Aish.

"Are you okay?"

"Langya, nagtatanong ka pa?! Eh mukhang mapapatay na ako nung kapatid mo eh, ano ba problema nun?!!"

"Tumahimik ka nalang, I'll just drop you by sa ospital at eto, money for the bills sa ospital"

"Ano?! Ganun lang, abswelto na? Hindi pwde, kulang to, magdedemanda ako, bayaran mo ako ng kaukulang danyos, eh malaking damage ang ginawa niyo eh!!"

Hininto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at tiningnan ng masama ang lalaking to. Mukhang pera rin pala ang mokong to. Masample-lan nga.

"Oh! Bakit ka huminto?! Eh malapit na akong maubusan ng dugo rito oh, anak ng tokwa naman, hoy!! paandarin mo na, ang sakit na eh!"

"Baba."

"Anong baba? Hooy! Baka nakakalimutan mo, idedemanda pa kita, pati kayo ng kapatid mo, di porket mga babae kayo, di ko na kayo papatulan!"

"Ang tigas ng bungo mo. Baba sabi!"

"Hoy baka nakaka----"

Tinutukan ko siya ng baril sa ulo at halos matawa ako sa reaksyon niya."May pamilya ka diba? Gugustuhin mo naman sigurong makita pa sila ng buhay hindi ba? Kung ako sayo, bumaba ka na."

"A-ano k-ka ba naman, nagbibiro lang ako, sige b-bababa na ako, s-salamat nga pala rito."

"Ayoko ng makarinig ng tungkol pa sayo. Alam kong alam mo ang Cheng Su Mafia hindi ba?"

"H-ha? Ch-Cheng Su? O-oo naman."

"Wag na wag kang magkakamaling gumawa ng gulo kung gusto mo pa humaba ang buhay mo at pati na rin ang buhay ng pamilya mo."

"O-oo, p-pangako."

Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na. May balak pa talaga siyang magdemanda ? Anong nakain niya, di niya siguro kilala ang pamilya ko.

Ako nga pala si Katarina Jessica Suarez, mas kilala ako sa mafia world ng Black Mamba. Nagtatanong kayo kung bakit Black Mamba? Wala lang, I find it cool at kailangan talaga ng code name to keep our security. 

And to think about kung ano nangyari kanina, pinahiya lang naman ako ng kapatid kong ubod ng pikon. Akalain mo, akala ko papatayin niya talaga, eh sa right arm lang pala ang bagsak ng pocket knife niya. At wow lang talaga, ang pocket knife na yun ay personalized talaga, para sa kanya lang talaga yun, naka engrave pa talaga ang pulang paru paro with her initials as well. NAS. Ang swabe db? Sa lahat ng task ng babaeng yun, may naiiwang Red Butterfly sa crime scene, para malaman ng rival group na si Red ang may gawa.

Sobra sobra na yata ang pagpupuri ko dun, eh kahit kailan naman talaga , Bitch yun! Di ko pa rin maiwasang mainggit sa kanya kase siya pa rin ang paboritong anak ni Daddy aka Master dahil nagagawa ni Red ang mga bagay na gusto niya.

Nung dati lang, may binigay na listahan si Daddy kay Red upang patayin niya. Mahahalata ko naman ang inis at kaba sa kanya dahil napapabilang dun si Jay. Isa kase si Jay sa malapit na kaibigan ni Red kaya mahirap para sa kanya ang patayin ito.Pero tulad nga ng mga sinasabi ko, red never fails the Master. Nagawa ni Red yun dahil utos yun ni Master.

Aish, lalo lang ako naiinis kung iniisip ko pa lalo si Natasha aka RED Butterfly. Napagpasyahan ko munang magpalamig sa isang bar. Malapit lang ito sa condo ko kaya huminto muna ako.

Tanaw na tanaw ko ang mga Rival group ng Cheng Su Mafia. Eh sa gusto kong magpalamig eh, patayan na kung patayan.

Pumasok na ako sa bar at pansin ko talaga ang nag iinit na tensyon. Nakilala siguro nila ako kaya ganun nalang makatingin. Aish, wala akong pakialam, I'm here para mejo mahimashimasan, hindi para makipagpatayan.

"Vodka"

"Eto po maam"

"Thanks"

Halo halo lang talaga ang mga tao dito, may simpleng party Girl pero daig pa rin ang count ng mga Mafia. Makikita ko na sa paligid na halos magkakaroon na ng Live Sex dahil sobrang lantaran lang nilang gumawa ng ganun. Screw this people.

Napansin kong may dumating na grupo, nauna ang mga masculadong lalaki at kasunod nun ang nakakatandang lalaki. And to be exact, Si Christopher Jones yun, lider ng rival group ni daddy.

And shit. sakin ba yun nakatingin? This is not good. May binulong siya sa mga kasama niya. Ano kaya plano nun? Medyo kinabahan ako dahil bukod sa nag iisa ako, wala akong dala na kahit na ano. Naisipan kong tumakas pero huli na. Aish, anong gulo ba to? Mamamatay na ba ako dito? Hindi pwde, Hindi dito.

Kailangan kong ipaalam sa pesteng kapatid ko to.

Dialing Natasha....

[ oh? ]

Saan ka?

[ bahay, bakit? ]

Puntahan mo ako dito sa pub malapit sa bahay ko. Andito si Christopher Jones

[ Wait, what?! Magpapakamatay ka ba? ]

Tanga, kaya nga kita tinawagan eh kase ayokong mamatay dito. Not Now.

[ aish, wait, papunta na ako ]

Call ended ..

Mukhang nawala naman sa paningin ko si Christopher Jones, parang umalis na, pero naiwan ang mga tauhan niya. Siguro may balak tong mga to. aish, Natasha, nasan ka na ba, di ako makakalabs ng buhay dito, kaya bilisan mo.

Papunta na sa akin ang mga lalaking yun pero bigla silang tumigil. May pasok kaseng lalaki, gwapo naman siya, matangkad, at mas bata pa sa akin, halata ko rin naman iinom yun dito no.

Ang ipinagtataka ko lang, huminto ang mga tauhan ni Jones dahil sa lalaking iyon. May tinawagan sila pero di ko marinig dahil nga nasa pub ako, at sobrang ingay naman.

Pumwesto ang lalaking yun sa isang table at may kausap siya na grupo ng mga lalaki na mukhang kaibigan naman nito. 

Tiningnan ko ang direksyon kung saan nakatayo ang mga tauhan ni Jones. Umalis na ito at mejo nahimasmasan na ako. Sakto rin naman na dumating si Natasha na hindi mo kakikitaan ng kaba. Kumaway ako at dali dali siyang lumapit sa akin.

"Oh ano na? Nasan na ang mokong yun?" Natasha

"Wala umalis na"

"Ano?! Bakit?"

"Dahil dyan sa batang yan"

"Aish, ano ba yan, chance na yun para mapatumba ang taong yun eh"

"Eh umalis na nga, di makaintindi

"Aish, ano ba naman Kat. Aish, waiter, Vodka nga"

"Eto po maam" waiter

"Oy kat, yung nabanggit mo kanina, bakit nga ba tumigil yung mga tauhan ni Jones sa pag atake sayo?"

"Di ako sigurado pero tumigil sila pagpasok ng batang yan"

"Parang kilala ko yan ah, parang nakita ko na yan"

"Nagtataka talaga ako kung bakit humaba buhay ko"

"Eh baliw ka talaga! Pasalamat ka di natuloy, baka bangkay ka na ngayon"

Uminom nalang kami ni Nat kesa sa magtalo, pero ang pinagtataka ko lang talaga, bakit di nila tinuloy? Dahil ba sa batang yun, o coincidence lang talaga? Ang labo.

RED Butterfly ( Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon