Prologue

8 2 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa eskinita na madilim, tahimik at patak ng mga ulan pati na rin ang yabag ng aking mga hakbang ang tila maririnig. Umaga pa lamang ay tumatahak na ako papuntang paaralan.

Makikita sa paligid ang pagiging malungkot na panahon, na para bang napipighati at nawawalan na ng pag-asa, mga ulan na bumubuhos na parang mga luha na dumadaloy mula sa mga mata patungong kawalan.

Patuloy ang aking paglakad hanggang sa umaliwalas ang kalangitan na para bang nabigyan ng pag-asa at bumangon sa kabila ng tindi ng kanyang sinapit.

Nakarating na ako sa aking pinapasukang paaralan at aking isinarado ang payong, matatanaw ang mga kapwa studyante na nagtatawanan, nagyayakapan, nagk-kwentuhan at mga interesado sa kanilang mga ibabahagi na naganap sa kanilang sabado't linggong walang pasok.

Unang bumungad sa akin si kuyang guard na nagbabantay at alisto sa paligid. Sana'y ganyan rin sa pag-ibig na handa mo rin bantayan ang puso para hindi na masaktan pa. Na maging handa at malaman kung kailangan pa bang papasukin siya sa puso mo.

"Good Morning Kuya!" pagbati ko sa kaniya. Agad naman niya akong nginitian at binati rin. Akin naman binuksan ang aking bag para macheck ni kuya.

Agad naman akong deretsong naglakad kung saan patungo sa silid aralan sa Room 402 kung saan ay nasa ikaapat na palapag ito nakadestino.

Habang naglalakad ay may taong umakbay sa akin na may pagkabigat-bigat.

"A-aray ko!" pag sigaw ko.

Para bang binalian na sinakal ang aking naramdaman, agad naman niya itong tinanggal ng namumula na ang leeg ko. Agad naman siyang tumawa na kung ilalarawan ay nakapikit ang kanyang singkit na mata at labas ang lahat ng kaniyang ngipin.

Tinitigan ko lang siya ng masama ngunit lumakas pa ang tawa nito. Ano ba naman yan, naramdaman ko na naman ang pakiramdam na ito, bimibilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbagal ng oras sa paligid ko. Wala tayong magagawa marupok tayo.

"Easy lang... namiss ko kasi yung ekspresyon mo na iyan eh"
pagdadahilan niya at pagkatapos nito ay kaniyang ginulo ang buhok ko.

Siya nga pala si Mark, isa siya sa matalik na kaibigan ko at isang taong nagpapatibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero pag nandito siya sa tabi ko, feeling ko ako na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo. Siya rin ang naging happy pill ko. Pag masaya siya, masaya narin ako. Pagka nga naman tinamaan ang puso wala ka nang makakagawa kung hindi sundin ito.

"tara pasok na tayo" sabi ni Mark ng nakangiti pa rin hanggang ngayon. Tumango naman ako at sabay kaming tumahak papuntang Room 407 dahil kami ay mal-late na. Tumatakbo ng masaya, at sana hindi na matapos pa ito.


Third POV

Nasa ikatlong palapag pa lamang ay tumatagaktag na ang pawis, ngunit makikita na masaya at hindi matatawarang ngiti ang makikita sa dalawang tao na ito. Napapansin ko ang madalas na pagtingin ng isa, sa kaniyang kasama at mahahalata sa kaniyang kilos na may gusto siya rito. Nakakaawa naman ang taong ito dahil hindi pwedeng magmahalan dahil may isang masasaktan at may isang iiwas. Hindi pwedeng magmahalan ang dalawang tao na ito dahil parehas silang lalaki...

11-11-11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon