Epilogue

1 1 0
                                    


Nagmamadali ako ngayon na tumatakbo at nagmamadali para makahabol sa Event na magpeperform si Mark sa stage. Heto ako ngayon nagmamadali nadahil kanina oa walang dumadaan na jeep dahil para malate ako. Sige sabihin narin anting nalate na din ako ng gising kinse minuto na lamang at magsisimula na ang event. Tumunog naman ang Cellphone ko at may tumatawag sinagot ko naman ito.

"Hello Joey nasaan ka na inaantay ka ni Mark" tumawag ang isa sa mga kaibigan ko na si Karina.

"Nandito pa ako hindi pa nakakasakay dahil wala akong masakyan na jeep dito"

"Hala bilisan mo teh" aligaga na ako dito nako lagot talaga tayo nito

"Sige gagawa ako ng paraan" kailangan ko talagang gumawa ng paraan kung hindi ay magtatampo yun.

Wala na talaga akong maisip na paraan kung hindi magtricycle nalang tutal marami naman ang dala ko na pera ayos narin ata yun kasi kaibigan ko naman yung pupuntahan ko at taong mahal ko.

Agad naan akong pumunta sa terminal ng tricycle at nagspecial na dahil wala naman masyadong tao.
Habang deretso ang aming pagbyahe nakita ko na lamang ang mga sasakyan na hindi umuusad. Lagot traffic.

Hindi pa kalayuan ngunit traffic na. Naalala ki nalang na Sabado ngayon dahil tuwing Sabado ay laging traffic papunta sa school namin. Napasapo nalang ako sa aking noo. Ano ba naman yan wrong timing pa.

May ginagawa kasi na kalsada dito malapit sa amin at tuwing sabi ang gawa nila dahilan para magkatraffic. Hindi na ako mapakali pa at tinawagan na si Karina. Nagring ito ng tatlong beses bago niya ito nasagot.

"Hello karina" paninimula ko pero natalakan na agad ako.

"Nasan ka na?Nagstart na yung event. Nako lagot ka talaga kay Mark" bumilis tuloy ang tibok ng dibdib ko. Oaano kung magalit siya? Paano kung magtampo yun? Ano ba naman yan nagooverthink na tuloy ako.

"N-naipit kasi ako sa traffic rh pero promise pupunta ako diyan" pagsagot ko sa kaniya.

"Okay sige intayin nalang namin ikaw dito Ibababa ko na 'to Bye!"

"Bye" at kaagad naman niyang pinatay ang tawag.

Sa wakas at binigyan na ng daan ang kalsada at medyo nawal ang traffic at nakakagalaw na ng maayos ang mga sasakyan.

"Kuya pakibilisan ah may emergency kasi kuy please" pagmamakaawa ko kay kuya trcycle driver.

"Sigekapit ka ng mabuti bata" pagsasalita niya binilisan naman niya ang kaniyang pagmamaneho at busina siya ng busina para magsitabihan ang mga sasakyan. Okay emergency talaga.

Nakarsting na ako sa school at nagbayad na kay kuya. Nagpasalamat ako at humingi ng tawad. Tumango naman siya at sinabing magingat daw ako.

Pumasok ako pero ang mga tao ay naglalabasan na. Tapos na agad ang event? Tinignan ko angvrwlo ko at magaalas dose na ng tanghali. Grabe yung traffic pahamak talaga. May nagtext sa akin kaya tinginan ko at binsa ito.

"8pm mamaya sa park nakakatampo ginawa mo ngayon"

Umalis na nga ako sa School at umuwi na ng bahay.

____________

7:30 pa lamang ay nandito na ako sa park ayaw ko ng malate at baka mas lalo pa siyang magtampo. Nandito ako ngayon sa madalas namin tambayan sa park sa isang bench katabi ng isang puno.

Dito kami dati unang nagkita pero tignan mo naman ngayon ang tatlong taon kami ng magkakilala at hamggang ngayon ay hindi parin nagkakalimutan. At mismong puno tabi nito ang nakasaksi ng pagsasamahan namin bilang kaibigan.

Nakita ko siya sa harapan ko na naka dilaw na damit katulad ng akin. Ngayon ang araw ng aming pagkakaibigan. Suot ang mga damit na binili namin noong nakaraang taon at ngayon suot na namin ang parehas na damit na ito.Lumapit siya sa akin at may ibinulong.

"Mahal kita Joey" ang mga salitang ito ang nagpabilis ng mga puso ko ngayon, sa harapan niya. Deretso sa punto at wala ng paligoy-ligoy pa.

"Mahal din kita Mark" alam kong sobrang corny pero hindi ko talaga matiis ang kiligin ngayon. Parehas kaming tumawa at tumawa oa ng malakas.

"Corny mo" pagsasalita niya. Namumula na nga ang kaniyang pisngi at pinipigilan ang kilig.

"Kilig ka naman" kasabay ng pagtawa ko. Ang sarap sa feeling na sinabi niya sa akin na mahal niya ako.

"Ano naman ang nangyari sa inyo ni Daniella noon dati? Yung sabi mo ilalakad kita kay Daniella?" napaisip ako kasi alam ko ay may namamagitan na sa kanila hindi ba? Medyo naguguluhan ako.

"Hindi ko naman talaga siya niligawan bakit nagselos ka sa amin ano? Ayie nagseselos siya"

"P-pero paanong hindi?" naguguluhan talaga ko kasi dobrang bilis e. Napakabilis.

"Una palang mahal na kita natatakot lang ako na sabihin sa iyo dahil baka pag sinabi ko sa iyo ay layuan mo ako dahil mahal ko ang kapwa lalaki ko. Yung panliligaw ko kuno kay Daniella? Tinanong ko sa kaniya lahat-lahat ng mga nalalaman niya tungkol sa nak-kwento niya sa iyo. Simula ng nadulas ang dila niya doon na ako naghinala pa medyo nakaka curious kasi. K-kwento siya lagi sa akin ng mga kakiligan mo sa akin kaya minsan nakikita mo kami na tumatawa at ang pagselosin ka ay scripted lang. Mahal kita Joey." pagpapaliwanag niya sa akin.

"Pero sila inay at itay..."

"Alam na nila at nagpaalam na ako" pagsagot niya sa akin at ngumiti naman.

"So tayo na...?" pagtatanong niya sa akin. Nagaabang siya ng aking isasagot.

"Manligaw ka muna 'no pakipot ako eh" kasabay ng pagtawa namin.

"Sige kahit araw-araw pa kitang ihatid sa bahay ni-" hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sasabihin at sumigaw.

"Oo na" pagsagot ko.

"A-anong oo na?" medyo naguguluhan na tanong niya.

"Oo na tayo na" tsaka lamang nagsink in sa kaniyang utak ang aking sinabi niya. Nagwala naman si Mark at napakasaya niya.

Iniukit namin ang palatandaan araw na ito sa puno na mismong nakasaksi sa lahat ng amin mula pagkakaibigan hanggang sa maging kami. Ang buwan kung saan naging kami at naging handa sa lahat ng pagsubok na aming tatahakin.

11-11-11

- End













Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

11-11-11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon