Kabanata 1

12 2 4
                                    

JOEY

"Sa Earth History and Geological Time ay mayroong two types of Dating. Buti pa sa Earth History may dating ano?"

Nagtatawanan sila ngayon dito sa klase at ngayon ay nagrereport sila Mark sa subject naming Earth and Science. Makikita dito na nageenjoy sila sa topic at nagiging active dahil sa pakulo ni Mark. Hinuhugutan niya ang lesson kaya pati ang aming Prof ay nae-enjoy din. Halos ang buong lesson ay hindi ko na naintindihan dahilan sa naka focus lang ako sa mukha niya. Tama kayo diyan, kay Mark nga.

Napakaperpekto ng kanyang mukha. Akin nang tingnan at ipinokus ang tingin sa kanyang kilay, ito ay makakapal at talaga nagbigay sa kaniya ng dating. Lumipat naman ang aking tingin sa kaniyang mga mata na bigla namang tumutok sa
akin ang kanyang mga mata. Agad akong nagulat at hindi nakagalaw tila nagyelo ang katawan ko dahil hindi makakilos. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Bes kailangan ko ng Oxygen di ako makahinga!

Matapos nilang magreport ay agad naman silang nagpa quiz at ang naging resulta ay mababa na naman ang score ko. Hindi ko naman sinisisi si Mark pero parang ganon na nga. Yung alam niyo yung feeling ng kahit mag review ka, nagf-flashback parin yung pagtitig sa'yo? Hindi ko kinaya 'te!

________

Break Time namin ngayon at nandito kami ngayon sa aming Cafeteria at nakaupo sa upuan kasama ang mga kaibigan ko. Hindi parin natatanggal sa isip ko ang moment ng pag eye-to-eye namin ni Mark. Alam ko naman na wala lang yun sa kaniya pero ako naman 'tong si Assumero na nagbibigay malisya doon. Kay hirap pala itago ang feelings mo lalo na't araw-araw ko siya kasama at pauwi at pagdating sa galaan. Oo inaamin ko na mali ang ginagawa ko, pero kasi naman eh marupok tayo girl!

Ako si Joey na lalaki, ay umiibig kay Mark Tiatongco na aking matalik na kaibigan, at hindi niya alintala na ako ay isang bakla na nagtatago sa kilos ng isang lalaki and i thank you!

"Psst ayos ka lang?" agad naman akong bumalik sa aking katinuan at nakita ko ang mga kaibigan ko na nakatingin sa akin at nagtatanong.

"Nagde-day dream ka na naman" sabay tawa ni Daniella na halos mangiyak-ngiyak na kakatawa. Siya ang isa sa mga kaibigan ko noon pa man ng kami ay nasa Junior High pa lamang at hanggang sa ngayon ay hindi parin siya nagbabago sa pagiging masiyahin. Lagi siyang nakangiti at mas lalong ngumingiti pag nakakasama namin si Mark. Tama kayo diyan mga Mare, alam niya lahat-lahat dahil siya lang naman ang pinagsasabihan ko ng secrets ko kaya wala akong laban diyan.

"By the way guys i have to go na may class pa kasi kami eh" pagpapaalam ng iba kong mga kaibigan.

"Sabay narin ako sa kanila Joey ah! Late na kasi kami eh" At sabay sabay na silang umalis at nagmamadali para sa kanilang next class.

Ang natira na lamang ay si Mark, Daniella at Ako na kumakain ng lunch. Biglang tumahimik at naging iba ang aura. At dahil hindi ako sanay ng tahimik, ako na yung unang nagsalita para sa naman hindi masyadong awkward.

"Ang galing niyo pala kanina sa report Mark, halos pati si Sir Bitangkol ay napatawa mo eh ang hirap patawanin ni sir" papuri ko sa kaniya.

"Ah wala yun, sa pogi ko ba namang ito" at itinuro niya ang mukha niya. Okay so effective ang way ko para mawala ang awkwardness.

"Ay wow kapal naman nito" sabay tawa ko at pati si Daniella ay nakitawa na rin. Ayun naman pala sanay makisama.

"Eh talaga naman eh diba sinasabi mo lagi sa akin na gwapo si- ... Aray" inapakan ko ang kaniyang paa at sabay na tinitigan sa mata ni Daniella at binigyan ko siya ng pag-tinuloy-mo-lagot-ka-sakin look at kaniya namang tinakpan ang bibig niya.

11-11-11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon