Kabanata 4

4 1 0
                                    


Nagising na lamang ako at bumangon sa isang malambot na kama.makikita sa kapaligiran ay puno ng kulay sariwa ang nasa paligid, presko at maaraw nagtataka lamang ako dahil walang katao-tao. Bigla nalang ang maganda at maaliwalas na kapaligiran ay nagiba, naging madilim ang langit na para bang may isang sakuna ang paparating. May mga ipo-ipo na paparating mula sa akin at nakita ko na papunta sa akin ang mga ito kaya't ako ay kaagad na tumakbo. Papalapit na sa akin ang mga ito pero humina na at nawala na ang ipo-ipo at humina na kaagad pa ito.

May pumalakpak sa akin hinahanap ng aking mga mata ang pumapalakpak ngunit hindi ko siya makita kung saan.

"Tinatakasan nalang ang problema Joey tama ba?"

Hindi ko parin siya nakikita pero nagsasalita siya. Invisible ba siya? Bakit pa kasi ako sumama sa babae na iyon? Gusto ko ng uwuwi at baka hinahanap na ako ng aking magulang.

Nasaan ka? Magpakita ka!" sigaw ko sa kaniya. Pano ko siya makakausap ng maayos kung hindi siya magpapakita? Ang unfair naman niyan kung hindi diya magpapakita tapos ako nakikita niya?

"Ako ay nasa iyong panaginip kung saan kailangan kitang turuan at paalalahanan." nagsalita na naman siya. Nasa panaginip? Meron palang ganon, yung makakapasok ka sa panaginip ng isang tao. Naisip ko panaginip ko pala ito so kaya kong makontrol ang mga bagay-bagay dito. Naisip ko na dapat kong makita siya dahil panaginip ko naman ito at nagkatotoo nga nakita ko siya sa aking harapan.

"Tama ka nga, at lahat ng nakita mo kanina ay ang mga emosyon mo. Pwede mo bang ilarawan sa akin ang mga nakikita mo kanina?" pakiusap niya sa akin. Okay since nakiusap siya ay pagbibigyan ko siya. Hindi naman kasi ako madamot.

"Ang mga nakita ko kanina ay mgagagandang mga napakasariwang paligid yung parang mga walang problema? Ganon yung nakita ko kanina tapos biglaan nalang nagiba yung panahon, nagdilim nga as in parang uulan ng malakas pero hindi naman umulan, weird ano?" tumango naman siya at nakikinig sa aking kwento.

"Tapos bigla nalang nagkaroon ng ipo-ipo na malaki. Syempre tumakbo naman ako sino ba naman kasi hindi tatakbo pag nakakita ng ipo-ipo diba? Tapos bigla nalang nawala ng dahan dahan yung ipo-ipo tapos noon pumalakpak ka"
pagpapaliwanag ko sa kaniya. Medyo hiningal naman ako dere-deretso kasi yung pagsasalita ko.

"Okay, ipapaliwanag ko king ano nga ba ang nakita mo" medyo nagulat naman ako bakit may lahulugan pa pala iyon? Naloka naman ako kung may pameaning pa iyon.

"Ang nakita mong mga magagandang tanawin ay ang buhay mo noon. Masaya, at parang wala namang problema. Sa buhay ng mga tao nagsisimula ang buhay sa walang problema. Habang tumatanda ka na lumalaki narin ang binibitbit mong responsibilidad at mga problema. Dumating na manghihina ka, magiging malungkot ka ang mga makulimlim na ulan ay kumatawan sa mga luha na pinipilit na hindi lumabas. Madalas ayaw mong makita ka ng mga tao na umiiyak para ipakita na malakas ka. May kasabihan sa inyong mga tao na "It's okay to be not okay". Minsan okay lang na maging malungkot at umiyak. Kung hindi na kaya, ilabas na ang mga luha dahil mahihirapan ka na sa emosyon mo kung hindi mo ito ilalabas" pagsisimula niya. Tumatak sa akin ang sinabi niyang quote. Tama nga nan na hindi na maging okay pero bakit pinipilit ko na maging masaya kahit na hindi naman? Siguro dahil sa mga taong judgemental at wala ng magawa sa buhay kung hindi manlait at manira? Wala hindi ko alam kung bakit.

"Dahil takot kang kaawaan ng iba" Tama nga, takot ako na kaawaan ako ng nasa paligid ko dahil ayaw ko maging kaawa-awa sa kanila gusto ko ako angagbigay sa kanila ng kasiyahan hindi yung ako. Gusto ko na ako ang pumuno ng saya sa kanila kahit na pwede nan sila mismo ang magpuno para sa sarili nila.

"Ang ipo-ipo ay ang nagsisilbing problema mo. Tinatakbuhan mo ang mga ito, bakit imbis na bigyan mo ito ng paraan para mawala ang problema na ito hindi ba?Ang problema lagi iyan darating sa tao. Depende na lamang ito kung paano mo ito i-treat na ipopost ba sa facebook para manghingi ng simpatya sa iba o kung ito ay hahayaan na lamang o kung hindi naman ay resolbahin ng buong tapang lajat ng ito napapagdaanan ng tao, walang exception kahit mayaman ka man o mahirap, matanda o bata at kahit na ano man ang iyong kasarian Joey" Tinamaan ako sa kaniyang sinabi hindi ko naman ito sinasabi na sapul na sapul sa akin pero parang ganoon na nga. Natauhan nalang talaga ako bakit pa ako kailangan umiwas kay Mark kung mahal ko naman talaga siya. Nagdilim lang ang buhay ko dahil nawala ang happy pill ko. Hindi ko naman dapat pa damdamin ang ganitong bagay dahil lang sa kaibigan ko. Hindi ko dapat pinagseselosan ang kaibigan ko. Sabi ko nga sa sarili ko noon hindi lang sakin umiikot ang mundo ni Mark at heto na ata ang oras para ibigay na sa kaibigan ko. Hindi ko naman kayang i let go ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang lalaki at ang taong mahal ko pwede ko naman siyang maging kaibigan.

11-11-11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon