Kabanata 5

2 1 0
                                    

Ngayon ay nandito pa rin ako sa hospital ngunit ako ay palabas na. Hindi ko sinasabi na medyo naguguluhan parin ako hanggang ngayon dahil wala parin aking kaideya-ideya para mapunta dito sa hospital. Sinabi ng doctor na ngayon ay pwede na akong lumabas ng hospital. Kaya't inaayos na ang mga gamit dito sa hospital. Grabe ganito pala ang feeling ng nasa hospital, medyo nakakabored din dito dahil sa nakaprivate room pa kami. Nood lang ng T.V at tulog lang ang madalas na magagawa mo rito. Tinawag naman ako ni Inay para sabihing umalis na. Kaya kinuha ko na ang isang backpack at pumunta sa pintuan. Nakita ko ang doctor na humawak sa akin.

"Magiingat ka ah?Wag ka ng babalik pa sa ospital" sinasabi niya na kailangan ay hindi na ako magkakasakit pa hindi niya sinasabi na wag na aking babalik pa sa hispital lalo na at nagaagaw na ang buhay ko kung hindi ingatan ko ang sarili ko para hindi na mapunta pa sa lugar na ito. Syempre ayaw na ayaw kong pupunta duto dahil pag nandito ko ka parang may tsansa na mamatay ka na o kaya ay maaksidente pa.

Tumango naman ako sa kaniya at nagpasalamat gayundin ang ginawa ng doctor. Lumabas na kami dito sa hospital o sa ibang tawag ay pagamutan. Minsan nababasa ko sa mga post sa fb ay kung merong pagamutan ng mga may sakit dapat daw ay may pagamutan din sa puso. Nakakapagtaka kasi meron naman talagang pagamutan ng puso. Kaso kakaunti lang ang mga Heart Center dito sa Pilipinas.

Nagaabang kami ngayon ni inay ng jeep dito sa Waiting shed. Nang makakita si inay ay pumara naman siya. Huminto naman ang jeep at sumakay na kami.

Dapat ay si inay ang dapat na magbabayad pero ako na ang nagpresinta sa kaniya na magbayad sa jeep. Nakiabot ako sa mga kasabayan naming mga pasahero at iniabot naman nila ito kay Manong Driver. Nakita ko naman si inay na nakangiti. Nang malapit na kami bumaba ay inihanda na namin ni inay ang mga gamit .

"Para po, diyan lang po sa tabi" agad naan na huminto ang sasakyan at bumaba na kami. Medyo lalakarin pa namin ito bago pa makapunta sa bahay. Kaya nagusap muna kami ni inay.

"Anak wag kang magbabago ah? Yung ugali mo panatilihin mong maging mabait lalo na sa iba" pagsisimula ni inay ng usapan.

"Syempre naman inay ako pa ba?Anak niyo ko eh" nakangiti parin si inay at makikita nanumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Niyakap ko naan si inay at pinatahan.

"Inay wag ka ng umiyak, nandito pa tayo sa daanan baka pagkamalan tayo na nawawala" natawavnaman si inay sa joke ko. Tumawa na rin kami at masayang naglakad sa daanan. Nang Makarating na kami sa bahay ay binulsan ko muna ang gate at pinapasok si inay. Pagkatapos, akin nang isinarado ito.

Pinakuha naman ni inay ang susi sa kaniyang bag at bulsan ko na daw. Pagpihit ko ng pintuan ay makikita na adilim ang loob kaya ay binuksan ko ang ilaw  sa tabi ng pintuan.

"Welcome Home Joey!" sabay-sabay nilang sigaw at may pa confetti na pinaputok. Nandito lahat ng mga taong kakilala ko, mga kaibigan ko at ang itay ko.Lahat sila ay masaya na sinalubong ako ng yakap at ganoon din ako.

Meron din mga mumuntingvpagkain para sa lahat na nakalagay sa mga mesa. Ang mga kaibigan ko kasama na si Daniella at ang taong mahal ko na si Mark ay naririto din. Masaya ang lahat pati ako ay napakasaya dahil hindi ko naan na inasahan na may paganito pa sila at akala ko ay mga busy din sila sa mga bagay na masimportante sa kanila yun pala ay ako ang inuna nila na makasama.

Nakatingin sa akin si itay sa malayo at agad ko naman siyang pinuntahan. Masaya ang kaniyang mga labi ngiti ngint ang kaniyang mata ay malungkot. Humingi ako panahon para makapagpatawad sa lahat ng aking nasabi noon at ito na ang oras na dapat ay kausapin ko siya.

"Itay patawad sa lahat ng aking nasabi ko noon. Hindi ko inintindi at pinagbigay kayo na makapagpaliwanag sa problema noon. Sa totoo lang nabigla lang talaga ako sa nangyari kaya iyon ang aking nasabi. Patawad itay sana mapatawad niyo ako." pagsasalita ko sa kaniya.

"Patawad din anak dahil hindi ko inisip ang mga bagay na pinangako ko sa inyo ng inyong inay. Naghanap ako ng iba at hindi kayo inisip siguro tama lang na hindi mo na ako ituring pa na tatay" pagsasalita niya. Hindi siya naniniwala sa sarili niya.

"Hindi itay, tatay pa rin kita kahit na anong mangyari hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko noon at bilang isang anak alam ko na kailangan fin kayo ng magiging kapatid ko sa ibang tao. Kailangan ka niya itay ako kasi naranasan ko na magkaroon ng isang itay na tulad niyo ngunti ang bata na nasa sinapupunan ng iyong ginawa ay hindi pa nakakaranas na magkaroon ng sariling tatay."

Tumango naman siya bilang pagsangayon. Sinabi niya na isa taalaga akobg mapagbigay na tao tulad ini inay at ito ang naman ko kay inay. Pagkatapos ng usapan namin ay nagpasalamat siya sa akin at gayun din ang ginawa ko. Ang bata ay walang kasalanan sa nangyari binibigyan lamang siya ng buhay galing sa panginoon at ngayon nakatutugalak na magkakaroon ako ng kapatid.Nakita ko sila Mark at sumisigaw. Napatawa nalamang kami.

Natapos ang kasiyan ngunit hindi nawala sa isipan at puso ko ang araw na ito. Isang mahalagang araw na dumaring sa punto na handa ako sa kapatawaran. Everyone can accept the apologize. Lahat tayo kayang magpatawad sa totoo lang ang nahihirapan lang tayo ay tanggapin ang reality kung saan handa mo siyang tanggapin ng buo.

"Huling umuwi si Mark dahil tumulong pa siya na na magligpit. Sinabi ko na na kami na ang bahala pero napakatigas ng ulo dahil hindi daw siya uuwi ng hindi siya nakakapaglinis kasama kami. So ayun wala na kaming nagawa kung hindi paglinisin siya.

"Wag mo kalimutan bukas na yung event sa stage iintayin kita doon" pagpapaalala niya sa akin sa event.

"Sige makakaasa ka sa akin Mark" nakangiti parin ngayon siya at dahilan para mapangiti rin ako.

"Sure?" pangaasaw niya pa sa akin. Ang kulit niya talaga ngayon. Siguro ay bumabawi lang ng time para sa akin.

"Oo nga! Ayaw mo naman ata akong makapunta doon" Syempre biro langvdin natin yan lagi nga akong nakasuporta sa kaniya tapos sa event na magperform siya tsak ako hindi susuporta? Sorry Under tayo ni Mark.

"Syempre nagbibiro lang naman" puro ka naman biro ayaw mo ata ng seryosohan. Nalungkot tuloy ako.

"Bahala ka nga diyan" Matampuhin tayo kaya dapat may patampo effect tayo para lambingin naman tayo. Natawa nalang ako sa isip ko

"Sige alis na ako"  pagpapaalam niya sa akin.

"Sige ingat ka text mo nalang ako pag nakauwi ka na" nag nood naman siya at nag thumbs up na dahilan ng pagsangayon niya.

Nilike-zoned tayo ng Mark na yun. Ayos lang like naman niya ata ako e e Natawa na naman tuloy ako sa iniisip ko. Ngayon ay magpapahinga na ako at maaga na aga ang pasok ko bukas. Nagpunta ako sa kwarto ni inay at yumakap naman ako sa kanya at nag goodnight. Nagpunta na ako sa kwarro at tuluyan ng nahiga. Kusang pumikit ang mga mata ko at tuluyang nakatulog na. Minsan ang mga pagsubok na dapat ay hindi tinatakbuhan kundi nagiisip ng paraan. Dapat handa tayo sa mga bagay na mangyauari dahil ang sa mundo ay walang permente. Dapat ay pahalagahan nalang natin ang nasa paligid natin imbis na layo sa kanila para lang sa gusto mong mangyari. May mga bagay na hindi na dapat pangipaliwanag dahil mismong mga gawa nila ang magbibigay ng hint para patawarin mo sila at wag niyong kakalimutan na ang mga bagay na nararanasan niyo ay isang plano para sa inyong kinabukasan.






11-11-11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon