Kabanata 3

9 4 0
                                    

JOEY

Madalas ang pagulan ngayong buwan at hindi 'ko rin alam kung nakikisabay 'to sa pagiging broken ko. Kung makikita mo kasi sa mukha niya ang masasayang ngiti ng pumayag ako sa kondisyon niya na ilalakad ko siya kay Daniella, hindi ko sinasabing nagseselos ako pero parang ganoon na nga.

Ilang linggo narin ng nilakad ko siya kay Daniella at talaga namang napakasaya niya noon kaya hindi na 'ko nagsalita pa. Pati narin si Daniella ay talaga namang napakasaya ng nakapag 'date' daw sila at napaka funny raw na makasama si Mark. Kaya nafeel ko tuloy na ako pa ang magiging tulay para sa kanila.

Nandito ako ngayon sa Cafeteria syempre kasama sila Mark at Daniella pero parang hangin lang ako sa kanila ngayon dahil silang dalawa lamang ang magkausap at nagtatawanan. Oo, napakasakit kuya Eddie Boy.

"Baka gusto mo pumunta mamaya sa 109 mamaya may Audition kasi kami mamaya" pagaaya kay Daniella.

Tumango naman si Daniella at napakasaya. Buti pa sila nakakayanang ngumiti. Kikimkimin ko nalang 'tong nasa puso ko. Alam naman ni Daniella na may gusto ako kay Mark pero bakit ganon?Hindi niya ba alam na nasasaktan din ako sa ginagawa niya? Sabagay nakalimutan na niya ata ako kasi may kasama siyang Mark.

"Sige mauna na muna ako may pupuntahan pa ako" at tuluyan ng umalis. Wala na akong pakialam sa kanila. Masyado na 'kong sinasaktan sa nakikita ko. Kung pwede sanang maging manhid aang puso ko ay sana hindi ko na nararamdaman 'to.

Tumungo ako kung saan madalas akong nagpupunta pag malungkot, sa likod ng school. Ngayon nalang ulit rin ako nakapunta rito dahil ang huli kong punta rito ay nung ako ay noong nawala yung wallet ko na kung saan nakalagay ang lahat ng pera na ipambabayad ko sana sa aming Educational Tour. Bakit nga pala 'ko nage-explain?

Dito ay tahimik lamang ang kapaligiran, mga muni lamang ng ibon at hangin ang maririnig mo.
Naalala ko nanaman ang mukha ng taong importante sakin ang kaibigan ko at ang mahal ko. Sino ang pipiliin ko?

Minsan kasi hindi ko na alam ang ginagawa ko. Ginagawa ko lang naman kung anong gusto kong gawin eh pero bakit ganon?kahit itodo ko na lahat ng efforts ko at lahat lahat pero wala parin? Bobo na nga ko sa academics, bobo pa sa pag-ibig. Wow naman All around bobo naman pala.

Sabi nila pag mahal mo hahayaan mo maging masaya? Pero sabi ng iba na pag mahal mo ipaglalaban mo? Hindi ko sinabi na ikaw, ngunit sasabihin ko na ako. Mahal ko siya pero may mahal siyang iba. Pero paano pag inamin ko sa kaniya? Lalayuan rin niya ko. Iiwan niya rin ako. Ewan ko ba ako ay naguguluhan na.

Andaming bumabagabag na tanong sakin na halos hindi ko din alam kung ano ang sagot. Ayaw ko ng nakikita siya sa iba na masaya, sobrang selfish na talaga ko. Huminga nalang ako ng malalim at bigla ko nalang naalala na may assignment pa pala kami sa math.

Agad ko nang kinuha ang bag ko at tumakbo papuntang Library. Wala kasi kaming books kung hindi nasa library lang talaga makakahiram ng libro. Parang ako lang Walang karapatan na angkinin siya.

Tumatakbo ako ngayon ng magisa, na malungkot na hindi katulad noon na masaya at hindi nagiisa.

Sa aking pagmamadali ay may nakabunggo ako. Nalaglag ang mga gamit niya kaya't tinulungan ko siya na pulutin ito. Parang pelikula lang ah? Tapos magpapasalamat siya pagkatapos ay makikilala ko siya hanggang sa naging kami tapos magmamahalan na hanggang pagtanda tapos, tapos na. Ano ba yan kung anu-ano na ang aking naiisip dahil sa mga napapanood ko.

"S-salamat" pagsasalita niya at tuluyan na siyang tumakbo ng mabilis.

Nakita ko na lamang ang kaniyang libro na nakalapag sa sahig. Nakalimutan niya pa. Pinulot ko ito at nakalagay ang nakasulat.

11-11-11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon