Kabanata 2

6 1 4
                                    


Ang pag-iibigan ay isang malaking responsibilidad. Dito kailangan na ihanda ang puso, yung nasa tama at balanse. Ang iba kasi ay nagmamahal ng sobrang-sobra kaya minsan ay nakakalimutan nila nag sarili nila. Sabi nga sa isang kanta ni Justin Bieber na 'Love Yourself' ipinahihiwatig nito na dapat mahalin muna ang sarili bago ang iba. Hindi naman kasi masama ang magmahal basta nasa tama.

Sinasabi ng iba na pagmahal mo kahit na mali ay nasa panig ka niya, pero hindi ba't pag mahal mo ay dapat itama. Itama dahil pag gumulo pa ay baka mahantong pa sa hiwalayan.

Narito ako sa loob ng aking kwarto habang nakatanaw sa bukiran na matatanaw kasama ng mga bundok at mga puno ng mangga. Maaliwalas ang mga kalangitan at masayang nagliliparan ang mga ibon.

Alas-otso pa lamang ngayon at inaalala parin ang mga nangyari kahapon. Napangiti naman ako ng maalala ko ulit. Hinigop ko naman ang kape na tinimpla ko kani-kanina lang. Isang kape na Nescafe Creamy White na mas pinaka creamier at milkier. Hindi naman ako nag sponsor pero sinasabi ko lang kung ano yung iniinom kong kape, sarap kaya. Sabayan pa ito ng biscuit na Skyflakes. Yung pagkagat mo palang malalasahan mo na yung sarap. Yung kahit na walang pa bacon, brown rice, hotdog na madalas nakakain ng iba ay masaya na ako sa nakakain ko. Sanay narin kasi ako makuntento sa anong meron ako, kung anong meron sa buhay ko ngayon. Kontento na ako na sila ang nakakasalamuha ko atleast masaya ako.

Tumayo ako at binitbit ang tasa sa lababo dahil tapos na akong inumin ang kape. Isinuot ang tsinelas at naglakad patungong pintuan. Pinihit ko ito ang isinara ulit ito. Deretso na sana ako sa kusina ngunit narinig ko sa kabilang kwarto sila inay at itay. Nagtatalo sila. Pumunta naman ako sa kwarto nila at nakita na bukas ang pinto nila at naka uwang ng kaunti ang pintuan nila. Agad akong sumilip at pintuan. Pera, tama pera ang kanilang pinagaawayan. Nakita ko na umiiyak si Inay. Nagmamakaawa kay itay.

"Joselito naman! Ginamit mo na naman sa babae pera natin para sa anak natin!" hindi ako makagalawa sa kinakagalawan ko. Tama ba ang nadinig ko? Na nambabae si itay? Pero bakit? Natandaan ko tuloy ang sinabi niya sa akin na hinding-hindi niya kami ipagpapalit ni inay kahit na kanino. Masaya pa kami noon, pero makikita ngayon sa harapan ko ang nagaaway at hindi na matapos na awayan araw-araw. Nabitawan ko ang mug na hawak ko kasabay ng pagkirot ng puso ko. Tumulo nalang bigla ang mga luha mula sa mata ko at hindi na napigilan pa.

Napatingin sila itay at inay sa lugar na kinatatayuan ko. Nakita nila ako parehas at nagulat. Lumapit sila sa akin at hindi pa nakakareact sa nangyari.

"A-anak..." sabi ni inay na naiiyak na. Nasasaktan na ako sa nakikita ko. Bakit kailangan pa mangyari ito?

"A-ayos lang po ako Inay" pilit ang aking ngiti ngunit umiiyak ang mga mata. Pinipilit kong maging masaya pero mismong mata ko na ang sumuko para umiyak.

"Patawad anak" nagsalita na si Itay. Bakit? Bakit kailangan pa akong saktan ng ganito.

"Sabihin mo itay na hindi totoo ang sinabi ni inay sa iyo kanina. Diba sabi  mo sa amin na hindi mo kami ipagpapalit kahit kanino? Itay naman!" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sumigaw sa kaniya. Hindi ko nais sigawan siya pero binigyan niya ako ng dahilan. Nakakapagod din itago lahat ng mga sakit dito sa dibdib ko. Hindi naman siya nakapagsalita.

"Sabihin mo!"  niyugyog ko naman siya, pero hindi pa rin siya umiimik. Makikita sa gilid ang umiiyak na si inay, hindi ko kayang nakikita si inay na umiiyak.

"Sorry anak hindi ko naman sinasadya na makabuntis ng ibang babae pero..." agad ko namang nagsalita at hindi na ipinatuloy ang kaniyang sinabi ewan ko ba pero wala na sigurong dahilan para magpaliwanag pa siya.

"Lumayas ka na dito" gumawa siya ng isang mali pero hindi niya kayang panagutan? Hindi niya inisip na may masasaktan. Minsan mapapamura nalang ikaw sa isipan. Hindi ko sinisisi ang babae na nabuntis pero bakit niya pa kailangan kumabit kay itay kung alam naman niya itong may asawa at anak na. Nakakainsulto yung ganon.

11-11-11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon