1

9.9K 74 3
                                    

Chapter 1.

2 years later............................

Jennie Pov.

Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng umalis ako ng korea.Mas pinili ko kasing makasama ang mga magulang ko na nasa New Zealand kesa kina Unnie.Malulungkot lang ako pag nandun ako.Si Tenten na hanggang ngayon di ko pa rin nakikita.Namimiss ko na yung anak ko.Yung baby ko na di ko man lang nayakap bago sya mamatay.Si Lisa ang hirap nyang kalimutan namimiss ko na sya alam kong mali yung ginawa ko sa kanya pero nadala lang ako ng galit ko nun.Siguro dahil kakamatay lang ng baby namin.Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan yung ginawa nya..Ang daya nya kasi bakit nung mga panahong kailangan ko sya tsaka pa nya naisipang umalis.Ang masakit pa,bakit lahat sila sabay sabay na nawala sakin.Alam kong mali yung mga sinabi ko kay Lisa pero wala na nasabi ko na yun.Alam kong di na sya babalik bukod dun may sarili na rin akong buhay.Pagkauwi ko ng New Zealand nagpatayo ako ng sarili kong ospital para sa mga batang may sakit.Yung ospital na pinagtrabahohan ko noon ako na ang owner ngayon.Pero di lang sa pagiging doctor umikot yung buhay ko..Napalapit ako sa mga batang ulila na siguro dahil sa pagkawala sakin ni Tenten at nung baby ko.Ayoko na namang mag ampon kasi baka mamaya kunin na naman sya sakin.

Pagdating ko sa airport ay sakto namang nag ring ang phone ko.Magbabakasyon kasi ako ngayon sa korea kaya umuwi muna ako.Namimiss ko na rin sina Jisoo Unnie.

On phone.......

Jisoo:Yah Jennie yah nasaan ka na ba??Andito na kami sa airport.

Jennie:Unnie pwede ba wag ka ngang mainip.Malapit na ko dyan

Jisoo:Ang tagal mo kasi namimiss ka na namin

Jennie:Andyan ba si Chaeyoung ah???

Jisoo:Syempre mawawala ba yung babe ko??

Jennie:Hayyysst!!Di ka pa rin nagbabago.

Jisoo:Kaso nga lang di kami kumpleto.

Jennie:Bakit nasaan ang SCG?Akala ko ba susunduin nila ko??

Jisoo:Andito pero wala yung leader namin.

Jennie:Akala ko ba andyan si Chaeyoung ah.

Jisoo:Yung dati naming leader.

Jennie:Ayssh.Sige na Unnie mamaya na lang tayo mag usap papunta na ko dyan.(End call)

Hinanap ko kung saan nakaparada ang kotse nila Jisoo Unnie.Wala pang ilang minuto ng makita ang mga ito.Agad naman nila akong sinalubong at niyakap.

Jisoo:Yah Jennie yah??Parang mas lalong gumanda yung kapatid ko ngayon ah.Pero mas maganda talaga yung babe ko.

Jennie:Oo na Unnie

Kai:Jennie yah parang mas sumesexy ka ngayon ahh

Xiumin:Teka bakit..........................may lamay ba??

Jennie:Hyung palabiro ka na rin ngayon ahh .

Xiumin:Hahaha bakit ka kasi naka all black??From salamin hanggang sandals??

Jennie:Wala lang hyung trip ko lang.

Jisoo:Oo nga pala Jennie yah si Lisa............

Jennie:Tara na Unnie wag na natin syang pag usapan

Chaeng:Ah Unnie tara na para makapagpahinga ka na rin.

Tumango lang naman ako at tsaka sumakay na ng kotse.Habang nagdadrive ay tuloy lang pakikipag kwentuhan nila ng SCG.Ako naman ay nakatingin lang sa may labas ng kotse.Nabaling lang sa kanila ang atensyon ko ng banggitin nila ang pangalan ni Lisa.

I Hate You But I Love You {Book 2}A ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon