❝Lampo❞
Naaalala mo pa ba yung dati?
Yung time na pinapatawa mo ko parati?
Yung kahit magmukha ka nang cheesy
Sa paningin ng iba'y wala kang paki?Siguro'y hindi na
Dahil mayroon ka nang iba
At alam ko ring masaya ka na sa kanya
Wala naman akong magagawa diba?Tayo ay pinagtagpo
Pero agad ding nagkalayo
Nasayang lang ang ating mga pangako
'Pagkat lahat ng ito'y napakoAng sarap balikan nung dati
Yung sa t'wing maaalala ko ang mga nakalipas na pangyayari
Hindi ko mapigilang mapangiti.
Sana lahat ng iyon ay maulit muliGusto kong maranasang muli ang iyong lambing
Iyan sana ang aking hiling
Ngunit 'di ko na lang hihilingin
Hahayaan ko na lang itong liparin ng hanginKasi alam kong walang ng tayo
Wala nang ikaw at ako
Kaya puro sakit at hapdi na lamang ang natatamo
Mula noon, naniwala na ako sa salitang "LAMPO"