❝DAHILAN❞
Bakit?
Bakit bigla na namang bumalik ang sakit?
Akala ko'y tuluyan ko nang malilimot,
Nakaraang tila ba pinaghalong magandang panaginip at bangungot.Di inasahang babalik lahat ng mga alala,
Ang mga sakit na nadarama,
Ang mga masasayang alaala na may tampong kasama.
Di akalaing babalik ang lahat nang dahil sa iyong tulang nilikha.Binasa kong lahat.
Mga tulang iyong isinulat.
Nakakagulat!
Di ko akalaing ganoon pala kalalim ang nilikha kong sugat.Alam ko,
Alam kong naging marupok ako.
Gumawa ng mga hakbang na hindi naman sigurado.
Napakahirap lumayoSa taong minsang kumumpleto sa iyo.
Napakahirap sabihing “ayos lang ako”
Sa harap ng ibang tao—sa harap mo.
Napakahirap magpanggap na masaya ako.Sampung buwan,
Sampung buwan na ang nakaraan.
Ngunit ngayo'y nalilito't nahihirapan.
Kinaya ko naman ang mga buwang nagdaan.Kinaya ko namang wala ang ikaw.
Pero bakit?Bakit ang dali ko naman yatang naapektuhan
Ng mga salitang unti unting bumabaon sa aking puso't isipan.Mga salitang tumatagos sa aking dibdib,
Na para bang isang kutsilyong lubhang mapanganib.
Alam mo ba ang tunay na dahilan?
Ang dahilan ng aking paglisan.Selos.Iyan ang pinagmulan.
Iyan ang aking naramdaman.
Alam mo naman na ang akin ay akin lang.
Oo, mali ang aking ginawang hakbang.Pero kapag selos na ang umiral,
Walang tama o maling hakbang.
Mga negatibong bagay ay tatakbo sa iyong isipan.